Kabanata 2
KADARATING lang ni Greyson sa kanyang opisina nang bigyan siya ng tawag ng secretary niya na bukas ng umaga ang dating ng isang arkitekto galing ibang bansa para i-present sa kanya ang floor plan para sa branch na gagawin ng isa pang kumpanya under Guevarra Cruise Shipping line, ang Royal Seven Cruise Shipping Line. Dito sa kumpanyang ito manggagaling ang mga materyales na gagamitin para sa paggawa ng mga cruise ships. Dito rin gagawin ang ilang cruise ships na magiging proyekto nila para sa buong taon.
Kaya naman pagkatapos isagawa ang plano para sa bagong branch, nagpatawag siya ng meeting na gagawa ng building. His friend Paxton, suggested the KZ Architectural Planning Inc nang minsan itong magtanong sa mga kaibigan niya kung saan maganda kumuha ng eksperyansado sa paggawa at pagdisenyo nito. They are professional and the design of the buildings that are posted on their social page and website were really beautiful. Kaya naman tinanggap niya ang suhestisyon ng doktor na kaibigan kahit na nagtataka siya kung bakit may kilala itong nagtatrabaho sa mga ganoong kumpanya.
Noong araw na rin ‘yon, nagkayayaan silang magkakaibigan na uminom pagkatapos niya gawin ang mga trabaho sa opisina. It’s his usual day routine to spent on. Paxton, Royce and Gideon are one of his college friends. They were on the business course and same section during college days’ kaya palagi silang magkakasama. Paxton got married to Kayce after four years of dating. And now they will have a baby a few months from now. While Royce and Gideon are still single. Him? He’s single since he failed his marriage two years ago.
He met Kenna, one of Kayce’s friends during college days. Ang sabi sa kanya ni Kayce ay may gusto ito sa kanya. Nakita kasi siya ng dalaga na naglalaro noon ng basketball sa sport festival noong college dahil pinilit siya ng tatlo niyang kaibigan na sumali. Wala siyang nagawa dahil pinasa ni Royce ang papel sa adviser nila kaya kinakailangan niya sumali. Kung hindi ay babagsak siya.
After he played basketball because he doesn’t have any choice, doon na niya nakilala si Kenna. He finds her cute. Since that day, they started talking to each other until they decided to level up their game into a couple. He loves Kenna. Iyon ang paniniwala at alam niya. Kaya naman hindi nagtagal ay inaya niya na magpakasal si Kenna pagkatapos ng dalawang taon na magkarelasyon. Nanay Corazon, his grandmother really likes her. Iyon palagi ang sinasabi nito sa kanya kaya naman proud siya kay Kenna. His parents like her too para sa kanya kaya nang yayain niya magpakasal ang dalaga ay sobrang suportado nila ang isa’t isa.
They got married. And they are happy.
Pero habang tumatagal, may narealize siya. He realizes that something is missing on his life. Isang bagay na hindi kayang punan ng pagmamahal ni Kenna kundi ang sarili niya lang. Inaamin niya na habang nagsasama sila ni Kenna, nawawala ang pagmamahal niya rito kaya tuloy ang akala ng dalaga ay may babae ito. Hanggang sa lumabas ang bali-balita na may relasyon sila ni Isabelle, isa sa mga kaibigan ni Kenna na ngayon ay wala na sa buhay niya. She got furious. Umiiyak siya sa harap niya habang ipinapaliwanag sa kanya ang dala-dalang sakit sa dibdib niya.
At naiintindihan niya ‘yon. Pero wala siyang ginawa. At iyon na ata ang isa sa mga pinakatanga na pupwede mo gawin bilang lalaki. Ang walang gawin kahit na nakikita mo ng nasasaktan ang babaeng mahal mo.
He doesn’t want to hurt her anymore so he decided to file a divorce that made Kenna’s heart shattered into pieces. Nang makita niya iyon ay parang may tumulak sa kanya na yakapin si Kenna at humingi sa mga bagay na pagkakamali niya. But he needs to do it right. Hindi niya pupwede abusuhin ang pagmamahal ni Kenna sa kanya kaya naman umalis siya.
Umalis siya sa paraang ikinabasag ng gusto ni Kenna.
“Pre, ang lalim naman ata ng iniisip mo?” sabi ni Paxton at saka ininom ang alak na nasa baso.
Hindi siya nagsalita. Kapag nalaman nilang iniisip niya si Kenna ay paniguradong suntok lang ang abot niya sa mga ito. Ang mga kaibigan ni Kenna at mga kaibigan niya ay magkakaibigan din. Technically, they have one circle of friends’ kung kaya’t ang buhay na nangyayari roon sa isa ay alam nilang lahat. Nang makipaghiwalay si Greyson kay Kenna ay muntik na silang magkawatak-watak lalo na nang makatanggap siya ng ilang sampal mula kay Violet na pinigilan ni Royce.
