CHAPTER 5

1412 Words
"Oh, napatawag ka, Ciel?" Inipit ko sa aking tainga at balikat ang aking cellphone upang matapos ko ng ang aking ginagawa. "Matagal-tagal na rin ng huli kang tumawag. Ano'ng mayroon?" "Nagtatampo ka ba?" tanong nito na mababakas pa ang pag-aalala sa tono ng pananalita nito. Marahan akong bumuntong hininga habang inaalis ang apron sa aking katawan. "Mukhang hindi lang tampo, ah. Ang lalim kasi ng buntong hininga mo." "Malalim ba 'yon, eh, marahan nga lang ang pagbuntong hininga ko, eh. Bakit ka nga kasi napatawag? May problema ba?" "Okay-okay! Hindi na kita kukulitin kung nagtatampo ka ba o hindi. Dahil baka lalo ka lang magalit. Sorry kung ngayon lang ako nakatawag. Kalalabas ko lang kasi ng hospital at ilang buwan din ang sumailalim sa therapy session. 'Tsaka tumawag ako kasi gusto kong sabihin sa 'yo na pauwi kami ng Pilipinas next month and of course gust---" "Therapy session?" sa halip ay tanong ko ng biglang nag sink-in sa aking isip ang sinabi ko, kasabay noon ay agad akong nakaramdam ng pag-aalala para dito. "Bakit mo kinailangan ang therapy session? Ano'ng nangyari sa 'yo?" Narinig ko ang mahina nitong pagtawa mula sa kabilang linya. "Oy, nag-aalala na s'ya. Kanina lang nagtatampo pa 'yan." Bumuntong hininga ito. "Hay naku, kung alam ko lang na ganyan magiging reaksyon mo, kanina ko pa sana sinabi ang tungkol sa naging therapy ko." "Ano nga'ng nangyari? At bakit ngayon mo lang sinabi sa akin? Hindi ka man lang nag-chat o tumawag para ipaalam." hasik ko na hindi ko na rin napigilan pa ang mainis, lalo na't hindi rin mapigilan ng aking sarili ang mag-alala. "Okay-okay, 'wag ka ng magalit. HIndi lang naman ikaw ang hindi ko sinabihan, eh. Kahit si Jenniel hindi rin n'y alam. At isa pa, sinadya ko talagang hindi ipaalam sa inyo, hindi sa ayaw ko lang kundi para hindi na rin kayo mag-alala pa." Sandali itong nanahimik kasabay ng malalim na pagbuntong hininga. "T-Teka, g-grabe ba ang nangyari? K-Kaya mo bang i-kwento? Kung hindi, kahit 'wag na mu---" "Naaksidente kasi ako," mahina nitong turan na agad naman nakapagpahinto sa aking pagsasalita at pabagsak na napaupo sa upuan. Nabigla ako at hindi ko inaasahan na ganoon ang aking maririnig. "N-Naaksidente? P-Papaanong aksidente?" "Naipit ang mga paa ko sa loob ng kotse at almost a year din akong hindi nakalagad. Kaya kinailangangan kong sumailalim sa therapy session. But don't worry na. okay? Maayos na rin naman ako. Isa pa, hindi rin naman ako pinabayaan ng doktor ko, eh." Sabay tawa nito na tila kinikilig. Alam ko rin naman na hindi ito pinabayaan ni Dr. Darryl at lahat gagawin para kay Mariciel. Kaso sa puntong pag-aalala ay hindi ko lang rin talaga maiwasan, lalo na't hindi lamang iyon basta simplrng aksidente. "D'yos ko! At nasasabi mo pa talagang huwag na akong mag-alala. Maaari ba 'yon, ha? Maaari bang hindi ako mag-aalala pagkatapos ng nangyari sa 'yo." "Hays— oo na! Naiintindihan kita, pero nangyari na 'yon, eh. 'Tsaka, ito oh, ligtas naman ako. Kaya nga ngayong magaling na ako at puwede na uli akong mag-travel, ikaw agad ang una kong naisip na puntahan. Si Jenniel kasi nasa Germany raw ngayon." Napabuntong hininga na lamang ako sa mga sinasabi nito at pinipilit na lamang ang aking sarili na huwag ng mag-alala pa. "Okay, hihintayin ko kayo rito. Teka, sino nga palang kasama mo pag- uwi rito? Kasama mo ba ang mga bata? Si Dr. Darryl, kumusta naman s'ya?" "Ayon, busy na naman sa mga misyon nila. At balita ko may malaking misyon na naman raw silang ang hahawakan d'yan sa Pilipinas kaya uuwi rin s'ya. Pero mauuna s'yang umuwi amin. And yes, of course kasama ko ang mga bata. Miss na rin daw kasi nila ang mga lolo at lola nila, eh." Bahagya akong napabuntong hininga ng muli na naman akong nakaramdam ng kaunting inggit sa maayos nitong sitwasyon sa buhay. Ramdam ko ang kapayapaan at kaligayahan nito na hindi ko maramdaman o kung mararamdaman ko pa ba sa kabila ng mga nangyari sa akin. Sa aming tatlong magkakaibigan, ako lamang ang tila pinagkaitan ng tadhana na maranasan at maramdaman ang totoong kaligayahan sa buhay. Limang taon na rin ang lumipas nang maranasan ko