Chapter 03

1061 Words
MUNTIKAN pang dumulas sa kamay ni Raven ang hawak niyang champagne glass nang makumpirma kung sino ang lalaki na bagong dating. Bigla ay para bang gusto niyang magtago sa likuran ni Chase. Pasimple pa niyang inilibot ang tingin sa paligid. Gusto niyang tumakas. Hindi mapakali ang puso niya. Lalo na nang tuluyang makalapit sa kanila si Lhorde Ellison. Iniiwas niya ang tingin habang binabati si Lhorde nina Mr. Frudo at Hugo Morel. Napatingin naman sa kaniya si Chase na napansin ang pagiging uneasy niya. “What’s the matter?” anito nang ilapit ang labi sa may bandang tainga ni Raven. Sinikap niya ang ngumiti nang matamis at bahagyang umiling. “N-nothing.” “Mr. Ellison, I want you to meet, Friah Matison. She’s also from the Philippines.” Parang gustong magreklamo ni Raven nang ipakilala pa talaga siya ni Hugo Morel kay Lhorde. Saka lang nagawang tumayo ng tuwid ni Chase at balingan ang ama nito. Friah… Right, siya si Friah Matison sa labas ng Pilipinas. Kaya wala siyang dapat na ipag-alala dahil hindi siya si Raven Trojillo. Sa puntong iyon ay sinikap ni Raven na kalmahin ang kaniyang sarili. Ibinalik niya ang kaniyang composure nang ibaling niya ang tingin kay Lhorde. Ngunit ang t***k ng puso niya ay lalong tumindi nang magtama ang tingin nilang dalawa. Sinikap niyang pablangkuhin ang kaniyang anyo lalo na at nagsisimula na namang maglakbay sa nakaraan ang kaniyang isipan. “Hi, Mr. Ellison,” may ngiti pa sa labi niyang wika na inilahad pa ang isang kamay sa harapan nito. Gusto ng manginig ng kaniyang kamay nang tanggapin ni Lhorde ang kamay niyang nakalahad. Sa sandaling pagkakadaupang palad nila ay ramdam na ramdam niya ang mainit nitong palad. Para siyang napapaso kaya siya rin ang unang bumitaw sa pagkakahawak nito sa kaniyang kamay. “It’s nice to meet you, Miss Matison,” wika naman ni Lhorde na hindi inaalis ang tingin sa kaniya. Nakikilala ba siya nito? Ten years na ang lumipas, tiyak na mas malaki ang nagbago sa kaniya ngayon. Bukod sa pangalan niya. Pakiramdam niya noon ay nene pa siya masyado. Kumpara ngayon na ganap na siyang dalaga. A matured one. “I wonder kung saan ka sa Pilipinas nakatira?” There, parang biglang pinana sa dibdib si Raven. Gusto niyang kumapit sa braso ni Chase. Pero ayaw naman niyang magtaka si Chase kung gagawin niya iyon. “Probinsiya na ‘yong lugar namin sa Pilipinas, Mr. Ellison.” “Please, speak English,” reklamo pa sa kanila ni Mr. Frudo. “Oh, I’m sorry,” nakangiti pa niyang baling kay Mr. Frudo para lamang maiiwas ang tingin niya kay Lhorde. There’s something in his eyes. “Can I eat some sweets first? I’m a bit starving,” tanong niya kay Chase sapat lamang upang marinig nito. “I’ll go with you,” ani Chase na siyang nagpaalam sa ama nito at kina Mr. Frudo. Iginiya pa siya ni Chase sa kaniyang siko. Saka lang nakahinga nang maluwag si Raven nang makalayo sa kinaroroonan nina Lhorde. Natatakot siyang lumingon at baka nakasunod ang tingin nito sa kaniya. “I thought you are hungry, Friah?” Napakurap-kurap siya. Natulala na pala siya sa harapan ng mga sweets na pagkain. “I-I am,” aniya na tinanggap ang platito na ibinigay nito sa kaniya para paglagyan niya ng kakainin niya. Muli ay huminga siya nang malalim. “Mr. Morel, you can leave me now. I can manage.” “I think, you need some companion tonight, Friah?” “Not at all,” aniya na nagbawi na ng tingin. Kung puwede lang umuwi na ay ginawa na niya. Nginitian pa niya si Chase para ipakita rito na okay lang siya kahit mag-isa. At para hindi na ito makareklamo pa ay naglakad na siya palayo rito. Inubos niya ang laman ng champagne glass niya at kumuha pa ng panibago. Baka sakaling mawala ang kaba sa dibdib niya na hindi pa rin mawala-wala. Kumibot ang labi niya nang maisip na naman si Lhorde na kay lapit lang ngayon sa kaniya. Oo, literal na malapit lang ito sa kaniya pero pakiramdam niya, kailan man ay kay hirap nitong abutin. Ikinurap-kurap niya ang mga mata na naluluha. Hindi maaring pumatak ang luha niya sa lugar na iyon. Medyo tumingala siya para lamang ibalik sa pinanggalingan ang mga luhang gustong kumuwala sa kaniyang mga mata. Ten years… Nanginginig ang kamay na muling inubos ni Raven ang champagne na hawak niya. Ni hindi na niya magawa pang galawin ang pagkain na kinuha niya. Bigla ay para siyang nabusog. Iniwan niya sandali sa kaniyang kinauupuan ang platito na may lamang sweets at tumayo para maghanap ng nag-uuling waiter na may dalang alak. Sa pagkakataon na iyon ay hindi na basta champagne lang ang kinuha niya. Pinili niya ang hard na inumin. Inisang lagok niya iyon na halos gumuhit sa kaniyang lalamunan. Parang gusto niya iyong isumpa dahil sa masamang lasa. Pero kailangang mawala ng pesteng kaba sa dibdib niya. “One more,” aniya sa waiter na ibinalik dito ang basong wala ng laman. Kumuha siya ng isa pang hard drinks bago iyon dinala sa upuan na ukupado niya sa may hardin ng venue. “Mag-ingat ka, ha?” “Yes, Misis,” sagot ni Lhorde kay Raven. Napangiti na namang lalo si Raven. “Hindi pa tayo kasal.” “Nagpa-practice lang…” Kumibot na naman ang mga labi niya at nagbabadya na naman sa pag-iinit ang bawat sulok ng kaniyang mga mata sa alalahaning iyon mula sa nakaraan. “Wala akong ibang babae na gustong makasama sa habang-buhay kung ‘di ikaw lang, Raven. Wala ng iba.” “Yes, Lhorde. I’ll marry you in the future. Kapag dumating ‘yong tamang panahon para sa ating dalawa…” Ngunit ang pangakong iyon ay nasira. Akmang iinumin niya ang alak sa hawak na baso nang may pumigil sa kamay niya. Kapag kuwan ay kinuha sa kaniya ang mismong baso. “You drink too much.” Natigilan si Raven nang makita si Lhorde sa gilid niya. Napaawang pa ang labi niya nang ito ang uminom sa laman ng baso niya. Kitang-kita pa niya ang bahagyang pagpikit nito dahil sa lasa niyon. Agad na nagbaba ng tingin si Raven nang magmulat ng mga mata si Lhorde. Pinigil ni Raven ang pagkuyom ng mga palad niya. Lalo lang nagsalimbayan ang kaba sa dibdib niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD