“YOU’RE not pranking me?” “Mukha ba akong nagbibiro?” ani Raven na umakmang kukunin ang kaniyang hinubad na damit nang pigilan siya ni Lhorde. “Touch move,” anito na animo nagniningning ang mga mata nang pakatitigan siya. “Ang saya natin, ah,” biro pa niya na nangingiti ring ipinulupot ang mga kamay sa may batok nito. “Gusto mo ba o ayaw mo? Madali naman akong kausap, Mr. Ellison.” “Alam mong gustong-gusto ko, love,” masuyong wika ni Lhorde na hinapit ang kaniyang baywang palapit lalo sa katawan nito. “Ano pa ang hinihintay mo?” “Basbas mo lang naman ang hinihintay ko. Thank you. I love you,” ani Lhorde na hindi na pinatugon pa si Raven at buong pusong siniil ng halik sa labi. Buong puso ring nagpaubaya si Raven sa halik na iyon ni Lhorde. Habang magkahinang ang kanilang mga labi ay