PAKIRAMDAM ni Raven ay para bang tatalon ang puso niya dahil sa kaba. Iba pa rin talaga ang dating ng presensiya ni Berenice Ellison para kay Raven. Napilitang tumayo na rin si Raven mula sa kaniyang pagkakaupo nang tumayo na rin si Lhorde mula sa kaniyang tabi. Napatingin si Raven sa kaniyang kamay na hinawakan ni Lhorde. May kahigpitan. Hindi man nagpapahalata si Lhorde, pero ramdam din ni Raven na may kaba rin sa dibdib ng kaniyang nobyo. Ganoon pa man, handa pa rin itong manindigan para sa kaniya. Gumanti siya ng hawak sa kamay ng kaniyang nobyo. Lihim siyang huminga nang malalim. “Mommy,” wika pa ni Lhorde nang makalapit sa kanila ang ina nito. Nagbaba si Raven ng tingin nang sandali siyang pasadahan ng tingin ng ina ni Lhorde. “Mabuti naman at nakauwi kayo ng maayos,” kapag kuw