CHAPTER 3

2054 Words
"Fvck, dude! Pinakaba mo ako, ah! Ano bang nangyari sa 'yo? Isang oras ka ring walang malay!" Napalingon ako sa aking gilid ng marinig ko ang boses ni Kent na mababakas ang labis na pag-aalala. At sa puntong iyon ay sandali akong natigilan ng maalala ko ang nangyari sa akin kanina. "Sino'ng nagdala sa akin dito?" Sa halip ay tanong ko at agad tinanggal ang swero na nakakbit sa akin saka ako bumangon. "Hoy— teka, ba't tinanggal mo 'yan? Hindi ka pa pwedeng lumabas dito hangga't wala pang sinasabi ang doktor mo." "Okay na ako at kailangan ko na ring umuwi. Pakiayos mo na lang ang bill ko, ipapadala ko na lang sa 'yo ang bayad." "Gag* ka! Secretary mo ba ako?" Reklamo nito habang napapailing. "Hay naku, ang tigas ng ulo mo! Bahala ka na nga d'yan. Sana hindi na lang kita rito dinala, mukha ka namang okay, eh! Bwisit!" Huminto ako sa paglalakad at lumingon dito. "So, why did you bring me here?" "Eh, sira ulo ka pala, eh! Sino namang hindi matataranta sa itsura mo kanina? Bigla ka na lang nawalan ng malay. Akala ko nga patay ka na, eh." Lumapit ito sa akin habang nakatiitig sa aking mga mata na tila binabahasa nito ang aking isip. "'Yong totoo, ano ba talaga ang nangyari sa 'yo kanina? Paglabas ko ng bar nakita kitang parang hirap-hirap habang nakahawak sa ulo mo. Nauntog ka ba?" Napailing ako sa huling tinuran nito na para bang isa lamang itong bata na nagtatanong sa kalaro na. "Sana nga gan'on lang, eh. Mawawala agad ang bukol." "Eh, kung gan'on nga, ano nga ang nangyari sa 'yo? Sabihin mo na kasi para matahimik na ako." Pamimilit pa nito, ngunit bigla itong natigilan at agad na napatingin sa suot nitong relo. "Fvck! Isang oras na lang palapag na ang eroplanong sinasakyan ni Veronica." "Sige na, mauna ka na! Puntahan mo na s'ya. 'Tsaka na tayo mag-usap." Malalim itong bumuntong hininga. "Fine! Saka mo na lang sa akin sabihin! At pasalamat ka, susunduin ko pa si Veronica, kung hindi, hindi kita tititgilan." Sabay tapik nito sa aking balikat at agad na ring tumalikod. Ngunit nakakailang hakbang pa lamang ito ay muli itong huminto at humarap sa akin. "Anyway, kotse mo nga pala muna ang gagamitin ko pagsundo kay Veronica. 'Yon kasi ang sinakyan natin kanina nang dinala kita rito." Sabay kindat nito habang may nakakalokong ngisi sa labi. Napailing na lamang ako at wala ng nagawa pa kundi ang pagbigyan na lamang ito, dahil sa puntong iyon ay ako rin naman ang dahilan kung bakit hindi nito nadala ang sasakyan at naantala ang lakad nito. Agad na rin akong pumara ng taxi ng tuluyan na akong nakalabas ng hospital. Naisin ko mang tawagan si Jessie upang magpasundo rito ay hindi ko na lamang ginawa pa, dahil alam kong hindi rin ako nito titigilan sa pangungulit tulad ni Kent. Alam kong mapagkakatiwalan ko rin si Jessie sa lahat ng aspeto, personal man o sa trabaho. Ngunit sa puntong ito ay hindi ko magawang i-open dito ang tungkol sa aking problema. Sa loob ng tatlong taon nitong pagtatrabaho sa akin ay ni minsan hindi ko pa naikwento rito ang tungkol sa babaeng palaging gumugulo sa aking panaginip. BAHAGYA akong napapitlag ng biglang tumunog ang aking cellphone. Bumuntong hininga ako at dinampot ang cellphone ng makita kong si Kent ang nasa kabilang linya. Kanina ko pa rin hinihintay ang tawag nito bago ako pumasok ng opisina, ngunit hindi ito tumawag, kaya't nagpasundo na lamang ako kay Jessie. "Where is my car?" agad kong tanung na hindi ko pa man lang naririnig ang pag hello nito, na agad naman nitong ikinatawa. "Nag taxi ka ba uli papunta sa opisina mo. Prosecuter Leo Aguilar?" sa halip ay tanong nito na may halong panunuya habang tumatawa. "Gumapang ako! Now, Where is my car?" Agad kong nailayo ang aking cellphone mula sa aking tainga ng bigla itong humagalpak ng tawa mula sa kabilang linya. Malalim na lamang akong napabuntong hininga at hindi na pinatulan pa ang pang aasar nito. Wala ako ngayon sa mood dahil hindi ko pa rin malimutan ang babaeng iyon sa aking panaginip. Hindi