MADILIM ang mga mata ni Kairos habang pumapasok sa loob ng naghihintay na sasakyan. Sinalubong siya ng payong kanina ng assistant niya nang lumabas siya ng gusali pero ni hindi niya ito hinintay dahil mabibilis ang mga hakbang niya. Hindi niya ininda ang malakas na mga patak ng ulan. Hanggang ngayon, ayaw pa ring umamin ni Octavia kung ano ang nangyari thirteen years ago. Pero madali na lamang niya itong mapapaamin sa lahat-lahat kapag nakakulong na ito. Sa ngayon, kailangan na muna niyang umalis dahil mas lalo lamang tumitindi ang pagnanais niya na patayin ito sa sariling mga kamay. Katulad ng sinabi niya rito kanina, hindi siya mamamatay-tao kahit pa iyon na ang gusto niyang gawin nang mga sandaling iyon. “Siguraduhin n’yong hindi siya makakaalis sa gusaling ito. The police will t