Kabanata 18 KALMADONG umalis si Kenna sa opisina ni Greyson. She has to remained calm. Hindi pa tapos ang trabaho niya at ayaw niya na pangunahan siya ng emosyon dahil lang sa nakita niya. She has the right to be mad. Nagkaroon sila ng kasunduan ni Greyson na hindi sila gagawa ng bagay na ikakasira nilang dalawa. But he’s doing it right now and that’s what she cannot accept. Talaga bang pinipili niya ang babaeng ‘yon? Gusto niya matawa. Porket ba hiwalay na silang dalawa ngayon ay harap-harapan na nitong ipinapamukha na si Isabelle talaga ang pinipili niya? Tanda pa niya ang pagdedeny ni Greyson kay Isabelle noon na may relasyon silang dalawa pero ngayon ay kung makagawa sila ng eksena sa opisina ay parang wala itong pakialam kung makita man sila ng mga tao. Huminga siya ng malali