“BAKIT kailangan mo pang magdala ng bag? Eh, mamamasyal lang naman tayo ngayon,” nagtatakang tanong ni Raven kay Lhorde nang maglagay ito sa bag nito ng mga bundle na pera. “Love, hindi natin masasabi kung gaano katinik ang sistema rito sa France. Lalo na kung mukha natin ang gamitin nila sa pang-trace sa atin. Masyado ng high technology ngayon. Mas okay na ‘yong handa tayong umalis sa lugar na ito na hindi pinoproblema ang mga maiiwan nating gamit.” Ibinigay ni Lhorde sa kaniya ang passport nito. “Ikaw ang magtabi niyan. ‘Yong mga importante mong documents, dalhin mo rin.” Right. In case of emergency. Dapat handa sila. Ibang klase ring mag-isip si Lhorde. Ayaw na rin talaga na papakampante lang. Bukas naman ay nakatakda na rin silang lumipat ng bayan na pupuntahan. “Kung face tracki