Chapter 2 - Terrence

1911 Words
ISANG linggo na kami dito ni Nanay sa mansyon ng mga Sterling. Nakilala ko na rin ang kanyang mga anak na gaya nila ay mababait rin. Bukod sa mabait, maganda at gwapo rin sila. Lalo na si Sir Edward. Kaso mukhang masungit dahil napaka-strikto ng mukha niya. Maganda rin ang bunso nilang kapatid na si Crizsa. Maamo at parang anghel din gaya ng kanyang ina. Mabait rin siya at friendly. Ako na nga lang kung minsan ang nahihiya dahil lagi siyang dumidikit sa akin. Tatlo silang magkakapatid at ang isa'y nasa ibang bansa raw at doon nag-aaral. Nakakailang dahil alam kong hindi nila ako ka-level. Pero hindi ibang tao ang turing nila sa akin. Maging sa lahat ng katulong dito. May sarili kaming kwarto ni Nanay na kaming dalawa lang. Laking pasasalamat talaga namin ni Nanay sa kanila dahil pinayagan nila akong tumira dito. Kaya naman pinagbubutihan ko ang pagtulong sa mga katulong dito. Pinapakita ko sa kanila na hindi nila pagsisisihan ang tulungan kaming dalawa ni Nanay. "Autumn, ready ka na ba sa first day ng school mo?" tanong ni Crizsa. Nandito kami ngayon sa napakalawak nilang garden. Nagdidilig ako ng mga halaman habang siya naman ay nakasunod lang sa akin. Natutuwa nga sila Madam at Sir dahil simula raw nang dumating ako dito sa bahay nila, lagi na raw lumalabas ng kwarto itong si Crizsa. Mahiyain raw kasi ito at parang takot sa tao. Nakakatuwa rin sa parte ko dahil naging parte ako nang naging pagbabago ni Crizsa. Pinatay ko ang gripo at binalingan siya ng tingin. Sa totoo lang ay kinakabahan ako. Dahil ang sabi niya'y isa raw ang eskwelahan na 'yon sa mga sikat dito sa Maynila. Bukod do'n, sila pa ang may-ari ng eskwelahan na 'yon. Kaya naman doble-doble ang pressure na nararamdaman ko. "Kinakabahan nga ako, Mam, e! Baka hindi ako babagay sa school na 'yon," nakanguso kong sabi sa kanya. Kumunot naman ang makinis niyang noo. "I told you don't call me, Mam. Hindi naman ako ang amo mo!" pagtataray niya. Napatakip tuloy ako sa aking bibig. Ilang beses na niya kasing sinasabi ito sa akin pero hindi ko pa rin talaga mapigilan. "Sorry na. Nasanay kasi ako, saka nakakahiya sa mga makakarinig," saad ko. "Tss, don't mind them," aniya na kinakunot ng noo ko. Hindi ko kasi gaanong naiintindihan ang sinabi niya. English kasi at mahina ako roon. Nakakaintindi naman ako pero konti lang. "Ano'ng sabi mo?" Tumawa siya ng mahina. "Ang sabi ko hayaan mo lang sila at 'wag mo silang intindihin." "Ang haba naman pala ng ibig sabihin ng sinabi mo," Muli siyang tumawa. "Kaya nga mas better ang english, kasi konti lang ang sasabihin," sabi naman niya. "Short cut pala 'yon." "Exactly! Sa susunod tuturuan kita ng mga basic english," sabi niya. "Talaga?" "Oo naman! Friends na tayo di 'ba? Kaya dapat turuan kita ng mga nalalaman ko," saad niya ng nakangiti. Nginitian ko rin siya at nagpasalamat. Isa lang talaga ang masasabi ko. Ang swerte namin ni Nanay dahil nakilala namin ang pamilyang Sterling. TINULUNGAN ako ni Crizsa sa paghahanda para sa unang araw ko sa Sterlington University. Inayusan niya ako at siya na rin ang nagpili ng isusuot kong damit. At dahil wala siyang nagustuhan sa mga damit ko'y pinahiram niya ako ng damit niya. Kasyang-kasya sa akin ang dress na pinasuot niya sa akin. Kulay puti iyon na may disenyong bulaklak na kulay pink. Magkasing-edad at magkasing-katawan kaming dalawa kaya nagkasya sa akin. Pinahiram niya rin ako ng sandals. No'ng una'y may takong ang pinasuot niya. Pero hindi ako sanay kaya 'yong flat na lang ang pinasuot niya sa akin. "Perfect!" bulalas niya nang matapos niya akong make-upan. Napangiti ako sa salamin nang makita ko doon ang aking sarili. Parang hindi ko na nga nakilala ang sarili ko. Ang ganda ko! "Ang ganda talaga ng mukha mo!" papuri niya. Pinamulahan tuloy ako ng pisngi at kitang-kita ko iyon sa repleksyon ng salamin. "Mas maganda ka kaya," balik puri ko naman sa kanya. "Maganda tayong dalawa!" sabi niya at nagtawanan kaming dalawa. Katok mula sa pinto ang nagpahinto sa aming dalawa. "Anak, lumabas ka na riyan!" tawag ni Nanay mula sa labas ng kwarto ni Crizsa. "Tara na, baka ma-late ka pa," aya na rin ni Crizsa. Tumayo na rin ako. Pagbukas ni Crizsa ng pinto'y literal na nagulat ang mukha ni Nanay nang makita niya ako. "Ang ganda po ni Autumn di 'ba?" ani ni Crizsa. "Oo nga, ang ganda mo anak!" sang-ayon nito. "Salamat po kay Crizsa dahil inayusan niya ako. Nagmukha na akong tao," sabi ko nang natatawa. "Grabe ka naman. Maganda ka naman kahit hindi nakaayos." "Hehe, binobola niyo na akong dalawa. Aalis na po ako baka kasi ma-late pa ako sa unang araw ko sa klase," sambit ko. Tumatawa si Crizsa at nanay habang naglalakad kami pababa ng hagdan. Maging ang ibang katulong ay natulala sa akin. Si Aling Melba na tuwang-tuwa sa naging itsura ko. At syempre hindi ko makakalimutan ang mukha ni Kuya Daniel na napanganga pa. Nahiya tuloy ako sa mga naging reaksyon nila. "Good luck sa first day mo, Autumn. Galingan mo do'n!" pag-chi-cheer ni Crizsa. "Mag-iingat ka do'n anak at mag-aral ng mabuti!" bilin naman ni Nanay. "Opo!'' tugon ko sa kanilang dalawa. Sinara na rin ni Kuya Daniel ang pintuan ng kotse. Nag-wave pa ako kay Crizsa at nanay bago tuluyang umandar ang sasakyan. Habang papalapit kami sa school ay kinakabahan ako. Mabilis ang tahip ng dibdib ko. Kung sana lang kasama ko si Crizsa sa school, baka hindi ako kakabahan ng ganito. Kaso ayaw niya raw kasi sa school na pagmamay-ari nila. Iba kasi ang mindset niya. Ayaw niya raw ng special treatment sa school na 'yon dahil sa alam nilang anak siya ng may-ari ng school. Mas gusto niya doon sa school na pinapasukan niya dahil hindi siya kilala. "Ohh, bakit ayaw mo pang bumaba?" tanong ni Kuya Daniel. Kanina pa kasi kami nakahinto pero hindi pa ako bumababa. Nakatingin lang ako sa labas at pinagmamasdan ang mga estudyanteng dumaraan sa gilid ng kotse. "E, kasi kuya nahihiya ako," pag-amin ko. Mahina siya natawa. "Bakit ka naman mahihiya? Ang ganda-ganda mo nga!" "Tingnan mo naman po kasi sila, ang sosyal-soyal!" nakanguso kong wika. "Ayy, iyon ba? Hindi mo naman kailangan maging sosyal din kagaya nila. Maging totoo ka lang sa sarili mo. Tsaka nandito ka para mag-aral. Nakakahiya naman kina Madam kung hindi ka papasok ngayon dahil lang sa nahihiya ka," payo niya na may halong pangongonsensya. Bigla ko ngang naisip sila Madam lalo na ang sinabi nila na mag-aral ako ng mabuti. Huminga ako ng malalim bago nagpasyang bumaba na. Nilakad ko ang gate para makapasok sa loob ng university. Pinakita ko muna ang ID ko sa guard bago ako nakapasok ng tuluyan. Pagpasok ko pa lang ay sinisigaw na agad ng school na ito ang karangyaan. Magmula sa paligid na parang nasa ibang bansa. At sa mga buildings ng school na matatayog at magaganda. Mula sa mga paintings, malawak na lobby, at malawak na soccer field. Kakaiba ang eskwelahan na ito sa eskwelahan sa probinsya. Doon kasi puro puno ang makikita, damo at maputik na daan. Dito sementado. Sa hallway naman ng building ay tiles. Nangingintab pa ito sa sobrang linis. Kaya kahit siguro mag-paa ako dito ay hindi marurumihan ang mga paa ko. Ang mga estudyante naman na kanya-kanya ang porma. May mga bitbit na mamahaling bag. Humihiyaw ang mga mamahaling alahas at ang iba'y may kanya-kanya ng kotse. Samantalang ako, nakasuot nga ng magandang damit ngunit hindi naman akin. Lahat nakatingin sa akin habang naglalakad ako. Kaya hindi ko maiwasan ang mahiya at mapayuko na lang. Nagpatuloy ako sa paglalakad sa gitna ng mga estudyanteng nagbubulungan. Dinig ko pa ang ibang binubulong nila. "Bago ba 'yan?" "Siguro. Ngayon ko lang siya nakita, e!" Halos lahat ay ako ang pinag-uusapan. Ang iba naman ay nagtatanungan kung sino raw ba ako at kung paano ako napunta sa school na ito. Kung bakit naman kasi hindi ako ang tanungin nila para masagot ang katanungan nila. "Feeling ko new transfer siya dito. And look at her dress, designed by Miamore 'yan at limited edition!" "Wow, really!" Pinasadahan ko nang tingin ang suot kong damit. Hindi ako makapaniwala na ang damit na ito ay limited edition. Naku, ang swerte ko naman dahil nakasuot ako ng ganitong klaseng damit. At dahil iyon kay Crizsa. "Hmmp! Baka naman sa ukay lang niya nabili 'yan o baka sa taytay. Alam niyo naman sa taytay, mahilig sila manggaya ng mga style at design na damit mula sa mga sikat na designer." kontra ng isa. Hindi ko naman sila nililingon kaya hindi ko makita ang mga pagmumukha nila. Binilisan ko na ang paghakbang ko para hindi ko na marinig ang ka-bitteran ng mga sinasabi nila. E ano naman kung galing sa ukay ang suot ko kung sakali, malinis naman 'yon. At kung ano naman kung galing sa taytay ang damit ko, ang importante may nasusuot akong damit. Ramdam na ramdam ko tuloy ang pagiging iba ko sa mga estudyante rito. Sabagay iba naman talaga ako sa kanila. Mayaman sila, samantalang ako'y mahirap lang. Langit sila at ako naman ay lupa. Ang lupang nangangarap na maranasan man lang ang langit kasama ang aking ina. Bumuntong hininga ako at tumingala sa itaas sa gitna ng nagbubulungan na mga estudyante. "Lord, alam kong hindi mo ako pababayaan. Kaya ko ito!" mahina kong dasal. "Get out of my way!" May sumigaw mula sa 'di kalayuan na boses ng isang babae. Maarte ang boses nito habang sumisigaw para patabihin sa dinaraanan niya ang mga nag-uumpukang mga estudyante kanina. Lumingon ako sa aking likuran. At mula dito ay kitang-kita ko ang maldita na awra ng isang babae. Naka-pulang dress siya na may lace sa laylayan nito at may suot siyang sandals na may takong na kulay itim. Dito sa gawi ko ang punta niya. May dalawa ring babae sa likuran niya, at sa itsura nila para silang susugod sa gyera. Kinabahan tuloy ako nang dumapo ang tingin niya sa akin. Masama ang titig niya sa akin na para siyang galit. Nagtaka tuloy ako kung bakit, dahil ngayon ko lang naman siya nakita pero galit na agad siya sa akin. Hindi ako kumilos sa aking kinatatayuan. "Naku Miss, tumabi ka sa daraanan nila kung gusto mong magtagal dito sa eskwelahan!" sigaw ng isa na dinig na dinig ko pa. Sa takot ko'y mabilis pa sa alas kwatro akong umatras sa gilid. Ngunit sa pag-atras ko'y tumama ang likod ko sa matigas na bagay. "Aray!' daing ko at humarap sa aking likuran. Gayo'n na lang ang pagkatulala ko nang makita ko na hindi pala bagay ito kun 'di tao. "Terrence!" tili ng isang babae at halos mabingi ako dahil sa sigaw na 'yon. "Watch out, babe!" aniya. Nakatutok ang mga mata ko sa labi niya habang bumubuka iyon. Teka? Ano daw? Babe? Natauhan ako nang biglang pumisil ang kamay niya sa beywang ko. Nakaramdam ako ng kuryente kaya agad akong lumayo sa kanya. "S-Sorry," kandautal kong sambit. Yumuko ako at halos hindi ako makatingin ng diretso sa kanya dahil sa sobrang pagkapahiya. "Be careful next time. Mabuti na lang at nasalo kita," saad niya. Ngumiti muna siya sa akin bago ako tinalikuran. Para akong mahihimatay sa ngiti niyang iyon. Ewan ko ba, kung bakit nag-iba na lang bigla ang pagtibok ng puso ko. Mas lalong bumilis at lumakas ang pagtibok nito. "Terrence," bulong ko sa pangalan ng gwapong lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD