Kabanata 1
ISANG MAINGAY na umaga ang sumalubong kay Kenna. Kakabalik lang niya rito sa Metropolis galing ibang bansa para sa isang trabaho na hindi niya matanggihan. She’s working as a famous architect under KZ Architectural Planners Inc. Pinadala siya personally ng kanyang boss na si Jayce Menese. Ayaw man niya bumalik sa Metropolis ay pinilit siya nito na gawin ang nasabing proyekto dahil siya lang daw ang maaasahan bukod sa mga engineer na ipinadala niya sa bansa. At dahil mahal niya ang trabaho niya, ginawa niya ang nararapat kahit labag sa kalooban niya.
Ang bumalik sa Metropolis.
It’s been two years since she left. After her failed marriage to her ex-husband Greyson, she decided to start a new life in another country. She studied again and work hard to become a famous architect that she’s been dreaming of since she was a child. Pero nawala ang mga pangarap na iyon nang makilala at pakasalan niya si Greyson. Akala niya magiging masaya siya dahil mahal niya ito ng buong puso. She thought love was enough to save their marriage. Kaya nang tuluyan maging palpak ang marriage life niya ay hindi niya alam kung saan magsisimula. Tila nawala saglit ang direksyon ng buhay niya.
Mabuti na lang at nandyan ang mga kaibigan niya na buong sumusuporta sa kanya. Nagkaroon ulit ng direksyon ang buhay niya at ang pangarap niya noong bata ay biglang nabuhay at ngayon ay naabot na niya. Wala na siyang mahihiling pa sa ngayon bukod sa matapos ang proyektong pinapatapos sa kanya ni Jayce.
Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga at pagkatapos ay saka hinila ang mga bagahe palabas ng airport. Pagkalabas niya ay sumakto naman na may taxi na naghihintay sa mga nais sumakay at magpahatid. She raised her left-hand kaya lumabas ang driver ng taxi para tulungan itong mag-akyat ng bagahe.
“Sa Crown Highways po,” sabi niya sa driver.
Sa Crown Highways siya kumuha ng pansamantalang condo unit na tutuluyan niya habang ginagawa ang proyekto. Hindi nga niya kilala ang kliyente na pupuntahan niya para sa gagawing project. Ang sinabi lang kasi ni Jayce sa kanya ay nagpapagawa ito ng bagong branch sa Saubea kaya kailangan nito ng isang bihasa na architect na magpaplano ng itsura ng building. Balita pa nga niya ay mahigpit daw ang boss at may pagkaarte.
Whoever he is, she will present the floor plans that she prepared for the said building. Noong nasa ibang bansa pa kasi siya ay sinabi na ni Jayce sa kanya ang mga detalye sa tatayuan ng building. Kaya naman naplano na niya one month ahead ang proposal bago siya makauwi. Kung may magbabago man sa proposal na ipinakita niya bukas ay sigurado siyang kaonti lang at kayang-kaya na tapusin.
Nakarating siya sa condo ng saktong katanghalian. Mabuti na lang at mabilis niyang nakuha ang susi sa may counter. May oras pa siya para makapagpahinga dahil bukas pa siya pupunta sa mismong opisina para kausapin ang boss. Ibinigay naman sa kanya ang address ng opisina na pupuntahan niya at dahil dito naman siya nakatira noon pa ay sigurado siyang hindi siya maliligaw.
Buong akala niya ay nakalimutan na niya ang buong lugar simula nang umalis siya pero para itong mapa na nakaukit sa kailaliman ng kanyang utak na ngayon ay bigla na niyang naalala. Doon niya napagtanto na maaaring makalimutan niya ang mga taong nanakit sa kanya pero hindi ang lugar kung saan siya ipinanganak ng kanyang mga magulang.
The whole condo unit is completely furnished. Sinabi niya kay Jayce na kahit hindi completely furnished ang condo ay ayos lang sa kanya dahil hindi naman siya magtatagal sa Metropolis lalo na at alam niyang matatapos niya kaagad ang project pero ginawa pa rin nito ang gusto at hindi nakinig sa kanya. The room is covered with grey, white and pink which is one of her favorite colors. There are also plants on the area that made the place more relaxing.
Naisip niya tuloy na sinadya ito ni Jayce dahil alam nito kung gaano ka-stressful ang pagiging arkitekto. There are times that client do not understand kung bakit hindi nasunod ang gusto nito lalo na kung imposible ang gusto nito mangyari. Doon na rin magkakaroon ng pag-aaway sa pagitan ng gumagawa at nagpapagawa.
Because of what Jayce did, she decided to give him a short message saying ‘thank you’ na may kasamang picture ng itsura nang condo niya. Napatawa siya ng mahina nang makita niya ang pangalan ni Jayce na tumatawag sa kanya kaya mabilis din niyang sinagot ang tawag.
