“SO, THE b*tch is still in the house.” Dumilat si Maldita at saglit na tiningnan si Octavia nang umupo ito sa katabi niyang lounge chair sa gilid ng pool. Kasalukuyan siyang nag sa-sunbathing. Nakasuot lamang siya ng two-piece swimsuit at sunglasses. Si Octavia ay nakasuot din ng pang swimwear at humiga sa lounge chair. “Ah, this feels so good!” masayang sabi nito habang lumalanghap ng hangin. “I heard may nagtangka raw sa buhay mo?” “You heard or you know ahead of time?” Tumawa ito. “Oh, come on, dearest daughter. Don’t tell me you also believe na ako ang may kagagawan no’n? I’m not that stupid to have someone chase you down a highway. Kung ipapaligpit man kita, I’ll make sure everything is clean and untraceable.” Hindi siya umimik. Wala rin naman siyang paniniwalaan sa kahit na