Chapter 9

2139 Words
Jansen Di's point of view continues Maaga akong nagising para sa aking first day of work. Pagbaba ko ay naghahanda na ang aming kasambahay para sa aming agahan. "Ja ang aga mo namang nagising anong gusto mong agahan?" Tanong ni Yaya. "May pasok na ako yaya, kahit ano na po na naluto ninyo." "Gusto mo ba ng champorado?" "I will try Ya." Ilang saglit lang ay may dala na siyang bowl, it's a chocolate sticky rice. My twin will surely love this. Kumain na ako at binibigyan ako ni Yaya ng dried fish pero napailing ako. I just don't want the smell of it. Uminom na ako ng aking kape at tumayo na ng dumating si Mommy at Daddy na mukhang nagulat din ng makita ako. "Why too early son?" Tanong ni Daddy na naka akbay sa aking Ina. Hanggang ngayon ay para parin silang nagliligawan. I am guessing na siguro mapili ako dahil I am looking for I deal woman like my Mom. "First day of work Dad." "What, anak. Kahapon ka lang nakapagtapos. Oh God Son you need to rest. Mayaman tayo hindi mo kailangan magpakapagod. I am so proud dahil napakabuti mong anak pero ang abusuhin mo ang sarili mo ay hindi na maganda anak. Go have a vacation like your sister." Bulaslas ni Mommy na yumakap pa talaga sa akin. "Mom, I am excited to do what I have learn." Sagot ko at walang nagawa ang aking mga magulang. Yumakap na ako sa kanila at nagpa-alam na umalis na. Pinili ko ang average na sasakyan para hindi ako sobrang alanganin na pumasok. Napangiti ako at pinaandar ko na ang aking sasakyan. Maaga pa kaya hindi pa m traffic, ilang sandali ay nakarating na ako. Alam na daw ng mga ibang namamahala sa hospital na ako muna ang maging Director ng hospital. Ang director nila ay si Ninong Caleb pero dahil sa dami niyang trabaho ay hindi na siya nakakapunta pa. Sa isang branch lang ako ng kanyang hospital na malapit sa bahay. Kaya mas okay sa akin dahil hindi ako mapapagod sa pagmamaneho at walang akong kakaharapin na traffic basta maaga lang ako. Sa main branch ay maraming doctor doon na naging Professor ko. Nagtataka sila kung bakit hindi ako nag-aral sa paaralan ng mga Ventura dahil ang paaralan ng Ventura ang pinaka high tech sa lahat ng paaralan sa bansa at pangatlo sa buong bansa. Marami din na mga foreigner ang nag-aral dahil credited ito na mag accept ng foreign students. I told them that I don't want to be treated special. Huminga ako ng malalim at pumasok na ako. Ramdam ko ang mga tingin ng mga tao sa akin. May meeting mamaya para ipapakilala ako sa mga Nurses, Doctors at mga staff mayaya. Nilampasan ko lang sila, sanay kasi na akong hindi na mamansin ng tao mula bata ako which is kabaliktaran ako ng aking mga magulang at mga kapatid. My Dad said na kaugali ko ang aking lolo. My Dad is very approchable person lalo na at naging Senator siya noon. Ako ang klase ng tao na hindi palatanong kaya hinanap ko ang aking maging office. Ilang saglit lang ay nakita ko na ito kaya pumasok na ako agad. Medyo malaki ito kaysa sa aking inaasahan. Inilagay ko ang aking mga gamit sa sofa at nilibot ko na muna ito. May maliit siyang room at may banyo na rin. Pagkatapos kong malibot ang aking opisina ay umupo na ako. I am a Physician at balak kong mag-aral ulit sa America para maging magaling na Neurologist. Hindi ko pa sinabi sa aking mga magulang, I am sure na hindi papayag si Mommy na lalayo at mag-aral ulit. Napatingin ako sa aking orasan malapit na ang aming meeting. It's only a quick one dahil maraming mga pasyente. Tumayo na ako at lumabas na sa aking opisina. Hindi ko na dinala pa ang aking gamit. May map akong hawak at agad kong nahanap ang conference room ng hospital. Pagpasok ko ay may mga Doctors na na nagkakape. Nagpakilala ako sa kanila at ramdam ko ang kanilang selos. I am a Ventura and Madrigal kaya hindi ako nakaramdam ng hiya o anuman sa kanila. I can feel na hindi ako welcome dahil pagkatapos kong magpakilala ay parang wala na ako sa kanilang harapan. I don't care kung matagal na silang doctor, I will prove