Chapter 8 -First

1850 Words
ARAW ng linggo. Busy ang lahat dahil sa paghahanda sa pagdating ng mag-asawang Sterling at ng mga anak nito. Ngayon kasi ang balik nila galing sa Japan. Kasama nila doon si Crizsa at Sir Edward. Excited na ako dahil matapos ang isang linggo ay magkikita na ulit kami ni Crizsa. Sigurado akong marami siyang iku-kwento sa akin. At ako... marami ring iku-kwento sa kanya. Wala naman akong ibang pagsasabihan kun 'di siya lang. Kung minsan naiisip ko. Bakit kaya si Crizsa kahit na alam niyang katulong lang nila ako dito sa bahay nila, mabait naman siya sa akin? Bakit sa school iba ang tingin nila sa akin? Ganoon na ba talaga nila ka-hate ang isang katulong at probinsyana na kagaya ko? "AUTUMN!" sigaw ni Crizsa pagkababa na pagkababa niya sa sasakyan nila. Nakalahad ang mga braso niya habang tumatakbo palapit sa akin. Lumawak ang ngiti ko at sinalubong rin siya ng yakap. Nakasunod si Sir Edward sa likod niya at nakangiti sa amin. Minsan tahimik lang si Sir Edward dahil siguro masyado siyang busy at seryoso sa buhay. Pero kung minsan naman ay nakikita ko siyang nakangiti sa amin ni Crizsa kapag nakikita niya kaming masayang nagku-kwentuhan. "I missed you so much, Autumn!" sambit ni Crizsa habang yakap na niya ako ng mahigpit. Hindi ko alam pero bigla na lang tumulo ang luha ko. Sobrang saya ko kasi nakita ko na siya ulit. "Na-miss rin kita, Crizsa," tugon ko naman sa kanya at tinugon ko rin ang mahigpit niyang yakap. Pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi ko. Napatingin ako kay Sir Edward na nakatingin sa amin. "Good evening po, Sir Edward," bati ko sa kanya. Tumango lang siya sa akin at saka siya pumasok sa loob. Ang mag-aswang Sterling naman ay nauna na ring pumasok kanina. "Marami akong iku-kwento sa'yo. Tsaka marami akong pasalubong sa'yo!" excited niyang balita sa akin. Maging ako ay na-excite rin. Expected ko na talagang may pasalubong siya dahil 'yon ang bukambibig niya noong paalis pa lang sila. Pumasok kaming dalawa sa loob at dumiretso sa kusina. Sabay-sabay kaming kumain na lahat. Ito ang maganda sa kanila, kasabay nila kaming kumain kahit na katulong lang naman nila kami dito. Sa iba kasi ay nauuna ang amo bago kumain ang katulong. Pero iba talaga ang pamilyang ito, mabait sa lahat at matulungin. Kaya ang taas ng respeto ko sa kanila lalo na kina madam at sir. Pagkatapos naming kumain tumulong muna ako sa pagliligpit ng mesa bago umakyat sa kwarto ni Crizsa. At tama nga ang hinala ko na hinihintay niya na ako. "Tara dito, dali! Alam kong bagay na bagay ito sa'yo," wika niya habang hawak ang dress na kulay pula. Tiningnan ko iyon at alam kong mamahalin. "Ang ganda naman nito Crizsa. Kaso baka ang mahal naman nito," saad ko. "Ano ka ba? Para ka namang others. Tsaka bagay na bagay ito sa'yo, isukat mo na!" excited niyang sabi at pinagtulakan na niya ako sa kanyang closet room para sukatin ang dress na binili niya para sa akin. "Wow, ang ganda!" bulalas niya nang makalabas ako. Maging ako ay nagandahan sa dress na ito. Simple lang ang disenyo pero bumagay sa akin, humapit rin sa hubog ko na katawan. Spaghetti strap siya na hanggang taas ng tuhod ko ang haba. Hindi masyadong daring dahil hindi naman nakikita ang cleavage ko. "Yan na ang suotin mo sa christmas party niyo sa school," suhestiyon niya. "Pero wala naman akong balak na um-attend," nakanguso kong sabi kaya napasimangot siya. "Ha? Bakit?" Nagkibit balikat ako. Sa totoo lang ay gusto ko naman talagang um-attend dahil ngayon ko lang ma-e-experience iyon. Kaso na-trauma yata ako sa nangyari noong biyernes. Kahit na dumating si Terrence no'ng araw na 'yon at sinabi naman niyang