CHAPTER 2

1738 Words
"Oh, bakit walang tao? Ang aga pa, ah." Naka kunot-noo kong tanong ng pagpasok ko'y wala ni isa mang mga costumer akong nakita, maliban lamang sa ilang mga empleyadong naglilinis sa loob ng bar nito. Ngumisi ito, saka ako inayang maupo. "Ipinasara ko na muna para sa 'yo. Mukha kasing may problema ka, eh." Napangisi ako kasabay ng bahagyang pag iling. "Cut the crap, man." Tumawa ito at iniabot sa akin ang isang baso ng alak. "Fine! Parating kasi si Veronica from California. Susunduin ko s'ya mamaya. And I want to spend time with her. 'Yon bang sa kanya lang ang oras ko habang nandito s'ya." Napailing ako sa mga narinig ko mula rito. Hindi maitatanggi ang lubos na pagmamahal nito para sa girlfriend na nasa limang taon na rin ang relasyon mula ng sinagot ito sa loob ng maraming taong panliligaw mula pa lamang noong nasa college kami. Kahit pa sabihing on and off ang mga ito ay hindi rin maikakaila ang pagmamahal sa isa't isa. Bahagya akong tumango. "So, ilang araw kang sarado— I mean, ilang buwan pala?" tanong ko na may halong pang-aasar, "Wala lang talaga sa 'yo kahit malugi ang negosyo mo. Basta kay Veronica gagawin mo ang lahat." Saka ako bahagyang napailing. "Of course! She is the one for me at hindi ko na s'ya pakakawalan pa." Kita ko sa mga mata nito ang labis na katuwaan. Nagkibit ako ng balikat at uminom ng alak. "I know." "Ano bang dahilan at bigla ka na lang nag-ayang uminom?" tanong nito habang mariing nakatitig sa akin. Sandali akong natigilan at malalim na bumuntong hininga. "Napanaginipan ko na naman ang babaeng 'yon." "Babae?" ulit nito sa aking sinabi na tila naguguluhan. "Ano'ng tungkol sa babaeng 'yon at bakit napapanaginipan mo?" Nagkibit balikat ako kasabay ng marahang pag-iling. "I don't know at kung alam ko, sa tingin mo ba mag-iisip ako ng ganito? Magugulo ba ng ganito ang presensya ko? Masyado ng masakit sa ulo." Sandali itong natahimik at tila napaisip sa aking tinuran, "Bumalik ka na ba uli kay Dr. Jones?" sa halip ay tanong nito na alam kong nag aalala rin ito sa kalagayan ko. Umiling ako. "Hindi pa. At wala rin akong oras." Bumuntong hininga ito. "You should visit your doctor. You also need to set some time for your dilemma. At kung palagi kang ganyan, hindi mo mahahanapan ng sagot ang lahat ng gumugulo sa 'yo. Ilang taon ka na ring ganyan." Bahagya akong tumango. "Almost three years. Three years ng para akong nangangapa sa dilim." Marahan ako nitong tinapik sa aking balikat. "Mahahanap mo rin ang sagot sa mga ba–––" Bigla itong napahinto sa pagsasalita at sabay kaming napalingon sa kabilang sulok ng bar nang marinig namin ang isang tray na nahulog sa sahig kasama ng tunog na mga baso na tila nabasag dahil sa pagbagsak. Napatitig ako sa isang babaeng mabilis na lumapit sa kasamahang tila iyon nakabasag ng mga gamit sa bar. Agad nitong pinigilan sa tangkang pag upo sa sahig at inalalayan paatras sa kabilang side. "Sandali lang, dude." Saka ito tumayo at lumakad patungo sa empleyado na ngayon ay isa-isa ng pinupulot ang mga nabasag sa sahig. Umiwas na ako ng tingin sa mga ito at nagpatuloy na lamang sa pag inom habang iniisip ang tungkol sa babaeng palagi kong napapanaginipan. "What's going on here?" rinig kong tanong ni Kent sa empleyado nito na may seryosong tono sa pananalita nito na mababakas ang tila galit dahil sa nagawang pagkakamali ng mga