them na kahit bagong graduate lang ako ay marami akong magagawa sa hospital para mas lalong mapangalagaan ang mga pasyente which is the main priority. Ilang saglit ay dumating na ang ibang mga Nurses at staff. Aga na akong tumayo at nagpakilala para matapos na. "Good Morning everyone, I am Jansen Di Ventura. The new director of this hospital, nice meeting you all and our meeting is done." Sabi ko sabay umalis na sa conference room. Iniwan ko silang napatanga, napahinga ako ng malalim at mabilis lumakad papunta sa aking opisina. Pagpasok ko ay agad akong uminom ng tubig, I am ready for the day. May naging pasyente ako for check-ups mga simpleng sakit tulad ng lagnat at sipon. Doc man ako ay hindi ako pabor sa pag-inum ng gamot. I advices them to drink more water and eat healthy food. Tsaka lang sila iinum ng gamot kapag high fever na. Umabot ako ng hapon at nakaramdam na ako ng pagod. Inaayos ko na ang aking gamit para umuwi na. I had my lunch sa canteen kanina at dama ko ang mga titig ng mga tao doon. "Ang gwapo ni Doc at ang bata pa." Dinig ko na bulungan nila. "Oo nga pero mukhang masungit." "Isa siyang Ventura, naalala ko ang kanyang mukha anak siya ng dating Senator na gwapo at apo ng dating presidente na si Pres. Madrigal. Kaya hindi na tayo magtataka kung siya ang bagong director dahil kaibigan ng pamilya nila si Doc Caleb." Ang huli na narinig ko ay ang nagpasalubong sa aking kilay. Tinapos ko na ang aking lunch at umalis na ako. Next time ay magbabaon nalang para hindi na ako pumunta dito sa canteen. Pagtayo ko ay may kumatok at nang nagbukas ay ang nasa front desk. "Doc, may mag-asawa po na dumating. Haharapin po ba ninyo o sasabihin kong bumalik na sila bukas?" "Let them in." Agad na sagot ko. Umupo na ako ulit at ilang saglit lang ay pumasok na sila. Pagpasok palang ay rinig ko na ang hirap ng paghinga ng lola. Pinaupo ko si Lolo sa Sofa at ako na ang umalalay kay lola na umupo. Tinanong ko kung bakit sila magpa-check at sinabi ni Lola ang kanyang lahat na nararamdaman. Kinuha ko ang aking stethoscope at pinakinggan kong mabuti ang kanyang paghinga. Pagkatapos ay tinignan ko ding ang kanyang bunga-nga at tenga. May fever siya at may pneumonia. "Tay, kailangan po ni Lola ma x-tray." "Magkano ang pa x-tray ngayon Doc?" Tanong ni Lolo at nakaramdam na ako ng awa dahil inilabas niya ang kanyang plastic na may ilang papel na pera. "Don't worry about it Lolo ako na po ang bahala." Sabi ko at naluluha siyang nagpasalamat. Tinawagan ko ang isang staff para samahan sila sa x-ray room. Gumawa na ako ng aking mga finding at ako nalang ang babasa sa x-tray ni lola mamaya. Habang hinihintay ko sila ay binasa ako ang mga reports ng hospital. Kaya siguro ako nalang ang sinabihan ni Ninong na mamahala dito dahil kita ko na agad ang mga katiwalian. Bago ako aalis para mag-aral sa ibang bansa, sisiguraduhin ko na maayos na muna ang hospital ni Ninong. Marami man akong masasagasahan ay hindi ako takot. They deserve na mawalan ng lisensiya, I don't know them personally at ayon sa records ay matagal na silang Doctor dito. Dumating na si Lolo at Lola, hawak ng staff ang x-ray kaya agad kong kinuha at binasa ito. Mahinahon kong sinabi ang resulta para hindi sila nerbiyosin. "Lola, kailangan po kayong ma confine ng isang linggo para magamot ang pneumonia po ninyo." "Doc, pwedeng bukas nalang po para mangutang na muna ako ng ibibigay dito sa hospital." "What? Bakit po?" "Na admit din ako dito noon at kailangan na mag down muna bago ma confine." Umigting ang aking mga panga dahil that's illegal. "No, Lolo wala pong ganun. Ako na po ang bahala sa lahat huwag po kayong mag-alala." Ako na mismo ang nag-asikaso sa dalawang matanda. I give them the VIP room para makatulog din si Lolo habang nagbabantay. Pagkatapos kong mabigyan ng gamot si Lola ay nagbigay ako ng pera kay Lolo para may pambili siya ng kanyang pagkain. Naiiyak siyang nagpasalamat sa akin. "Hinding-hindi ko po kayo makakalimutan