RAVEN wants to run away from Lhorde. Pero paano ba niyang gagawin iyon? Paano kung nagkahinala na ito na siya si Raven? Ayaw niyang mangyayari iyon.
“That’s mine,” kaswal niyang wika kay Lhorde nang makabawi sa pagkabigla dahil sa ginawa nitong pag-inom sa kaniyang inumin.
“Nauuhaw ka ba masyado at ginawa mong parang tubig ang alak dito?” sa halip ay wika nito bago nagbaling ng tingin kay Raven.
For ten years, ngayon lang ulit siya makikipag-usap ng wikang Tagalog sa kapwa niya Pinoy. May nostalgia na hatid iyon sa kaniya. Pasimpleng huminga siya nang malalim. Pakiramdam niya ay unti-unti ring naninikip ang dibdib niya dahil sa presensiya ni Lhorde sa tabi niya.
“Hindi ka ba aware na parang tubig lang talaga namin dito sa abroad ang alak?” kaswal niyang balik tanong kay Lhorde.
Gusto niyang palakpakan ang sarili dahil sa pagiging animo kaswal lang dito. But deep inside, kabaligtaran ang kaniyang nararamdaman. Gusto na niyang tumakbo palayo. Bukod pa roon, pigil-pigil din niya ang sarili na tumayo para yakapin ito nang mahigpit.
Damn it! She missed him so much. At sa sobrang pagka-miss niya rito ay gusto na lang niyang umiyak nang umiyak kapag naiwan siyang mag-isa mamaya.
Sinulyapan muna ni Lhorde ang hawak nitong baso na wala ng laman. Pagkuwan ay sinenyasan ang isang waiter para kunin ang baso na hawak nito. Nang makuha ay saka lang muling bumaling sa kaniya si Lhorde.
Hindi nag-iwas ng tingin si Raven. Una, dahil ayaw niyang maghinala ito na umiiwas siya. Hindi na sa pagkakataong iyon. Tama na siguro iyong kanina na paglayo niya. Pangalawa, gusto niyang makita pa ang mukha nito na sigurado siyang hindi na niya makikita pa ulit pagkatapos ng gabing iyon.
Ngunit sa huli, si Raven din ang pasimpleng nagbaba ng tingin. Kinuha niya ang sweets na pagkain sa kaniyang platito at bahagyang kinagatan.
“Narito ka lang pala,” makahulugan pang wika ni Lhorde.
Kunway nagtataka na sinulyapan niya si Lhorde. Inubos muna niya ang laman ng kaniyang bibig bago nagawang magsalita. “Pardon?”
“Come on, Raven. I know its you.”
Parang sinipa na naman ang puso ni Raven dahil sa sinabing iyon ni Lhorde. Kung ganoon, nakilala nga siya nito. Pero nunca na magpapahalata siya rito na tama nga ito ng hinala.
“Who’s Raven?”
Tumiim ang labi ni Lhorde dahil sa pagmamaang-maangan niya.
“Sino pa nga ba?”
Ngumiti siya nang matamis dito. “My name si Friah, Mr. Ellison,” aniya na nangingiti pa rin nang muling kumagat sa kaniyang kinakain. Gusto na niyang isuka iyon sa totoo lang dahil pakiramdam niya ay busog pa siya. Pero ano ba ang magagawa niya kung iyon lang ang props na mayroon siya ng mga sandaling iyon? No choice siya kung ‘di ang nguyain iyon at lunukin.
“Friah? Nagpalit ka ba ng pangalan kaya kahit ano’ng gawin ko, hindi kita mahanap? ‘Wag mong hintayin na ipakalkal ko pa ang background mo as Friah Matison. Baka tama ako ng hinala?”
Hinanap siya ni Lhorde? Pero hanggang kailan nito ginawa? Sampung taon na ang matulin na lumipas. Tiyak niya na marami ng nagbago. Lalo na sa isang Lhorde Ellison.
