Kabanata 17 HINDI NAKATULOG si Kenna ng maayos pagkatapos ng pag-uusap nila ni Greyson. Antok na antok na siya pero eto siya at ayaw patulugin ng kanyang diwa. Hindi niya malaman kung bakit ayaw siya patulugin ng kanyang isipan. It was just a normal conversation with him. Pareho naman silang pumayag na maging civil sa isa’t isa kung kaya’t okay lang na magkaroon sila ng ganoong pag-uusap. But she suddenly felt nervous. Hindi niya alam kung bakit. Siguro ay dahil ngayon na lang ulit sila nag-usap ng maayos? Sa totoo nga lang ay hindi niya kailanman naisip na magkakaroon pa sila ng maayos na conversation ni Greyson. They always fight in smallest thing. At simula nang magkita sila ay wala pa siyang natatandaan na nag-usap sila ng maayos. It was a good thing that they had a normal conver