It’s a given na magagalit sila sa kanya dahil sinaktan niya ang kaisa-isang babae na pinangakuan niya ng habang-buhay.
“He’s thinking about work,” sabi naman ni Gideon na mukhang kagagaling lang sa trabaho at dito na sa inuman dumeretso.
“Baka babae kamo,” natatawang sabi ni Royce. Napailing na lang siya. Wala naman talaga siyang iniisip na kahit na ano. Kung tutuusin nga ay nagbabalik tanaw lang ito sa nangyari sa kanila ni Kenna na hinding-hindi niya sasabihin sa mga kaibigan lalo na kay Paxton na kasal sa kaibigan ng dati niyang asawa. Baka mamaya ay mapatay na talaga siya nito.
“Kamusta kayo ni Isabelle?” tanong ni Paxton. Nagpakawala siya ng buntong-hininga bago tumingin sa kaibigan at umiling. “Wala kaming relasyon ni Isay, kung iyon ang iniisip niyo,” seryosong sagot niya rito.
Bago niya hiwalayan si Kenna, Isabelle confessed that she’s in love with him. But he just can’t reciprocate that love. Kaibigan lang ang tingin niya kay Isabelle kahit ano pang mangyari. Because of that confession, Kenna got mad. Iniisip nito na may relasyon silang dalawa ng kanyang best friend dahil sa pagiging malapit nito when in fact, he’s just treating Isabelle as a friend.
Pero inaamin niya na isa si Isabelle sa mga dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Kenna. He knew that he felt something for her that isn’t clear kung kaya’t nagkandagulo-gulo ang buhay nilang dalawa ni Kenna. Pero iyong bagay na ‘yon ay hindi niya pwede isisi kay Isabelle dahil kung tutuusin, kung ayaw naman niya, pwede siya umiwas pero hindi niya ginawa.
“Sinasabi mo lang ba ‘yan sa amin dahil ayaw mo na maging gago ang tingin namin sa’yo o may iba pang dahilan?” tanong ni Gideon sa kanya. Umiling ulit siya.
“Wala nga. Isabelle is just a little sister to me,” giit nya rito. Hanggang ngayon ay may mga hindi pa rin siya nagagawang sabihin sa mga kaibigan lalo na sa kanilang dalawa ni Isabelle. Hindi naman siya natatakot mabugbog kung sakali. Para lang sa kanya ay sapat na siya lang ang makaalam ng mga ‘yon at hindi na kailangan pang sabihin sa kanila.
“Eh si Kenna? Kung kapatid lang ang tingin mo kay Isay, bakit hiniwalayan mo si Kenna?” seryosong tanong ni Paxton sa kanya. The truth is Isabelle is special to him. Siguro iyon din ang dahilan niya kung bakit nakaramdam siya ng kakaiba kay Isabelle noon na nakita ni Kenna.
Hindi siya naniniwala sa mga sinasabi noon ni Kenna. Sabi niya ay nagpapadala lang ito sa mga iniisip niya pero alam niya sa kanyang sarili kung ano ang sinasabi ng asawa. Binabalewala niya lang dahil ayaw na niyang palakihin ang gulo na nagulo pa rin dahil sa kanilang dalawa.
“Kung may gusto ako kay Isabelle, matagal ko na siyang pinatulan pero hindi ko ginawa.”
Totoo iyon. He can’t deny the fact that Isabelle is a beautiful woman. Maraming lalaki ang nababaliw sa kagandahan nito at hindi siya magpapaimpokrito. Papatulan niya si Isabelle kung sakaling may nararamdaman siya para rito pero hindi niya ginawa. And besides, he respects Isabelle. He will never do that kind of thing to her knowing that she’s the best friend of his ex-wife.
May natitira pa naman siyang respeto para sa sarili niya kahit gago siya.
“I agree with Grey,” sagot ni Royce sa kanila. “Isabelle is indeed a beautiful woman. But I will never like her more than a friend. May respeto pa rin naman ako sa sarili ko,” giit niya rito. He felt like he’s lying infront of his friends right now but what he has with Isabelle isn’t something that he could call a relationship. Kaya hindi niya rin masabi sa mga kaibigan ang totoo.
“Anong balak mo ngayon? Hindi ba ay hindi pa alam ni Lola Karing ang nangyari sa inyo ni Kenna?” muling tanong ni Paxton.