ipagtatanggol niya ako. Hindi pa rin talaga mawala ang takot sa puso ko. Paano kung mangyari ulit iyon at kapag nangyari ulit 'yon ay walang Terrence na darating para ipagtanggol ako? Natatakot ako para sa kaligtasan ko. Hindi ako marunong lumaban at sadyang duwag talaga ako. kahit noong bata pa lang ako'y hindi ko talaga hilig ang makipag-away kaya hanggag't kaya ko ang umiwas sa gulo ay iiwas talaga ako. Ayoko ring bigyang kahihiyan si Nanay at ayaw kong ma-disappoint ang mag-asawang Sterling sa akin. "Mukhang hindi naman ako nababagay sa mga ganoon. Masyadong sosyal!' pagdadahilan ko. Ngumiti ako para ipaalam sa kanya na ayos lang ako. Kahit na alam kong ang ngiti ko'y hindi naman umabot sa mga mata ko. Pero kahit ano yata ang idahilan ko sa kanya ay hindi siya kumbinsido. Pinilit niya pa rin akong um-attend sa christmas party ng school. Sasamahan niya raw ako para magulat ang mga estudyante sa school na pagmamay-ari nila. KINABUKASAN maaga akong nagising para maghanda na naman sa panibagong araw ko sa eskwelahan. Aaminin ko na tinatamad na akong pumasok. Para kasing nakakasawa na ang araw-araw kong naririnig sa mga estudyante roon tungkol sa akin. Hindi na ako nagpahatid kay Kuya Daniel. Sinasanay ko ang sarili na mag-commute tutal ay isang sakay lang naman ng jeep mula dito sa mansyon. Pagpasok ng gate ay nakakapagtakang walang nag-uumpukang mga estudyante roon na araw-araw ko ng nakasanayan. Tahimik rin sa paligid at wala na akong naririnig na nagbubulungan patungkol sa akin. Nangunot ang noo ko at puno ng pagtataka ang mukha ko. Ano'ng meron? Parang may dumaan na anghel at bumait ang mga estudyante dito. Luminga ako sa paligid. May mga nakakasalubong akong mga estudyante pero pansin ko ang pag-iiwas nila ng tingin sa akin. Kaagad rin silang lumalayo na para bang may nakakahawa akong sakit. "Autumn!" Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ko ang boses ni Terrence. Tumatakbo siya palapit sa akin at habang nakatingin ako sa kanya parang huminto saglit ang mundo ko at tanging siya lang ang nakikita ko. Kakaiba rin ang t***k ng puso ko na sa kanya ko lang nararamdaman. "Good morning!"bati niya nang makalapit siya sa akin. Malawak rin ang ngiti niya at labas na labas ang pantay-pantay at mapuputi niyang ngipin. "Flowers for you," sabay bigay sa bulaklak na hawak niya. "G-good morning," ganting bati ko rin nang matauhan ako mula sa pagkatulala at kinuha ang bulaklak. "Bakit parang nakakita ka naman ng engkanto?" natatawa niyang tanong. "Gwapong engkanto siguro," natatawa ko namang biro. "Naga-gwapuhan ka pala sa akin?" nakangisi niyang tanong. Napaiwas tuloy ako ng tingin sa kanya. Bigla akong nakaramdam ng hiya. "Okay lang 'yan, hindi lang naman ikaw ang naga-gwapuhan sa akin!" saad niya. Masama ang tingin ko sa kanya nang lingunin ko siya. Tumatawa siya. Sa araw-araw na magkasama kami nagiging palagay na ang loob ko sa kanya. Hindi na ako gaanong naiilang. Pero patuloy pa rin siya sa panliligaw niya sa akin. At mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya. Na kahit ano'ng pagpipigil ang gawin ko'y hindi ko na maawat pa. Lunch break at gaya ng dati ay sabay kaming kumakain dito sa courtyard. May baon pa rin akong dala at siya naman ay bumibili sa cafeteria. "Nakabili ka na ba ng mga gamit mo?" tanong niya sa kalagitnaan ng pagkain namin. Ang tinutukoy niya ay 'yong mga notebook ko na narumihan no'ng friday. "Hmm, hindi pa kumpleto. Baka sa sahod na lang ni Nanay," sagot ko habang ang atensyon ko'y nasa pagkain ko. Simpleng chopsuey lang ang baon ko at pritong isda. Kumain naman din siya doon. Sanay na akong kumukuha siya sa pagkain ko at ang pagkain naman