Ten years ago… SAKTONG katatapos lang maligo at magbihis ni Raven nang makarinig ng tunog ng doorbell. Sa araw na iyon ay simula na ng semestral break. Lahat ng estudyante na nag-do-dorm ay wala na roon. Tanging siya na lang ang natira doon dahil wala naman siyang ibang lugar na pupuntahan. Wala rin siyang bahay na uuwian. Hinding-hindi siya uuwi sa bahay ng kaniyang ama lalo na at naroon ang kaniyang madrasta. Tiningnan pa ni Raven kung maayos siyang tingnan sa harap ng salamin. Nagwisik din siya ng pabango bago nagmamadaling hinayon ang maindoor ng kaniyang dorm unit. Si Miss Dalyn Reyes ang kaniyang napagbuksan ng pinto. “Good morning po,” magalang pa niyang bati rito. Ngumiti ito sa kaniya. Ngunit ang ngiting iyon ay hindi umabot sa mga mata nito. “Raven, kailangan mong sumama sa