NAPATINGIN si Raven kay Lhorde nang punasan nito ng table napkin ang sauce sa gilid ng kaniyang labi. Hindi tuloy niya magawang alisin ang tingin dito. Nang mga sandaling iyon ay kumakain silang dalawa ng kanilang dinner sa loob din ng kanilang suite. “T-thank you,” aniya nang makabawi. Napaka-caring pa rin talaga ni Lhorde. Sa bagay na iyon ay wala pa rin itong kakupas-kupas. Hindi niya mapigilan na maalala ang Lhorde na nakakasama niya noon. Parang biglang piniga ang puso niya dahil maging iyon ay isinisigaw kung gaano na niyang ka-miss ang binata. At kapag pinagmamasdan niya ito ng hindi ito nakatingin? Pakiramdam niya, bigla na lamang itong mawawala kapag kumurap siya. Naninibago pa rin si Raven sa presensiya nito, hindi niya iyon maitatanggi. Dahil makalipas ang sampung taong pan