ito. "A-Ah, S-Sir Kent, s-sorry po nabi–––" "Hindi ko po sinasadya. Nabitawan ko po ang tray." Mabilis akong napalingon sa mga ito ng marinig ko ang boses ng pangalawang babaeng nagsalita. Kasabay noon ay bigla akong nakaramdam ng tila kalituhan o katanungan sa aking isip. Kalituhan at katanungang hindi ko alam kung bakit at saan nagmumula. Tila pamilyar sa akin ang boses na iyon na hindi ko lamang maalala kung saan at kanino ko iyon narinig. Bahagya pa akong napaangat sa pagkakaupo dahil sa hindi ko maaninaw ang mukha ng isang babae, bukod sa dim ang ilaw sa bahaging iyon ay bahagya rin itong nahaharangan ni Kent. "M-Miss D, a-ano po bang s-sina–––" "Ikaltas n'yo na lang po sa sweldo ko." Muling napahinto sa pagsasalita ang isang babae ng muling sumabat ang nagmamay-ari ng pamilyar na boses na kasalukuyang nagbibigay ng kalituhan sa aking sistema. Malalim na bumontong hininga si Kent na tila hindi nito nagugustuhan ang nangyayari. "Hindi ko alam kung sino sa inyo ang totoong nakabasag ng mga 'yan at hindi ko rin alam kung ano ang dahilan at nagtatakipan kayo sa pagkakamaling 'yan. Pero kung ano man ang dahilan n'yo, parehas kayong mananagot. Linisin n'yo na 'yan at pagkatapos umuwi na kayo." Napailing na lamang ako sa ugaling ipinakita ni Kent sa mga empleyado nito. Malamig at matigas ito sa mga oras na ito ngunit kabaliktaran sa totoo nitong ugali na mapagbigay at puno ng pang unawa. Tangka na sana akong tatayo upang lumapit sa mga ito at makita ang mukha ng babaeng may malamig na boses at tila puno ng kalungkutan. Ngunit agad rin akong napahinto sa tangkang pagtayo ng muli na ring lumakad si Kent pabalik sa akin, kasabay noon ay ang pagtalikod rin ng babaeng iyon na kanina ko pa gustong makita ng itsura. Fvck! Bakit ba ang bilis ding tumalikod ng babae 'yon. Hindi ko tuloy nakita ang mukha n'ya. "Sorry for what happened," turan ni Kent ng tuluyan na itong nakaupo sa aking harapan, sabay kuha ng alak at agad iyong ininom. "Masyado ka naman yatang strict sa mga empleyado mo." Naiiling kong turan at muling nilingon ang pintuang pinasukan ng babae. "Teka, bakit parang gusto mo yata silang ipagtanggol sa nagawa nilang kasalanan?" tila nanunuyang turan nito na may kasama pang mahinang pagngisi. Lumingon ako rito habang napapailing. "Not like that. Napansin ko lang na masyado kang seryoso at mahigpit kanina. Eh, sa pagkakaalam ko hindi ka naman ganyan." Ngumisi ito. "Kailangan kong ipakita sa kanila ang ganoong side ko, dude. Dahil kung palagi akong mabait, aabusuhin nila ang kabaitan ko. Lalo na kung palagi silang magtatakipan sa mga pagkakamali nila." Bahagyang napakunot ang aking mga kilay sa huling mga salitang tinuran nito. "What do you mean nagtatakipan? Ano bang nangyari kanina?" Marahan itong bumuntong hininga at sandaling lumingon sa isang empleyado na isa sa mga babaeng pinagsabihan nito. "Hindi ko rin alam kung talaga bang nasa ugali na ng newbie na 'yon ang pagiging maawain sa iba o sadyang makitid lang talaga ang isip n'ya para saluhin ang pagkakamali ng iba. Pangalawang beses na 'yan at talagang pinanindigan n'yang s'ya ang may kasalanan." "Ano namang nangyari noong una?" tanong ko na tila bigla akong nakaramdam ng interes na malaman ang lahat ng tungkol sa babaeng iyon. "Last week lang 'yon, may isang costumer na nagalit at nagreklamo dahil mali raw ang order na dinala sa kanila. Kaso, 