ang kaligayahan na inakala kong wala ng katapusan o hangganan, ngunit makalipas ang dalawang taon ay bigla na lamang naglaho ang kaligayahang iyon. At mula noon ay hindi ko na muli pang naramdaman, na hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko ang tila kakulangan sa aking buhay, lalo na sa tuwing makikita ko si Deo. Nakikita ko rito ang mukha ng lalakeng umiwan sa akin tatlong taon na rin ang nakararaan. "Oh, may problema ka ba? Bakit bigla kang natahimik d'yan?" tanong nito ng marahil ay napansin ang bigla kong pananahimik. "Wala naman. May naisip lang ako bigla." Bumuntong hininga ako upang palisin ang bigat na nagsisimula ng bumalot sa aking sistema dahil sa bigla na namang sumilip sa aking isipan ang mga nangyari sa aking nakaraan. "S'ya nga pala, alam ba ni Jen---" "S'ya na naman ba ang bigla mong naisip? Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin s'ya nalilimutan?" Tanong nito na pumutol sa aking pagsasalita. Sandali akong natahimik at hindi agad nakaimik. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot sa mga sinabi nito. Marahan akong bumuntong hininga, saka ako tumayo at lumakad papuntang sala. "May gamot ba na pwede kong inumin para tuluyan na akong makalimot at maranasasn ko na uli kung paano sumaya? Kung mayroon man, gusto kong uminom. Gusto kong inumin para hindi ko na maranasan at patuloy pang maranasan ang ganitong klase ng sakit at lungkot," mahina kong turan, kasabay ng pangingilid ng aking mga luha sa palibot ng aking mga mata. "Dhea," Tanging salitang nabanggit ni Mariciel. Alam kong ito man ay nahihirapan at nag aalala rin sa aking sitwasyon. Wala man ito sa aking tabi mula ng iwan ako ni Leo ay nasaksihan pa rin nito ang sakit at pagdurusang aking naramdaman at patuloy na nararanasan sa loob ng lumipas na tatlong taon. "Hay naku! Sige na, may ginagawa pa ako, eh. Mga minsan na lang uli tayo mag-usap. Isa pa, may work pa rin ako mamaya, kaya kailangan ko na rin bilisan." "Okay, sige. Tatawag na lang uli ako pag hindi ka na busy. Ikumusta mo na lang ako kay Deo." "Sige, bye! Salamat sa pagtawag." Malalim na lamang akong napabuntong hininga at napatitig sa kawalan ng tuluyan ng nawala sa kabilang linya si Mariciel. Aaminin kong para bang gusto ko na alamang ding putulin ang kumunikasyon ko sa mga ito, hindi sa ayaw ko ng makipag kontakan sa mga ito o putulin ang ano mang ugnayan, kundi upang tuluyan na rin makalimot at makawala sa matinding sakit at kalungkutan, dahil ang mga ito ang nagpapaalala sa akin mula kay Leo. Isa sa mga dahilan kung bakit nakilala at minahal ko si Leo ay dahil sa mga ito. Unang naging kaibigan nina Jenniel at Mariciel si Leo sa Bicol noon bilang isang Abner. At dahil sa mga ito nakilala ko si Leo, na hindi ko inasahan na magugustuhan ko at mamahalin ng sobra, kahit pa alam kong ang gusto nito noong una ay si Jenniel, hindi ako sumuko at patuloy na umasa hanggang sa bigla na lamang dumating ang araw na napansin na rin ako nito. Wala akong sinayang na pagkakataon noon upang mas lalo pa ritong mapalapit. At noong araw na sinabi nitong may pagtingin din ito sa akin ay tila bigla akong dinala ng kaligayahang iyon sa ulap at walang sawang idinuyan na anino'y wala ng katapusan at wala ng mahihiling pa. Kaligayahan na walang kapantay, ngunit ang kaligayahang iyon ay mabilis ding binawi sa akin at pinalitan ng matinding sakit at pagdurusa. "Dhea, tapos ka na ba? Naghihintay na sa 'yo si Deo!" sigaw ni Mama mula sa kusina na bahagya ko pang ikinugalat at agad nagising ang diwa mula sa pagbabalik tanaw sa aking nakaraan. "Opo, Ma! Magbibihis na lang po ako." Malalim akong napabuntong hininga at muling kinalma ang aking sarili, saka ako lumakad patungo sa aking silid. Dapat na kitang kalimutan, Leo. At wala ng dahilan para manatili ka pa sa puso at isipan ko. Ikaw ang unang ng iwan at tumalikod. Ikaw ang hindi tumupad sa pinangako natin sa isa't-isa. Tatlong taon na rin, tatlong taon mo na rin akong ikinukulong sa sakit at kalungkutan, na hindi ko alam kung buhay ka pa ba o patay na. Pagod na ako at gusto na kitang kalimutan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD