Chapter 7 -Protect

1597 Words
SIMULA nang pumayag ako na ligawan ako ni Terrence, hindi na ako nawawalan ng bulaklak at chocolates araw-araw. Pangatlong araw na niya ngayon sa panliligaw. At inaamin ko na sa tatlong araw na iyon ay lagi niya akong pinapakilig. Pinaparamdam niya sa akin na espesyal ako sa kanya. Na ngayon ko lang naramdaman sa tanang buhay ko. Naalala ko tuloy 'yung itsura niya nang pumapayag na akong manligaw siya sa akin. Ang gwapo niya lang tingnan. Gwapong mukha na hindi ko makalimutan. Kumalat kaagad ang balitang iyon sa buong campus kaya ako na naman ang laging laman sa topic nila. Syempre hindi mawawala ang mga tsismosa na ako lagi ang bida sa kwento nila. Pero hindi naman sila makalapit sa akin dahil na rin sa proteksyon ni Terrence. Sa tuwing nasa school ako'y walang segundo ang naghihiwalay kami. Kahit saan yata kami magpunta ay magkasama kaming dalawa. Pero ngayon ako lang ang mag-isang naglalakad dito sa likod ng lumang building patungo sa library. May kailangan kasi akong basahin na libro doon para sa assignment namin. Samantalang si Terrence ay kasama nina Marvin, Steven at Miro. May ensayo raw sila sa basketball para sa laro nila sa darating na december. Malapit na kasi iyon kaya puspusan na rin ang pag-eensayo nila. "Himala yata! Siya lang ang mag-isa?" dinig kong sabi ng babaeng nakasalubong ko. "Baka naman iniwan na ni Terrence o nagsawa na?" Kung minsan ay gusto ko ng patulan ang mga taong lagi akong pinag-uusapan. Sadyang pinapahaba ko lang talaga ang pasensya ko dahil iniisip ko ang magiging resulta kapag pinatulan ko sila. Nakakahiya kina Madam at Sir Sterling na siyang may-ari ng eskwelahan na ito. Baka sabihin nila, basagulera ako. Ayoko rin namang ipahiya si Nanay. "Ang swerte naman natin today!" maarteng sambit ni Missy na nasa harapan ko na pala. Napahinto tuloy ako sa aking paglalakad dahil humarang sila sa dinaraanan ko. Tiningnan ko sila isa-isa, at sa itsura nila'y mukhang may gagawin sila na hindi maganda. Umiwas ako ng daan, pero humarang pa rin sila doon. Bumuntong hininga ako at tamad silang tiningnan. "Excuse me. Paraanin niyo ako," mahinahon kong pakiusap. Ngunit ngumisi lang sila at hindi tuminag sa kanilang kinatatayuan. Nakahalukipkip si Missy, habang ang dalawa naman ay nakapameywang. "Not so fast, promdi. Ngayon ka na nga lang namin makikita na hindi kasama si Terrence, tapos pakakawalan ka namin agad?" Nagtawanan silang tatlo. Ramdam ko na may gagawin silang hindi maganda sa akin. Kinakabahan na ako. Idagdag pa na walang gaanong estudyante ang dumaraan dito. Nagsisi tuloy ako na kung bakit dito pa ako dumaan, sa kagustuhan ko kasi na makarating kaagad sa library room, dito ako dumaan sa lumang building ng school na ito. Umatras ako nang humakbang sila palapit sa akin. Niyakap ko rin ang bag ko ng mahigipit. "You know what? Simula ng dumating ka dito sa campus, hindi na ako kinakausap ni Terrence. Ano ba ang pinakain mo sa kanya, ha?" nagagalit niyang tanong. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "A-Adobo..." mahina kong sagot dahil 'yon naman ang totoo. Nangunot ang kanyang noo. "What, adobo? What kind of food is that?" "Eeww, pinakain mo si Terrence ng pagkaing pang-mahirap?" nandidiring sambit naman ng isa. Maka-eeww naman siya. Sa amin nga sa probinsya mayaman ka na kapag nakapag-ulam ka ng adobo! "Yuck!" sambit ng isa rin. "Walang nakakadiri sa adobo. Masarap 'yon at malinis ang pagkakaluto!" katwiran ko sa kanila. "Kahit na! Basta nahawakan ng kamay mo marumi na 'yon!" dagdag niya pa. Kinuyom ko ang aking kamao. Gusto ko na silang sapakin ngayon din. Nanginginig na ang kalamnan ko dahil sa sobrang galit. "Hindi naman kayo ang kumain. At malinis ang kamay ko!" katwiran ko. "Whatever, promdi!" saad niya at muling humakbang palapit sa akin. Umatras ulit ako para hindi agad siya makalapit sa akin. Pero naramdaman ko na lang na nasa likuran ko na pala ang isa niya pang kasama at pinalibutan na nila akong tatlo. "T-Teka... a-ano'ng gagawin niyo sa akin?" taranta kong tanong. Tumawa ang isa sa likod ko. Kung hindi ako nagkakamali Cathy ang pangalan niya. At ang isa naman sa gilid ko'y Rose. Huling atras ko na dahil hinawakan na ako ni Cathy sa aking balikat. Mahigpit iyon kaya nakaramdam ako ng kirot. "A-Aray, bitawan mo ako!' Nagpumiglas ako pero masyado siyang malakas sa akin. Idagdag pa na kinakabahan ako at nanginginig na ang aking tuhod. "K-Kung ano man ang binabalak niyo. 'Wag niyo ng ituloy, please!' pagmamakaawa ko. Pero hindi talaga nila pinakinggan ang pakiusap ko. Hinablot ni Missy ang yakap-yakap kong bag sa akin at binuksan iyon. Sinubukan kong kunin pero pinigilan ni Rose ang kamay ko. "S-Sandali, 'wag 'yang bag ko!" sigaw ko. Luminga ako sa paligid, nagbabaka-sakaling may taong daraan at hihingi ako kaagad ng tulong. Pero bigo ako.... wala man lang naligaw kahit na isa sa mga estudyante dito sa lumang building. Binuhos ni Missy ang laman ng bag ko. Nahulog ang lahat ng laman niyon sa semento at walang natira. Nagkalat ang mga notebooks ko sa ibaba. Maging ang baon ko na pagkain ay natapon na rin. "What's that smell?!" nandidiri niyang tanong saka tumingin sa ibaba kung saan natapon na ang baon ko. Pinaluto ko pa naman iyon kay nanay dahil gusto kong ipatikim kay Terrence. Pero wala na, natapon na. Wala na rin akong kakainin para sa lunch. Hindi ko na napigilan pa ang maiyak. Naaawa ako ngayon sa sarili ko. Ganito pala dito sa Maynila, lalo na sa mga mayayamang gaya ni Missy. Kapag hindi nila kauri, ay ganoon na lang sila kung mang-apak ng kapwa. Ni hindi man lang nila naisip ang nararamdaman ng taong hinahamak nila. Dumagundong ang tawanan nila habang nakaluhod na ako sa semento. Habang ako naman ay walang tigil sa pag-iyak dahil sa sobrang awa sa aking sarili. Ito yata ang pinakamalala na nangyari sa akin dito sa eskwelahan na ito. Lahat ng panlalait at masasakit na salitang ibinabato nila sa akin ay pinalampas ko at hindi ko pinatulan dahil ayaw ko ng gulo. Kahit gusto ko silang patulan ngayon ay wala na akong lakas dahil sa ginawa nila sa gamit ko. Pinaghirapan ito ni Nanay. Natapunan na ng ulam ang mga notebooks ko kaya marumi na ito. "Napaka-ambisyosa mo naman kasi kaya 'yan ang nababagay sa'yo. Pasalamat ka nga at 'yan lang ang ginawa ko sa'yo!" sigaw ni Missy. Tiningala ko siya at tinitigan ng masama habang hilam ng luha ang aking mga mata. "Ohh, bakit? Lalaban ka na ba, ha?" nanghahamon niyang tanong. "Baka lalaban na siya sa'yo, Missy," sulsol ni Rose. Lumapit sa akin si Missy at yumuko. Dinuro niya ako at dinikdik sa noo ko ang kanyang hintuturo. "Ito ang tandaan mo, promdi. Walang puwang ang isang kagaya mo dito sa lugar namin. Masyado kang mataas kung mangarap. Hindi ka nababagay dito. Just keep that in your mind," mariin niyang sambit. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko. Hindi makagalaw at naninikip na rin ang aking dibdib. "Autumn!" Napalingon ako sa aking likuran nang may tumawag sa pangalan ko. Si Terrence. Kitang-kita ko ang matalim na titig niya kay Missy. Tumakbo siya palapit sa akin at lumuhod sa harap ko. Gusto kong umiyak ng malakas nang makita ko siya. Pakiramdam ko'y dumating na ang tagapagtanggol ko sa mga bully na ito. "Tumayo ka na riyan," utos niya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko para alalayang makatayo. Kumilos ako at dahan-dahang tumayo. Nanginig pa ang tuhod ko kaya muntik na akong mapasubsob. Mabuti na lang ay nahapit niya ang bewang ko kaya napigilan niya ang pagbagsak ko sana sa semento. May tila kuryente pa akong naramdaman pero hindi ko na lang inintindi dahil may iba pa kong kailangan pagtuunan ng pansin. "Okay ka lang ba?" may pag-aalala niyang bulong sa akin. Umiling ako habang ang mga luha ko'y sunod-sunod na kumawala sa aking mga mata. "What the hell are you doing, Missy?" galit na tanong niya kay Missy. Hawak niya pa ain ang bewang ko at hindi niya pa rin iyon binibitawan. "Gusto ko lang turuan ng leksyon ang babaeng 'yan, Terrence. Look nilalason niya ang-" "Stop!" malakas niyang sigaw at pinutol ang sinasabi ni Missy. Hindi ko nakikita ang naging reaksyon ni Missy. Pero nang mag-angat ako ng mukha, kita ko ang dumaan na takot sa mga mata niya habang nakatingin kay Terrence. Maging sina Rose at Cathy ay mababakasan rin ng takot sa kanilang mga mata. "This is the last time you're doing this to Autumn or any other student in this school, Missy. If this happens again, I'll make sure you're expelled from this school!" Hindi ko man naunawaan ang mga sinabi ni Terrence sa grupo ni Missy. Pero ramdam ko ang galit niya at ang awtoridad sa kanyang boses habang binibigkas ang mga salitang 'yon kina Missy. Dinala niya ako sa clinic pagkatapos. Talagang kinulit niya akong dalhin sa clinic at ipa-check sa doktor. "Are you sure, okay ka na?" tanong niya na puno ng pag-aalala ang mukha niya. "Ayos lang talaga ako, Terrence. At salamat na rin." "Pinag-alala mo ako, Autumn. Nang hindi kita makita sa classroom, hindi ako mapakali para hanapin ka," pahayag niya na nagpalakas ng t***k ng puso ko. "Bakit mo ako hinahanap?" "Sabay na sana tayo mag-lunch." "Tapos na ba kayo mag-practice?" "Hindi pa," tipid niyang sagot. "Gusto ko lang kumain nang kasabay ka!" dagdag niya. "Ha?" Napaawang ang labi ko at unti-unting napangiti habang nakatitig siya sa akin. "Salamat nga pala." "Nah, that's fine. Wala ng pwedeng gumalaw sa'yo dito, at kung gawin man nila 'yon. Ako ang makakalaban nila. I will protect you no matter what."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD