PANIBAGONG pakikipagsapalaran, iyon ang nasa isip ni Raven habang papalabas sila sa airport sa Manila. Totoo ngang hindi na siya kasama sa blacklist dahil malaya na siyang nakalabas ng immigration. Halos mapigil pa niya kanina ang kaniyang paghinga. At nang tatakan na ang kaniyang passport, daig pa niya ang animo nabunutan ng tinik sa kaniyang lalamunan. Saka lang din siya nakahinga nang maluwag. At nang sabay silang maglakad ni Lhorde palayo ay para bang gusto niyang magtatalon sa tuwa. “Okay na, love,” tuwang-tuwa pa niyang bulalas. “Makakahinga na ako nang maluwag.” “Same here, love,” masaya ring wika ni Lhorde na mahigpit pa siyang niyakap. “Dederetso ba tayo sa bahay ninyo?” Umiling si Lhorde. “Sa condo ko muna tayo pupunta. Mag-stay muna tayo roon ng isang gabi bago tayo umuwi