“‘WAG NA lang kaya tayong umalis?” Kinunutan ng noo ni Raven si Lhorde. “Matapos kong mag-effort na mag-ayos at magmukhang bagay sa isang Lhorde Ellison, sasabihan mo ako na huwag na lang kaya tayong umalis?” hindi napigilang litanya ni Raven sa nobyo. “Dapat kanina ka pa ho nagsabi. Noong hindi pa ako nagsisimulang mag-ayos.” “‘Yan na nga po ang problema. Sobrang ganda mo lalo. Para bang ang sarap mo na lang ikulong dito sa condo ko.” Nagagandahan naman pala sa kaniya kaya ayaw na siyang paalisin. “Heh! Sayang ang effort ko. Tara na at ng matapos na itong kaba sa dibdib ko. Hanggat hindi natin nakakaharap ang mga magulang mo, hindi ito mawawala. Alam mo ‘yon? Parang sasabog ang dibdib ko.” Isang titig pa kay Raven bago nagawang tumango ni Lhorde. “Okay. We’re going,” sa huli ay wika