KUNG panaginip lang ang sandaling iyon na magkasama talaga sila ni Lhorde, hihilingin talaga ni Raven na huwag na siyang magigising pa. It’s like surreal. Dahil isatinig man niya o hindi, gusto niya ang pakiramdam na nasa tabi niya ang binata. Inihilig niya ang pisngi sa braso ni Lhorde. “May gusto ka bang kainin?” untag pa ni Lhorde sa kaniya. “Wala. Busog pa naman ako sa kinain natin kanina.” Humigpit lalo ang pagkakahawak ni Lhorde sa kaniyang kamay. “Just tell me if you need something.” Tumango siya dahil tiyak na hindi rin siya nito titigilan kung patuloy siyang magmamatigas. Gumanti si Raven sa pagkakahawak sa kamay ni Lhorde. Holding his hands really feels good. “Hindi mo ba ma-mi-miss ang Pilipinas?” mayamaya ay basag ni Raven sa katahimikan. “Bakit ko ma-mi-miss ang lugar