Corazon Guevarra is his grandmother on the mother side. Corazon or known as Lola Karing is very fond of Kenna. Natatandaan pa niya kung paano ito naging kupido sa pagitan nilang dalawa upang magkalapit. Pagkatapos nila mauwi sa kasalan ay natandaan din niya na umiyak pa ito sa sobrang saya dahil sila ang nagkatuluyan silang dalawa. After the night of their wedding, bumyahe ang kanyang lola papuntang probinsya para doon mabuhay kasama ng kanyang lolo. Kaya wala itong naging balita sa kanilang dalawa. Hindi niya rin nagawang sabihin sa kanya na matagal na silang hiwalay dahil nagkaroon ng sakit ito sa puso na sumakto sa panahon na naghiwalay silang mag-asawa.
Lola Karing is very special to him. She’s a second mother to him. And he cannot deny the fact that he loves his lola so much. Kung may isa pa siyang poprotektahan, iyon ay walang iba kundi ang lola niya.
“I don’t know. I hate lying pero siguradong malulungkot siya kapag nalaman niya ang totoo,” sagot niya sa mga kaibigan. His friends understand him very well and he’s lucky to have them. Kahit na gago siya ay nagagawa pa rin siyang intindihin nang mga ito katulad ng sa lola niya.
“Ingat lang bro. Siguradong kapag nalaman ni lola ang nangyari sa inyo at nagsinungaling ka sa kanya, paniguradong sasama ang loob no’n,” sagot ni Royce sa kanya. Tumango siya sa kaibigan dahil ganoon nga ang mangyayari.
“Enough with Isabelle and Kenna’s thingy. Let’s talk about business,” sabi ni Gideon na parang may bagong proposal na naman sa kanilang magkakaibigan. Napailing na lang siya. Gusto niya na lang matulog at magpahinga.
MAAGANG pumasok si Greyson sa trabaho dahil nga ngayon ang dating ng representative ng KZ Architectural Planning Inc. He’s not a morning person. He hates going to work before 8am in the morning. Kung siya nga lang ang masusunod ay hapon na niya kikitain ang representative ng KZAP but they insisted that the meeting should be done by morning para maagang matapos. They both agreed on the schedule pero sa totoo lang ay gusto niyang ilipat ito sa hapon.
Maya-maya pa ay tinawag na siya ng secretary niya na on the way na si Ms. Aguilar. Kumunot pa ng bahagya ang noo niya pagkarinig ng last name nito. Kaagad niyang initsa sa utak niya ang ideyang ‘yon dahil baka nagkataon lang na Aguilar din ang last name ng representative ng KZAP. At isa pa, ilang taon na silang hindi nagkikita ng dati niyang asawa. Pumunta siya sa board room dahil doon gagawin ang meeting. Maya-maya pa ay bumukas ang pinto. Kasabay no’n ang paglingon na ginawa niya rito at ang pagsunod ng tingin sa pamilyar na babaeng pumasok sa loob.
Kitang-kita niya ang gulat sa mukha nito, na maging siya ay siguro hindi inaasahan na magkikita sila pagkatapos ng masalimuot na nangyari sa relasyon nilang mag-asawa. Pinasadahan niya ng tingin ang babae sa kanyang harapan.
She’s wearing a white sando and black long-sleeve on her top. Sinamahan niya iyon ng itim na slacks at sapatos na mataas ang takong. Sa kanyang kanan ay bitbit niya ang isang itim na bag na naglalaman ng kanyang mga gamit. Her long curly hairs were in a ponytail style kung kaya’t lalo itong nagmukhang propesyonal. Hindi lang ‘yon dahil para kay Greyson ay lalong gumanda rin ang katawan nito.
She became more beautiful than the last time I saw her. Sigaw ng isip niya. Inaamin niyang nakatingin lang siya rito hanggang sa matapos ang presentation. Mas lalo pang naging hubog ang katawan nito kesa sa huling taon na nakita niya ito. Kung saan-saan na lumilipad nag utak niya pero wala siyang pakialam. Wala rin katapusan ang pagbabalik ng ala-ala nilang mag-asawa sa utak niya. At alam niya na hanggang pagtanaw na lang sa ala-ala niya ang magagawa niya. He knows that he made her suffer and sorry wasn’t enough to ease the pain.
After the presentation, nagtanong-tanong siya rito. Lahat ng ekspresyon na nakikita niya sa dating asawa ay napapansin niya. Natatandaan niya rin kung paano ito mainis noon at wala itong ipinagbago. He didn’t want to ask how is she but it’s already too late for that.
“Kenna.” Nanginginig na lumingon sa kanya ang dating asawa at pagkatapos ay matapang siya nitong tinignan sa mata.
“How are you?” kaswal na tanong nito sa kanya. Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa. He’s not expecting to answer his question because who is he to her? Pero hindi niya inaasahan ang pagsagot nito sa kanya na may kasamang ngiti sa labi.
“I am fine, Mr. Guevarra.”