naman na bago sa akin ang pangyayaring iyon, ngunit ngayon pakiramdam ko'y may kung anong mabigat na bagay ang nakadagan sa aking dibdib na nakakaapekto sa aking buong sistema. Lalo na ng bigla akong nakaramdam ng pagsakit sa aking ulo at pagkahilo kagabi nang mabasa ko ang pangalang nakasulat sa maliit na brown envelope. "Fine! Nasa bar. Kunin mo na lang. Iniwan ko na rin doon ang susi. Anyway, thank you for your car. I loved it." Napailing na lamang ako ng muli itong tumawa sa kabilang linya. Tangka ko na sanang ibaba ang aking cellphone ng bigla kong narinig ang boses ni Veronica sa kabilang linya habang tinatanong si Kent tungkol sa akin, kaya't sa halip na ibaba ko ang tawag ay kinumusta ko na lamang ang dalaga. "Oh, kakausapin ka raw ni Veronica. Bilisan mo, ha! Hindi ka pwedeng makipag-usap ng matagal sa kanya." Lihim na lamang akong napatawa sa huling tinuran nito, dahil mababakas sa tono nito ang pagseselos. "Hi, Leo!" bungad ni Veronica sa kabilang linya, na mababakas pa sa pananalita nito ang kasiglahan. Matagal na rin mula ng huli ko itong makita. Aksidente kaming nagkita noon sa California dahil sa isang business trip. At labis iyong ikinaselos ni Kent nang nalaman nitong nagkita kaming dalawa ng girlfriend nito. "How are you now? Kent told me what happened to you last night. Are you okay?" tanong nito na hindi maikakaila ang pag-aalala, at iyon ang tila hindi ikinatuwa ni Kent. Dahil naririnig ko ang pagrerekalmo nito mula sa kabilang linya. "Ano ka ba, hon? Of course kaibigan ko rin si Leo, kaya normal lang na kumustahin ko s'ya." Napailing na lamang ako sa punto na tila parang batang pinangangaralan si Kent dahil sa pagiging immature nito. "You have nothing to worry about, Veron. I'm fine. Thank you for your concern. Let's see each other sometime when I have free time. Masyado pa lang akong busy sa ngayon." "Okay, Leo. Just let me know when you're free. Kent and I will visit you." "Okay, I will. Ibaba ko na, dahil baka tuluyan ng mabaliw 'yang alaga mong aso d'yan." "Aba't ang gag*---" Napatawa na lamang ako sa ilang mga salitang narinig ko mulakay Kent bago ko pa man tuluyang maputol ang linya. Alam kong sa mga oras na ito ay umuusok na ang bunbunan nito sa inis dahil sa aking sinabi. "Prosecutor, ito na po ang mga dokumentong hinihingi ninyo, nand'yan na rin po 'yong mga bagong kaso na dap---" "Attorney?" putol ko sa pagsasalita nito. Pansin ko ang bahagyang pagkunot ng mga kilay nito habang nakatitig sa akin. "Yes po, Prosecutor? May kailangan pa po ba kayo?" Marahan akong tumango. "Yes. Kunin mo muna ang kotse ko sa bar ni Kent." Muli namang napakunot ang mga kilay nito. At alam kong sa puntong iyon ay nagtataka ito kung bakit napunta sa lugar na iyon ang aking sasakyan. Bumuntong hininga ako. " Huwag ka ng magtanong pa kung bakit nando'n ang kotse ko. Kunin mo na lang ng hindi ka na maabala pa sa paghatid-sundo sa akin." Sunod-sunod itong tumango habang napapakamot. "Prosecutor talaga, oh! Nabasa agad ang nasa isip ko. Sige po, aalis na ako." ILANG ORAS na mula ng makaalis si Jessie, ngunit hanggang ngayon wala pa akong natatapos o nasisimulan man lang na mga dokumentong nasa aking harapan. "D*mn it! Ano na bang nangyayari sa akin? Bakit ako nagkakaganito?" Malalim akong bumuntong hininga at kinuha ang aking cellphone, saka ko tinawagan ang aking doktor. Sa mga oras na ito ay wala na akong iba pang maisip na dapat gawin kundi ang sumangguni sa aking doktor upang mabigyan ng paliwanag ang kasulukayan kong dinaranas. "Oh, hi, Prosecutor? Napatawag ka? May problema ba?" "Yeah, Kailangan kitang makausap." "Why? Has something been bothering you lately?" "Tulad ng dati napanaginipan ko na naman ang babaeng 'yon. And---" Napahinto ako sa pagsasalita at marahang napabuntong hininga. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang sabihin ang nangyari kagabi o hindi na lamang. Ngunit sa mga oras na ito ay nananaig ang kagustuhan kong ipaalam dito ng sa ganoon ay malaman ko o marinig mula rito kung ano ang nararapat kong gawin. "And?" ulit nito sa aking sinabi. "Last night bigla na lang akong nawalan ng malay pagkatapos kong makaramdam ng matinding sakit ng ulo." "Okay, pumunta ka rito sa hospital ngayon para sa ilang mga test na dapat nating gawin. May dahilan kung bakit biglang nangyari sa 'yo ang bagay na 'yan. At dahil sa case mo malaki ang posibilidad na may ilang bagay kang naaalala mula sa nakaraan mo na hindi lang malinaw, kaya ka nakakaramdam ng mga ganyang sign." Bumuntong hininga ako. "Okay, magkita tayo after lunch." Napatitig ako sa kawalan ng matapos na ang pag-uusap namin ni Dr. Jones. Muli akong napaisip sa mga huling salitang tinuran nito. Mga salitang madalas ko noong marinig habang ginagamot ako nito two years ago. Alaala mula sa nakaraan? Alaala nino at anong alaala? Bakit ba nangyayari sa akin 'to? Sino ba ang hindi ko maalala mula sa nakaraan na may kaugnayan sa buhay ko? Wala akong ibang pwedeng pagtanungan tungkol sa nakaraan ko dahil mula ng mangyari ang aksidenteng iyon sa akin ay nagdesisyon na akong lumayo sa aking pamilya. Kahit ang makipag komunikasyon sa mga ito ay hindi ko na rin ginawa pa. At sa loob ng tatlong taon mula nang makarekober ako ay walang ibang tao ang nananatili sa aking tabi kundi sina Jessie lamang at Kent, mga taong pinili kong makasama kaysa sa aking pamilya. Hindi upang talikuran ang mga ito, kundi upang makalaya na rin sa isang sitwasyon na pakiramdam ko'y isa akong bilanggo at robbot na sunod-sunuran sa lahat ng mga kagustuhan ng aking ama at ng aking lolo. Ang mga ito rin ang dahilan kung bakit ako naaksidente ng oras na iyon. Nagalit ang mga ito ng malamang mas pinili kong maging isang Prosecutor kaysa ang pamahalaan ang mga negosyo ng aming pamilya. Pinilit akong bitawan ko ang aking propesyon at kung hindi ko gagawin ay aalisan ako ng mana at itatakwil. Aminado akong nasaktan ako sa mga salitang iyon at tila natapakan ang aking pride dahil sa ginawa ng mga ito sa akin na para bang isa akong inutil na walang kakayahang bumuo ng sarili kong pangalan sa mundong aming ginagalawan. Mga salitang tumatak sa aking isipan na naging dahilan upang mas lalo akong manindigan sa aking piniling desisyon. FLASHBACK "At ano'ng mangyayari sa 'yo pag pinili mo pa rin ang propesyon mong 'yan? Sigurado ka bang aasenso ka at magtatagumpay sa buhay? Sa tingin mo ba makikilala ka sa buong mundo dahil lang sa pagiging Prosecutor mo? Pwes, nagkakamali ka, Leo! Wala kang mararating kung pipiliin mo ang walang kwentang propesyon mong 'yan! At kung 'yan pa rin ang pipiliin mo, sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ang naging desisyon mo! Mawawalan ka ng mana at itatakwil kita!" Mariin kong naikuyom ang aking mga kamao dahil sa matinding galit at sama ng loob. Hindi ko lubos na maisip na magagawa akong itakwil ng aking ama dahil lamang sa mas pinili ko ang aking pangarap at propesyon. Sunod-sunod akong napailing at agad na ring tumalikod, saka ko mabilis na tinahak ang daan palabas ng mansyon. Oras na lumabas ako sa pamamahay na ito, hinding-hindi na ako muling aapak pa sa lugar na ito! "Leo! Bumalik ka rito!" sigaw ni Papa, ngunit hindi ko na ito nilingon pa at nagpatuloy na lamang sa paglakad, dahil wala na ring dahilan pa upang manatili pa ako sa lugar na ito. Hindi na ako bahagi ng pamilya, kaya't wala na ring dahilan pa upang magtagal pa rito. Agad kong pinaharurot ang aking kotse palabas ng mansyon, ngunit dahil sa bilis ng aking pagpapatakbo at sa galit na nararamdaman ay hindi ko namalayan o napansin ang isang truck na papalapit sa akin. Bumangga ako sa truck na iyon, at dahil sa malakas na pagkakabangga ay kitang-kita ko ang pagtilapon ng aking sasakyan. Hanggang sa hindi ko na namalayan pa ang mga sumunod na nangyari dahil sa agad na rin ang nawalan ng malay nang malakas na humampas ang aking ulo sa isang matigas na bagay. END OF FLASHBACK
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD