NAGSASALIN si Dax ng alak sa isang wineglass nang makarinig siya ng isang malakas na tili. Bigla siyang napatayo, hindi alintana kung nabitawan na niya ang bote at ang wineglass na hawak . Kumaripas siya ng takbo palabas ng pool house dahil sigurado siyang boses iyon ni Maldita. Nang makalabas siya, nakita niya si Kenneth na mabilis na pumasok ng shower room malapit sa swimming pool. Ngunit agad din itong lumabas at parang naiilang na iginilid ang mukha. Bigla nitong hinubad ang suot na t-shirt at akmang papasok ulit ng shower room. “Ma’am, papasok ako, ha?” pagbibigay-alam nito. Dumilim ang mukha ni Dax at mabilis na nilapitan ang lalaki. Marahas niya itong hinila palabas ng shower room. Nang siya naman ang humakbang papasok doon ay hinila nito ang kwelyo niya sa likuran. G