Chapter 4 -Avoid

1889 Words
SECOND day ko ngayon sa school. Mas lalo akong kinakabahan dahil baka pag-initan na ako ng grupo ng nagngangalang Missy. Kung bakit naman kasi hinawakan pa ako ni Terrence kahapon. Tungkol naman sa nangyaring lunch kahapon. Mabuti na lang talaga, hindi iyon natuloy. Tinawag kasi siya ng gwapo ring lalaki na tinawag niya sa pangalang Marvin. Hindi na rin kasing-ganda ng suot ko kahapon ang damit ko ngayon. Simpleng dress na lang ito na binili ni Nanay sa palengke. Pero maganda pa rin naman at bumagay rin sa akin. Hindi na rin ako nagpalagay ng make-up kay Crizsa dahil nangati ang mukha ko kagabi pag-uwi ko sa bahay. Pag-uwi ko naman kagabi sa mansion, pinaulanan ako ng tanong ni Crizsa tungkol sa first day ko sa school. Syempre kinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari. Kinikilig pa siya nang banggitin ko si Terrence. At sinabi niya ngang kilala niya ang binata. "Gwapo 'yon si Terrence Sebastian Ashford, pero mag-iingat ka lang do'n dahil babaero 'yon at masyadong pilyo," pagku-kwento ni Crizsa. "Ang haba naman pala ng pangalan niya," sambit ko. Nandito kami ngayon sa kwarto niya at tinutulungan niya ako sa lesson namin kanina. Tinuturuan niya rin ako ng mga basic english. Kailangan ko raw kasi matuto lalo pa mga englishero ang mga kaklase ko. Para daw kung may sabihin silang masama tungkol sa akin ay agad kong maiintindihan. "Oo. Marami ring umaaligid na babae do'n!" "Marami nga e. Tsaka may nakabili na pala sa kanya." "Ha? Nakabili? Sino naman?" "Missy ang pangalan. Pinagbantaan pa nga niya ako na 'wag raw akong lalapit kay Terrence kung gusto niyang magtagal ako doon sa school," pagsusumbong ko. Nag-iba ang timpla ng mukha ni Crizsa. Marahil kilala niya si Missy. At hindi nga ako nagkamali. "Ohh, that b***h! She's kuya's ex-girlfriend. Manloloko at cheater!" galit niyang saad. Nagulat naman ako sa binalita niya sa akin. "Talaga?! Pero baka girlfriend 'yon ni Terrence," sambit ko naman. "That's impossible, Autumn. I know Terrence's taste, baka mag-fling sila pwede pa. Pero ang seryosohin? Malabo pa sa tubig ng kanal 'yon. Si Terrence ang tipo ng lalaki na hindi nagseseryoso sa isang relasyon. Kaya umiwas ka sa kanya hangga't maaari," mahigpit niyang bilin na tinanguan ko lang. Napukaw ang malalim kong pag-iisip nang may biglang huminto sa harapan ako. Sa sobrang tangkad niya'y dibdib niya lang ang nakikita ko. Tumingala ako upang makita kung sino iyon. Natulala na naman ako nang makita ko ang mukha ni Terrence, nakangiti habang nakatingin sa akin. Naka-suot lang siya ng plain black shirt at maong na pantalon. Simple tingnan pero bagay na bagay sa kanya. Mukha siyang modelo sa isang magazine. Kayumanggi ang kulay niya pero hindi naman sobrang dark. May muscles rin siya na sa mga macho dancer ko lang sa t.v nakikita. Umiwas ako ng tingin sa kanya at umiwas rin ako ng daan. Hangga't maaari ayokong maging close sa kanya dahil na rin sa bilin ni Crizsa. Tsaka baka totohanin ni Missy ang banta niya sa akin, mahirap na. "Hey!" tawag niya at hinabol ako. Hindi ko siya pinansin at nagdire-diretso ako sa paglakad. Hindi ko naman alam kung ano talaga ang pakay niya sa akin. Nakakagulat nga dahil bigla na lang siyang sumulpot kahapon sa harapan ko. Hinila ako ni Terrence paharap sa kanya nang maabutan niya ako. "Ang bilis mo namang maglakad!" sambit niya habang hinihingal. Hindi ako nagsalita pero nakatitig lang ako sa kanya. Habol-habol niya kasi ang paghinga niya kaya kita ko ang pagtaas baba ng kanyang dibdib. Nang maka-revover na siya tumayo na siya ng diretso at muli akong tinitigan. "Hindi natuloy 'yong lunch natin kahapon, kaya itutuloy natin mamaya," sambit niya. "Hindi ako pwede, Terrence-" "Whoa, you already know my name? It sound so good when you're the one saying it," masaya niyang sabi na para bang nanalo siya sa isang laro. Hindi ko tuloy napigilan ang mapa-kunot ang aking noo. Ang weird niya lang kasi. Tapos hindi ko pa maintindihan ang sinasabi niya. Masyado siyang mabilis magsalita ng english. "So, mamayang lunch sabay na tayo." "Hindi nga pwede. Bakit ba ang kulit mo?" iritado kong wika sa kanya. Nawala bigla ang ngiti sa kanyang mukha. Nakonsensya tuloy ako at hindi mapakali dahil sa nakikita kong lungkot sa kanyang mga mata. Yumuko ako. "Sorry, hindi kasi ako pwedeng makipaglapit sa'yo," mahina kong saad. "Bakit? Dahil ba kay Missy?" tanong niya. Tumango ako. "Tss. Don't worry about them, as long as we're together, they can't touch you," seryoso niyang sabi dahilan para mapatingala ako sa kanya. "Sorry.... pwede bang pakitagalog mo 'yong mga sinabi mo? Hindi ko kasi naiintindihan," humina ang aking boses dahil sa sobrang pagkapahiya. Yumuko rin ako at pinikit ng mariin ang aking mga mata. Mas lalo pa akong nakaramdam ng hiya nang marinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Kakaiba ka talaga. Baka pwede ko na rin malaman ang pangalan mo?" pag-iiba niya ng usapan. Napadilat ako at muling tumingin sa kanya. "Ha?" "Pangalan mo? Ang unfair naman kung alam mo ang pangalan ko tapos ang pangalan mo hindi ko pa alam," nakangiti niyang saad. Pero hindi pa rin ako nagsasalita. Hindi ko alam kung ibibigay ko ba sa kanya ang pangalan ko gayo'ng malalaman niya rin naman ito dahil magkasama kami sa classroom. "Autumn Margarette De Jesus," sambit ko sa aking pangalan. "Wow, your name suits you, parehong maganda," puri niya. Nahiya ako bigla at parang nakaramdam ako ng pag-iinit sa aking pisngi kaya nag-iwas ako ng tingin sa kanya. "Oy girls look, kinakausap na naman siya ni Terrence!" May narinig akong boses ng babae na nakatingin pala sa aming dalawa ni Terrence pero mukhang hindi naman alintana ni Terrence na pinag-uusapan na kami ng mga estudyante. Napabuntong hininga ako at tinitigan siya sa kanyang mga mata. Nagsisi ako dahil bakit ginawa ko pa ang titigan siya, napaso tuloy ako sa malamlam niyang mga mata. "T-Terrence, sorry kasi hindi kita pupwedeng pagbigyan sa gusto mo. Bago pa lang ako dito sa school at gusto kong mag-aral ng tahimik dito. Gusto kong makapagtapos ng pag-aaral. Kaya pakiusap, layuan mo na lang ako," nakikiusap kong pahayag sa kanya. Natakot ako sa biglang pagbabago ng mukha niya. Dumilim ito na tila ba galit. Nagalit yata sa sinabi ko. Umatras ako at bahagyang lumayo sa kanya. Marami na ring mga mata ang nakatingin sa aming dalawa. "No woman has ever rejected me, Autumn. So when I say we're going to eat together. that's what's going to happen!" galit niyang sabi sa mahinang tinig. Umalis siya sa harap ko habang ako'y natulala at natigilan. Nangunot din ang noo ko at pilit iniintindi ang ibig sabihin ng mga sinabi niya dahil ni isa ay wala akong maintindihan. Gusto ko mang ipatagalog iyon sa kanya pero huli na. Nilayasan na niya ako. Nagkibit na lang ako ng aking balikat at nagpatuloy sa aking paglalakad. Nilagpasan ko rin ang mga nagbubulung-bulungan na namang mga estudyante at ako na naman ang topic nila. 'Magsasawa rin ang mga iyan, Autumn. 'Wag mo silang pansinin!' sambit ko sa aking sarili. TAHIMIK lang ako sa buong klase. Nakakapagtaka rin dahil wala si Terrence sa classroom gayo'ng alam kong pumasok naman siya. Hmmp, pakialam ko ba sa kanya? Maganda nga 'yong tigilan na niya ako! Ang akala kong tinigilan na ako ni Terrence ay hindi pa pala. Nandito ako ngayon sa tinatawag nilang courtyard sa likod ng building nitong school. Kahapon dito rin ako kumain ng mag-isa. Tahimik kasi dito at masarap pa tumambay dahil sa mga puno at halaman na napaka-presko tingnan maging ang hangin. Para tuloy akong