“Nakauwi ka na?” tanong ni Jayce sa kanya. She can’t help but to smile. Talagang tinawagan pa siya nito para lang matsek kung nakarating siya ng maayos sa condo.
“Yup,” confident na sagot niya rito.
“Don’t forget what I’ve told you. Mr. Guevarra hates being late. You need to present your plan to him well,” muling paalala nito sa kanya.
Guevarra? Nakakatawa at magkaapelyido pa ang magiging pangalawang boss niya at ang dati niyang asawa. Sana lang ay magkaiba sila ng ugali nito.
“Oo na. Nakakailang sabi ka na niyan sa akin mula kahapon pa,” natatawang saad niya. This is the first time that she works away from Jayce so acting like a bit worried is very new to her. Other than that, she’s happy.
“I am just worried about you. If something happened, please call me.”
Napailing na lang siya. Talagang ngayon pa siya nag-alala samantalang ito pa nga ang nagtulak sa kanya na pumunta rito sa Metropolis kahit na nagdadalawang-isip siya. Kanina pa rin siya nito pinapaalalahanan na huwag malilate. Hindi naman siya malilate lalo na at kliyente ‘yon. Hindi niya ugali na malate lalo na kapag trabaho ang pinag-uusapan. At isa pa, pinaghirapan niya makarating kung nasaan man siya ngayon. Hindi siya papalpak dahil lang sa late siya.
“Yes sir.”
After that call, she decided to give herself a long bath. Pagkatapos no’n ay saka niya tinawagan ang mga kaibigan niya na at sinabing nakauwi na siya through a video call. May sarili silang group chat na magkakaibigan para makapagkwentuhan kahit malayo sa isa’t isa. Her friends told her that they will give her a party for coming back to Metropolis after two years this upcoming Friday. Napailing na lang tuloy siya. Mga party popper pa rin pala ang mga kaibigan niya hanggang ngayon. Kayce, Paxton, Violet and Ellen are her longtime friends since she was a college student. Ilan lang sila sa mga nakasaksi sa pagmamahalan nila ni Greyson noong bago sila kaya hindi rin sila makapaniwala na mauuwi sila sa hiwalayan.
Hanggang ngayon nga ay tinatanong pa rin siya ng mga ito kung bakit sila nauwi sa ganoong sitwasyon na kahit siya ay hindi masagot dahil hindi niya rin alam. He said he doesn’t have any mistress and yet, he still leaves her without a proper explanation. Ang hirap tuloy magbigay ng closure sa nakaraan dahil hindi niya alam ang dahilan kung bakit sila nagwakas.
Pero ngayon, may closure man o hindi, nakalimutan na niya lahat ang nangyari sa kanila ni Greyson. She is happy with her life.
Ellen Silva: May balita ka ba sa kanya?
Kenna Aguilar: Sinong ‘kanya’?
Violet Robles: Eh di sino pa? Your goodie-ex-husband.
Kenna Aguilar: Si Greyson? Wala akong balita sa kanya.
Totoo naman na wala na siyang balita sa dating asawa. Simula nang magdesisyon siyang kalimutan ang lahat sa kanila ng binata kagaya ng paglimot nito sa kanya ay ibinaon na niya lahat ng kaya niya ibaon sa limot. Oo. Inaamin niyang nahirapan siya sa pagkalimot dito. Walang araw o gabi na hindi siya umiyak noong nasa ibang bansa siya. Sino ba naman ang hindi iiyak kung ang inaakala mong masayang pagsasama niyong mag-asawa ay mauuwi lang din pala sa masalimuot na pagwawakas? Kung alam niya lang na ganoon ay baka hindi na lang siya nagpakasal kay Greyson at kinalimutan na lang ang binata. In that way, she saved herself from any heartbreak pero talagang masaya makipaglaro ang tadhana.
Ellen Silva: Wow. Nakamove-on na talaga siya.
Kayce Valencia: Parang noong isang araw lang, umiiyak pa siya.
Kenna Aguilar: Hay nako. Tumigil na nga kayo. Wala na akong pakialam sa kanya.
Wala naman na talaga siyang pakialam sa kanya. Kahit siguro magkrus ang landas nila ngayon ay isang ngiti lamang ang isasagot nito sa kanya. She’s happy with her new life now. Hindi na niya kinakailangan pang tignan ang dati nilang pinagsamahan ni Greyson dahil para saan pa?
Kung tutuusin ay sa nakalipas na dalawang taon na pananatili niya sa bansa ay hindi na niya ito naalala. Mahirap noong una dahil mahal na mahal pa niya ang lalaki noon pero noong marealize niya na dapat mas bigyan niya ng pansin ang sarili niya ay doon na siya nagsimula na makabangon. Mas natutunan niyang mahalin at i-appreciate ang sarili niya. Minsan talaga ay kinakailangan muna masaktan, mabagok ang ulo bago magkaroon ng isang matuwid na landas ang isang tao. Natural na kasi ang pagiging tanga sa pag-ibig.
