“MGA lapastangan!” Mabilis pa sa alas kuwatro na napabalikwas ng bangon sina Maldita at Daxton. Sabay na nanlaki ang mga mata nila nang makita si Octavia na nakatayo sa pintuan ng kuwarto habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanila. Nasa likuran nito ang dalawang security guard na kapwa nakahawak sa baril na nakasukbit sa baywang ng mga ito. Agad na siniguro ni Daxton na nakatakip ang kumot sa hubad na dibdib ni Maldita bago binalik ang tingin kay Octavia. “O-Octavia…” “Ilabas n’yo ang hayop na lalaking ‘yan at ikulong sa tool shed!” Sigaw ng babae. Agad namang sumunod ang dalawang guard. Hinila nila galing sa higaan ang binata habang nakatutok ang baril ng isa rito. Hindi naman nagpumiglas ang lalaki. Hinayaan nitong kaladkarin siya ng dalawa palabas. Ngunit nang tuma