nasa probinsya. Ngunit nag-iba na naman ang pakiramdam ko nang biglang sumulpot sa harapan ko si Terrence. Mayroon siyang bitbit na pagkain at inumin na nilapag rin sa mesa katapat ng pagkain ko. "Nahanap rin kita. Kanina pa kita hinahanap, dito ka lang pala pumunta," saad niya na hindi man lang pinansin ang iritasyon sa aking mukha. Ayoko sanang maging masungit sa kanya dahil wala naman siyang ginagawang masama sa akin. Pero binabagabag kasi ako ng takot sa mga pagbabanta ng grupo ni Missy lalo na ng ibang estudyante na walang ibang pinag-usapan kun 'di ako. Sa halip na sagutin siya, hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy na lang ang aking pagkain. Pagkabukas ko pa lang ng baunan ko'y amoy ko na ang bango ng adobong manok na niluto pa ni Nanay kaninang madaling araw. "What's that?" kuryoso niyang tanong. "Adobong manok," sagot ko naman ng hindi siya tinitingnan. "Masarap ba 'yan? Ngayon lang ako nakakita niyan," saad niya dahilan para tingnan ko siya. Nagtataka ko siyang tiningnan. Pareho naman kaming tao pero bakit ngayon lang siya nakakita ng adobong manok. "Talaga? Hindi ka pa nakakatikim ng adobo? Masarap kaya ang adobo." Tumango siya habang ang mga mata niya'y nasa pagkain ko nakatingin. "Gusto mo ba?" alok ko. Tumingin siya sa akin at parang bata siyang tumango. Sumandok ako ng adobong manok at nilagay iyon sa pagkain niya. Agad naman niya iyong kinain. Napangiti ako dahil para siyang bata na sarap na sarap sa kanyang kinakain. "Hmm... masarap pala ito!" aniya habang ngumunguya. "Sabi ko sa'yo, e!" sambit ko at pinagpatuloy ko na rin ang aking pagkain. Tahimik lang ako habang siya'y salita ng salita at pinupuri ang ulam na dala ko. "Who cook this?" aniya sa puno niyang bibig. Hindi ko agad nainitindihan ang sinabi niya kaya matagal bago ko ito nasagot. "Ahh... si Nanay," sagot ko. "Nanay? Your mom?" "Oo, nanay ko," tugon ko. "Hindi naman kasi kami mayaman para tawagin ko siyang mommy," dagdag ko pa. Kita ko ang pagkunot ng noo niya. "Paano ka nakapasok dito?" "Dahil kina Madam Sterling. 'Yong may-ari nitong university," sagot ko. "Ohh, ampon ka ba nila?" Natawa ako sa sinabi niya. "Siyempre hindi! Katulong ang nanay ko sa kanila," pag-amin ko na kinagulat niya saglit. Wala naman sigurong masama na aminin ko sa kanya ang estado talaga ng buhay ko. At hindi ko kailangan ang magpanggap para lang magustuhan ako ng mga tao dito. "You are very honest," sambit niya. Ni wala akong nakitang panghuhusga sa mga mata niya. "Wala naman dapat itago. Tsaka masama ang magsinungaling," sabi ko. "Yeah," tanging sagot niya lang na para bang pumait bigla ang panlasa niya. PAGKATAPOS naming kumain sabay kaming bumalik sa classroom. May klase pa kami ng ala-una. Nasa kalagitnaan na kami ng hallway nang humarang ang grupo ni Missy at masamang nakatingin sa akin. Napalunok ako at nakaramdam ng takot. Pero nagulat ako ng humakbang si Terrence para harangan ako. Ngayon ay ang malapad na niyang likod ang nakikita ko. "Stay away from her, Missy!" matigas niyang sabi sa babae. Hindi ko makita ang reaksyon ng mukha niya pero rinig ko ang singhapan ng mga kasamahan niya. "Siya na ba ang bago mo? What about us?" "We don't have us, Missy. Ilusyon mo lang 'yon. Wala kayong karapatang mam-bully dito sa school na ito. Hindi kayo ang may-ari nito," ma-awtoridad niyang sambit. "Whatever, Terrence! Alam ko namang sa akin rin ang bagsak mo kapag nagsawa ka na sa babaeng 'yan! Good luck sa kanya!" mataray na pahayag ni Missy bago sila umalis. Dinig ko pa ang maarteng tawa nila mula sa malayo. Para tuloy akong nanlamig sa mga narinig. Tama nga siguro si Crizsa.... kailangan ko siyang layuan. "Hey, Autumn!" tawag ni Terrence sa akin nang tumakbo ako palayo sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD