BAKAS na bakas ang puot at galit sa mukha ni Lhorde matapos magkuwento ni Raven kung paanong bigla na lamang siyang nawala sa Pilipinas, ten years ago. Nang lumunok si Raven ay ramdam niya ang p*******t ng kaniyang lalamunan dahil sa pinipigil na pag-iyak. “Kung ako lang ang masusunod, Lhorde. Ayaw kong aminin pa sa iyo kung ano man ang nangyari sa akin noon. Dahil ang ending? Tiyak ko na magagalit ka sa Mommy mo. Ayaw ko ng dahil sa akin, magtatanim ka ng galit sa Mommy mo.” “Bakit hindi? Inilayo ka niya sa akin. At ‘yong family vacation na ‘yon, ginawa lang dahilan ng Mommy ko para mailayo ka niya sa akin. Love, akala mo ba okay lang ako noon? Pag-uwi ko noon galing sa bakasyon na ‘yon, ikaw agad ‘yong pinuntahan ko. Pero wala ka na sa dorm mo. Kahit ‘yong gamit mong unit, wala na roo