CHAPTER 59

1445 Words

NANLILISIK ang mga mata ni Octavia habang tinitingnan ang yellow caution tape na nakapalibot sa buong opisina niya. Napakadilim ng paligid. Kanina pa umuulan ng malakas at hanggang ngayon ay hindi pa rin iyon tumitigil. Mabuti na rin iyon dahil mas mabilis siyang nakatakas sa hotel na tinutuluyan na walang ibang nakapansin. Kung gaano kalamig ang panahon, ganoon naman kainit ang galit na nararamdaman niya. Hindi siya makapaniwala na sa isang iglap lang ay mawawala ang mga bagay na pinaghirapan niyang makuha. Pinapangako niya sa kanyang sarili, papatayin niya kung sino man ang taong nasa likod nito. Alam niyang hindi iyon si Maldita. Walang kakayahan ang walang kuwenta niyang anak na mag-orchestrate ng ganito kalaking pagsisiwalat ng mga krimen na nagawa niya. There must have be

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD