NAPABUNTONG-HININGA si Raven habang nakatitig sa karagatan sa may balcony ng kanilang hotel suite. “What’s that for?” untag ni Lhorde kay Raven. Humigop muna si Raven nang mainit na tsokolate sa kaniyang tasa bago nagsalita. “Ang ganda sana rito.” “And?” Mula sa dagat ay ibinalik niya ang tingin kay Lhorde. “Baliw lang ang gugustuhing maligo sa dagat ng ganito kalamig ang klema.” “Baliw ba ang tawag mo sa kanila?” nangingiti pang wika ni Lhorde na sinulyapan ang iilang tao na nasa tabing dagat at naliligo kahit na malamig. “Gusto kong isipin na ganoon na nga.” Muli siyang humigop ng mainit na tsosolate sa kaniyang tasa. “Parang ang lakas ng trip nila.” Makapal na jacket ang suot niya ng mga sandaling iyon kaya naman kahit na paano ay naiibsan ang malamig na panahon. Lalo na kapag u