PANAY ANG HIKBI ni Raven. Hanggang sa tuluyan siyang magkaroon ng malay. Napakurap pa siya nang bumungad sa kaniyang paningin ang mahabang kalye. Animo nasa isang desserted silang lugar. Kalye lang at mahabang kaparangan ang makikita. May mataas na bundok din sa kabilang bahagi. Nahawakan niya ang kaniyang pisngi na may bakas ng luha. Pinalis niya iyon ng kaniyang mga kamay. Nakasakay pa rin siya sa kotse. Pipi siyang nagpasalamat sa Diyos dahil wala siya sa karagatan. Agad niyang inilibot ang tingin sa paligid. Walang bakas ng driver ng sasakyan at ni Lhorde. Napalunok siya. Nananakit na naman ang kaniyang lalamunan. Totoo ba ang nangyari? Naiiyak na bumaba siya sa sasakyan. Saka lang niya narinig ang pagtawa ni Lhorde. Kausap nito sa may likurang bahagi ng kotse ang driver. Nakasand