“It’s up to you, Mr. Ellison. Kung ipapa-background check mo ang pagkatao ko. Nakaka-flatter naman na naipagkamali mo ako sa ibang babae,” napangiti pa siya. Minabuti na niya ang tumayo na. “Excuse me,” aniya na akmang iiwan na ito nang pigilan siya nito sa kaniyang braso.
Gusto niyang ipiksi ang braso niya na hawak nito nang makaramdam ng kakaibang dumaloy sa kaniyang balat mula rito. Napalis tuloy ang ngiti sa labi ni Raven.
“Kahit nakapikit ako, kilala ko ang boses mo, Raven. Try harder na ipinilit na hindi ikaw ‘yan.”
Bumuntong-hininga siya. Akmang magsasalita siya nang sakto naman na lapitan sila ni Chase.
“Is there ay problem?” tanong pa ni Chase na napatingin pa sa kamay ni Lhorde na nakahawak sa braso ni Raven.
Wala ng nagawa si Lhorde kung ‘di ang bitiwan na siya. Saka lang lihim na nakahinga nang maluwag si Raven. Blessing in disguise ang paglapit na iyon ni Chase sa kanila ni Lhorde.
“Nothing,” nakangiti niyang wika kay Chase.”
“Dad wants to talk to you, Friah,” ani Chase sa kaniya.
Tumango siya. “Okay. Excuse us, Mr. Ellison,” aniya kay Lhorde bago kumapit sa braso ni Chase papunta sa ama nitong si Hugo Morel. Ni hindi siya lumingon pa kay Lhorde nang makalayo rito.
Lumamlam ang mga mata niya habang naglalakad.
Raven, nakilala ka agad ni Lhorde. Paano ka na ngayon?
Sa durasyon nga ng party ay sinikap niya na pasimpleng umiwas kay Lhorde. Hinayaan lang niya si Chase na nasa paligid niya para walang Lhorde ang magtangka na lumapit sa kaniya.
Pero sa tuwinang mapapasulyap siya sa kinaroroonan ni Lhorde ay may kausap naman ito na mga eleganteng babae na hindi ikinubli ang pagkahumaling sa lalaki.
“Friah.”
Saka lang nagawang magbawi ng tingin ni Raven at binalingan si Chase.
“Do you know him?”
“Who?” taka niyang tanong.
Bumuntong-hininga naman si Chase. “Lhorde Ellison. That guy,” anito na bumaling pa ng tingin kay Lhorde sa hindi kalayuan.
Aamin ba siya? Pero natagpuan na lamang niya ang sarili na umiiling. Bilang Friah Matison na kilala ng lahat, hindi siya related sa isang Lhorde Ellison.
“No,” kaswal niyang tugon.
Pero para bang hindi satisfied si Chase sa sagot niya. Ganoon pa man ay hindi na iginiit ang hinala.
Hinilot niya ang sentido kahit na hindi naman iyon nananakit talaga.
“Are you okay?”
Medyo umiling siya habang hinihilot pa rin kunwari ang kaniyang sentido. “My head is a bit hurt. Maybe because of the liquor that I drank a while ago. Is it okay if I go home already? I’m sorry, Mr. Morel. Please, say to your father that I need to go.”
“Okay. Do you want me to—”
“No. No. No,” mabilis niyang tanggi sa akmang pagbubuluntaryo nito na ihatid pa siya. “I-I can manage, Mr. Morel. Good night,” paalam na niya rito.
Isang pasimpleng tingin pa sa kinaroroonan ni Lhorde na nasa kausap pa rin ang atensiyon. Pagkuwan ay nagbawi na rin ng tingin si Raven at ipinasya na niyang umalis.
Nang makarating sa labas ng venue ay hinayaan lang ni Raven na maglandasan ang mga luhang kanina pa niyang pinipigil sa pagtulo. Gustong-gusto na niyang ilabas iyon. Lahat ng nasa dibdib niya.
Agad niyang pinara ang paraang taxi at nagpahatid sa hotel na tinutuluyan niya.