NAG-ALMUSAL muna sina Raven at Lhorde. Nakahanda na rin ang kanilang mga gamit para sa muling paglipat ng lugar na sunod nilang pupuntahan. Nakakapagod man ang biyahe pero sa ganda ng mga tanawin na nadadaanan nila ay sulit na sulit naman ang pagod sa pagbiyahe. Sunod nilang pupuntahan ay ang Reynisfjara Beach. A black sand beach with basalt stacks. Matatagpuan ang pamosong Reynisfjara Beach sa south cost ng Iceland. Excited na rin siyang makita ang lugar na iyon sa personal. “Kinakabahan ka ba?” masuyong tanong ni Raven kay Lhorde habang kumakain sila. “Why are you asking, love? Nararamdaman mo ba?” “Ako po kasi, malapit ng matapos kumain. Pero ikaw, hindi ka pa halos nangangalahati riyan sa pagkain mo.” Napabuntong-hininga si Lhorde. “Hindi ko lang maiwasang isipin kung ano ang ma