niya, binibigay niya sa akin. "Pwede naman tayo bumili ngayon," suhestiyon niya. Tumingala ako sa kanya at nagulat akong nakatitig pala siya sa akin. "Wala pa akong extra eh! Saka na kapag nakasahod si nanay," sambit ko. "Tss. Tara na ako na ang bahala!" pangungulit niya. Kaya pagkatapos naming kumain ay dinala niya ako sa isang Mall malapit sa school. Sakto namang wala 'yong prof namin sa english subject kaya wala na kaming pasok sa hapon. Unang beses ko itong makakasakay sa kotse niya. Grabe sa edad niyang bente, may kotse na siya. Sabagay mayaman kasi siya at afford nila ang bumili ng ganitong kamahal na kotse. Pangarap ko rin ito. Pero uunahin ko muna ang pagpapagawa ng bahay namin sa probinsya. Gusto ko kasi kapag nakapag-trabaho na ako at nakapag-ipon ay babalik kami sa probinsya at doon na ulit maninirahan. Si Terrence ang pumili ng mga notebooks at ng iba pang gamit. Hindi ko siya maawat-awat dahil nagtatalo lang kaming dalawa. "Terrence, nakakahiya naman. Hindi ka na sana nag-abala pa," mariin kong bulong sa kanya nang nakapila na kami sa counter. "Isipin mo na lang na parte ito ng panliligaw ko sa'yo. Mas praktikal nga ito di 'ba? Instead of buying flowers, just get this. You'll be able to use it more," paliwanag niya. "Kaya nga. Dapat naman talaga hindi mo na ako binibigyan ng bulaklak. Bukod sa mahal, nasasayang lang naman kasi mabilis malanta," sang-ayon ko. Kagaya ng bulaklak na binigay niya sa akin kanina. Dinala ko na lang sa chapel at nilagay sa altar para naman mapakinabangan. "Ayaw mo ba ng mga bulaklak?" "Hindi naman. Nanghihinayang lang kasi ako," sambit ko at nagkibit balikat. "Kakaiba ka talaga. Other girls mas gusto na binibigyan sila ng bulaklak." "Gusto ko rin naman. Pero tama na ang isang beses. Huwag naman kagaya ng ginagawa mo na araw-araw," sabi ko. "Okay. Starting from now, I will only give you flowers once a week," nakangiti niyang sabi. "Kahit suguro 'wag na." "Of course not. Hindi maku-kumpleto ang panliligaw ko kapag walang bulaklak. Baka hindi mo ako sagutin niyan," pabiro niyang sabi. Natahimik tuloy ako sa sinabi niya. Oo nga pala at nanliligaw siya. Paano ko ba malalaman kung pwede ko na siya sagutin? Siguro magta-tanong na lang ako kay Crizsa. Baka may maipapayo siya sa akin. Kaya lang hindi ko pa pala nasasabi sa kanya ang tungkol kay Terrence. Bahala na nga! "Ano ang iniisip mo? Bakit bigla kang natahimik?" pukaw ni Terrence sa atensyon ko. Palabas na kami sa Mall. Bitbit niya na rin ang mga gamit na ipinamili niya para sa akin. "Iniisip ko kasi. Kailan ba kita dapat sagutin?" prangka kong tanong. Tumigil kami sa paglalakad at hinarap niya ako sa kanya. "Mararamdaman mo naman 'yon, Autumn," saad niya. Malamlam ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin. "Sa totoo lang... ikaw ang una kong manliligaw," napayuko ako dahil sa sobrang hiya. Inangat niya naman ang baba ko at nagtama ang paningin naming dalawa. "Bago lang din ito sa akin, Autumn. Ikaw lang din ang niligawan ko," pahayag niya na kinabigla ko. "Alam kong mahirap paniwalaan. Pero 'yon ang totoo, mga naririnig mo na babae ko, they're just my flings at hindi ko sila sineryoso. Ikaw lang ang unang babae na binigyan ko ng bulaklak at chocolates. At alam kong seryoso ako sa nararamdaman ko sa'yo, Autumn," seryoso niyang saad. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Nagkagulo na ang mga bulate ko sa tiyan. Parang naiihi ako na hindi ko maintindihan. Natuyuan na rin ako ng laway at nahirapang makalunok dahil sa tila bato na nagbara sa lalamunan ko. Ano na ba itong pakiramdam ko? Mukhang magkakasakit pa yata ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD