PAHIGPIT nang pahigpit ang pagkakasakal ni Octavia sa leeg ni Daxton. Naging halos purple na ang kulay niya ngunit hindi pa rin siya binibitiwan nito. Nang sa tingin niya ay tuluyan na siyang mabubugtuan ng hininga, bigla na lamang siyang hinalikan nito sa bibig nang napakapusok. Sakal-sakal pa rin siya ng babae ngunit hindi na iyon kasing higpit ng kanina. She bit his lips until he could taste his own blood. But he did not even flinch. Hinayaan lamang niya ito. Mayamaya ay si Octavia na mismo ang kusang kumalas. Humigpit ulit ang pagkakasakal nito sa kanya. “I don’t trust you anymore,” she hissed through gritted teeth. “I can even easily kill you right now.” Bigla itong ngumisi ngunit naniningkit ang mga mata. “Pero may kaunting kuwenta ka pa sa akin, Dax. Kaya hindi muna kita p