Violet Robles: Sure?
Kenna Aguilar: Yup.
KINABUKASAN, isang kamalas-malasan na umaga ang naranasan ni Kenna. Maaga siyang gumising para maaga rin siya makarating sa opisina pero sa hindi inaasahan na pagkakataon, naligaw siya. Muntik na siyang mapaiyak dahil dito. Mabuti na lang, may nakakita sa kanya at tinulungan siya na makarating sa pupuntahan. Itinuro nito ang daan papunta sa Royale Seven Cruising Lines o RSCL kung tawagin. Without wasting any seconds, tumakbo siya para makaabot sa oras na sinabi sa kanya ni Jayce.
Umabot naman siya sa sinabi na oras ni Jayce kahit naligaw siya. Ayun nga lang, mukhang kinahig na manok ang itsura niya dahil pawis na pawis siya at magulo ang buhok. Kailangan niya ayusin ang sarili bago humarap sa mismong boss ng kumpanya. Kaya bago siya pumunta sa mismong opisina ay humanap muna siya ng CR at doon inayos ang sarili. Nang mukha na siyang presentable ay nagpahatid na siya sa secretary ng nasabing boss kung saan ipi-present niya ang floor plans para sa building na gagawin ayon sa mga sinabing detalye sa kanya ni Jayce.
Kaya lang sa pagpasok niya sa board room, tila pinaglalaruan na naman siya ng tadhana.
Is this a joke? Sigaw niya sa sarili.
Nakatitig siya ngayon sa lalaking prenteng nakaupo sa gitna habang nakatitig din sa kanya. Dalawang taon na ang nakakaraan mula noong makita niya ito. Kahit nakakasukang isipin para sa kanya ay hindi niya mapapagkaila na lalo itong gumwapo sa suot niyang itim na suit habang nakabrushed-up ang buhok. He’s looking at her with a very sharp look.
Para na naman nawalan siya ng kakayahan na huminga at mag-isip. Biglang nanumbalik sa kanya ang mga ala-ala na ibinaon na niya sa limot. Ang mga sakit na dinanas niya noon simula nang iwan siya nio ay muling nanumbalik sa kanya.
Ngayong nagkita silang dalawa ay parang gusto na lang niya kainin ang mga sinabi niya sa kaibigan. Pihadong pagtatawanan siya ng mga ito ngayon kapag nalaman nila kung sino ang kliyente niya.
Hindi ‘to pwede. Ano naman kung nandyan siya sa harap ko? Kailangan ko pa rin gawin ang trabaho ko kahit siya pa ang magiging second boss ko.
“Shall we start?” malamig na sabi nito sa kanya.
Huminga ng malalim si Kenna at sinimulan i-present sa kanya ang mga plano na binase niya sa detalyeng sinabi ni Jayce sa kanya. Pagkatapos ng presentation ay tahimik itong tumitig kay Greyson na tila hinihintay ang kumento nito.
“I like your presentation, Ms. Aguilar. But I think something is missing. Please put into the consideration that this is another branch of RSCL under Guevarra Cruise Shipping Lines. I want the building to have a homey atmosphere. RSCL will be their second home. Lalo na para sa mga gumagawa mismo ng cruise ship.”
Under Guevarra Cruise Shipping Lines? Bakit nga ba ngayon lang niya naisip ang pamilyar na tatak na ‘yon sa papel na ipinakita sa kanya ni Jayce noong magkasama pa sila? Kung naalala niya, hindi sana siya pumayag sa gusto ni Jayce. Kaso lang, nandito na siya. Kapag tumakbo siya, sigurado siyang siya ang masasabihan ng duwag. Baka isipin pa ni Greyson na hindi pa rin siya nakakalimot sa mga ginawa nito kahit na matagal na silang tapos at dalawang taon na ang nakalipas.
Tumango siya. “I will present another floor plan next week.”
“No. I actually want your floor plan. Gusto ko lang baguhin mo iyong mga gusto mo sa gusto ko. But don’t worry, this is only a minor change.”
“Okay.”
Niligpit niya ang mga gamit niya na tila nagmamadali. She knows that she can’t stay on this room for another minute nor second with her ex-husband. Being with him inside a room like this is enough to suffocate her.
“Kenna.”
Napahinto siya nang tawagin siya nito. Nanginginig siyang tumingin kay Greyson. “How are you?” kaswal na tanong nito sa kanya. Hindi napigilan ni Kenna ang pagyukom ng magkabilang palad niya. Kumusta? Is that how you’ll greet your ex-wife after two years? Muling sigaw niya sa kanyang utak. Marami siyang gusto sabihin pero pinili niya maging tahimik at umaktong propesyonal dahil ipinangako niya na hindi niya kailanman isasali ang puso niya sa trabahong ito.
Ngumiti siya ng kaswal kay Greyson at saka binitbit ang shoulder bag.
“I am fine, Mr. Guevarra.”