IT WAS Maldita’s birthday. Pero sanay naman siyang walang nagce-celebrate ng kaarawan niya kaya’t para sa kanya ay normal na araw na lamang din iyon. She had a full-packed schedule. Umaga pa lang ay may meeting na siya sa isang possible brand partnership. Hapon nang mag-shoot naman siya para sa paid partnership ng kanyang IG account. Kinagabihan, naimbitahan siya sa isang event ng mga social media influencer. Pero ni walang nakakaalam na kaarawan niya sa araw na iyon. Sa dami ng nakasalamuha niya buong magdamag, ni isa ay walang ideya na sa araw na iyon ay twenty one years old na siya. Hindi naman kasi niya ni-re-reveal ang ganoon sa kanyang account. Nasanay siya na hindi binibigyan ng halaga ang araw na iyon. “It’s my birthday, you know,” mahinang pahayag niya sabay ngiti ng map