'tong newbie bigla lumapit doon sa costumer at binuhusan ng alak sa ulo. Kaya ayon, galit na galit sa kanya." Sabay buntong hininga nito na tila nauubusan na rin ng pasensya. "Totoo bang mali talaga ang order na naibigay ng empleyado mo at inalam mo ba kung bakit nagawa 'yon ng newbie mo sa costumer n'ya?" Hindi ko maiwasang mapaisip sa kung ano nga ba ang totoong nangyari at kung bakit nagawa ng babaeng iyon ang ganoong katapang na kilos. But on the other hand, matapang s'ya, ha, at malakas ang loob. Malalim itong bumuntong hininga at sumandal sa couch. "Of course, I did. Inalam ko ang dahilan, pero tikom ang bibig n'ya at hindi nagpaliwanag. Tinanggap lang n'ya ang lahat ng galit at parusang ibinigay ko. And yes, mali ang order na naibigay ni Agatha dahil lang sa nalito s'ya. Kaso ito namang newbie ko, ang sabi, s'ya raw ang nag bigay ng maling order kay Agatha." Malalim itong bumuntong hininga pagkatapos ay muling uminom ng alak. "Hays— kung hindi lang talaga masigap ang newbie na 'yan at hindi ako naaawa, noon ko pa sana 'yan tinanggal." Lihim akong natigilan nang bigla akong nakaramdam ng bahayang awa para sa babaeng tinutukoy nito. At tila hindi lamang awa, dahil para bang hinahangad na rin ng aking sistema na makita ito at makilala. "Teka, bakit parang bigla kang naging interesado sa kanya?" Bigla akong napaangat ng tingin kay Kent kasabay ng bahagyang pagkagulat. Nalibang ako sa pag-iisip sa babae at nawala ang aking atensyon kay Kent. Tumikhim ako at marahang nagkibit balikat. "Napaisip lang ako sa kung anong klase s'yang babae base na rin sa kinuwento mo." "Ohhh— 'yon naman pala." Sabay tawa nito na tila nang-aasar. "Lol!" hasik ko at agad na lamang akong tumungga ng alak. "Sa pagkakaalam ko, taga Bicol s'ya. Pero dito na sila naninirahan ng pamilya n'ya sa Manila. Hindi rin kasi ako mabusisi sa profile ng mga empleyado ko, eh. Basta alam kong maasahan sila sa pagpapayaman ko, okay na sa akin 'yon." Sabay tawa nito na agad ko namang ikinailing. Hindi na ako tumugon pa sa huling mga tinuran nito at agad ko na lamang inubos ang natitirang alak sa aking baso. Pagkatapos ay saka ako tumayo at nagpaalam na rin dito. "Aalis na ako. Magda-drive pa ako at hindi ako puwedeng malasing." "Fine! Ingat ka. Tawag ka lang pag kailangan mo ng kausap." Tumango na lamang ako sa tinuran nito, pagkatapos ay agad na rin akong dumiretso palabas ng bar. Subalit bigla akong natigilan bago pa man ako tuluyang makalapit sa aking kotse ng may nasipa akong maliit na brown envelope o cash envelope para sa mga sahod ng mga empleyado. Dinampot ko iyon at agad na napakunot ang aking mga kilay ng makita kong may lamang pera ang maliit na envelope na iyon, ngunit walang ibang pagkakakilanlan ng may-ari maliban sa isang salitang hindi ko alam kung pangalan o apelyido. "Magpale?" Sandali akong natigilan at bahagyang napahawak sa aking ulo ng bigla akong nakaramdam ng sakit sa bahaging iyon. Pinilit kong makapasok sa aking sasakyan dahil tila biglang umikot ang aking paningin. "Hey, dude? Are you okay? Open the door!" sigaw ni Kent mula sa labas ng aking kotse kasabay ng sunod-sunod nitong pagkatok sa salamin ng sasakyan. Pinindot ko ang car door open button upang mabuksan iyon, ngunit hindi ko na namalayan pa ang mga sumunod na nangyari ng tuluyan na nga akong nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD