IPINIKIT ni Raven ang kaniyang mga mata. Pagkuwan ay pinuno niya ng sariwang hangin ang kaniyang dibdib. Malamig man ang hampas ng hangin sa Reynisfjara Beach, carry lang dahil sa suot na makapal na coat ni Raven. The most dangerous beach, iyon ang bansag sa Reynisfjara Beach. Kung tawagin naman ng marami ay Black Sand Beach. Marami na rin daw ang namatay sa lugar na iyon dahil sa deadly waves. Kaya naman hindi sila lumalapit ni Lhorde sa mismong tubig dahil na rin sa klase ng alon ng mga sandaling iyon. Doon lang sila naglalakad sa hindi abot ng tubig. Itim na itim ang buhangin. At ang sarap sa matang pagmasdan kapag humahampas ang alon sa dalampasigan dahil kulay puti iyon. Literal na black ang white ang makikita ng mga mata mo. Nang magmulat ng mga mata si Raven ay muling sumilay a