Doc. Ventura. Aba eh kapareho mo ang mabait na presidente noon na tumulong sa amin ng asawa ko at binigyan kami ng bahay para hindi na tumira sa malapit sa basurahan. Siya palang ang Presidente na sumuong sa maduming lugar namin noon." Naiiyak na sabi ni Lolo. Napangiti nalang ako at hindi ko na sinabi pa na Lolo ko iyon. Nagpa-alam na akong umalis dahil gabi na. Inilabas ko ang aking telepono at maraming misscalls si Mommy. May mensahe din siya na nag-aalala na dahil gabi na. Agad ko siyang tinawagan at sinabi ko na pauwi na ako. Dala ko ang aking mga gamit at sumakay na sa aking sasakyan. Habang nasa sasakyan ako ay tinawagan ko si Ninong Caleb. Sinabi ko lahat sa kanya ang aking nalaman. Napamura siya dahil hindi niya akalain namay nangyayari nang katiwalian sa kanyang hospital. Isa na dito ang over pricing ng gamot, maraming mga dagdag na fees tulad ng doctor fees na dapat wala na sana dahil malaki ang sahod nila sa hospital. Habang nag-uusap kami ay inilagay na din sa linya si Ninong Natan at napag-usapan namin na bukas ay aarestuhin na ang mga pasuway na doctor ng hospital. Nagpasalamat sina Ninong pagkatapos naming nag-usap. Si Ninong Harry ay kasama ni Ninong Natan na pupunta sa hospital bukas. Pagdating ko sa bahay ay nag-aabang ang aking Ina. "Ang anak ko, how's your first day of work? bakit ka ginabi? sa susunod anak sagutin mo ang tawag ko." Sabi niya na umakap sa akin ng mahigpit. Napangiti nalang akong niyakap ang aking Ina at napailing ako dahil si Jasper ay nakiyakap na rin. "Mommy, ako ba ay hindi mo na miss?" "Syempre na miss anak pero whole day ka naman dito sa bahay. Ang Ate at Kuya mo lang ang laging wala." Natatawang sagot ni Mommy. "Halos tatlong 0ras nang hindi mapakali ang Mommy mo. Mabuti at tinawagan ko ang hospital ay may inaasikaso ka daw na pasyente." Sabi ni Daddy na tinapik ang aking balikat. "May Doctora o Nurse ka bang natipuhan doon anak o kaya magandang pasyente?" Tanong ni Daddy. "Dad." Naiiling na sambit ko. Nagpa-alam na akong maligo na muna at pagkatapos kong naligo ay kumain na kami. Ito ang gusto ko sa aking pamilya, they wait me kahit mag alas diyes na ng gabi para sabay-sabay kaming kumain. Maraming tinanong si Mommy kaya nasabi ko ang mangyayari bukas. I can see the eyes of my Dad na proud siya sa akin. "Anak, may balak ka bang mag pulitika?" "No Dad." Mabilis na sagot ko. "Why anak, you have a good heart for the people." Sabi ni Mommy. "Mas gusto kong tumulong na wala sa politics Mom." "Mommy, Ako gusto kong maging gaya ni Daddy at Lolo." Sabat ni Jasper. "Anak, baka kami lang ang boboto saiyo at mga kasambahay natin." Sabi ni Mommy na natatawa. "Mag kagawad ka na muna." Sabi din ni Daddy at napangiti ako. "Dad, walang kagawad dito sa forbes. Basta ang kukunin ko ay political science." Seryoso nang sabi ng aking kapatid na bunso. "Okay Son, kung magpulitika ka ano naman ang mga plataporma mo?" "Alisin ang corruption Dad at death penalty sa mga rapist, drugs free, smoking free at marami pa Daddy. Ako ang magiging pinakamagaling na Presidente sa Pilipinas at si Tito ang Rafael ang maging advisor ko." "What bakit siya?" Agad na sabat ni Mommy. "Mom, don't you know that Tito has a broad knowledge in Politics? Siya nga ang nagtutulak sa akin na tumakbo nang Senator pero ang bata ko pa." "Anak, huwag kang mag papaniwala sa Tito mo." Sabi pa ni Mommy. I know Tito Rafael well, maloko siyang tao pero hindi niya ipapahamak ang kanyang pamilya. Gaya ng nabasag ko ang vase noong bata kami. Inako niya ang kasalanan ko kaya pinagalitan siya ni Lolo pero agad kong sinabi kay Lolo na ako talaga ang nakabasag sa vase ng papaluin niya ng tsinelas si Tito. Kinausap ng masinsinan ni Lolo noon si Tito Rafael na huwag siyang aako ng hindi niya kasalanan. I was touch ng sinabi ni Tito na " Pamangkin ko siya at hindi ako papayag na mapagalitan siya dahil lang sa Vase Daddy. Sanay na akong na papagalitan but not Jansen."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD