Jansen Di's POV continues
Kinabukasan ay sabay kaming dumating sa Hospital ng aking mga Ninong. Nagulat sila sa pagdating ng General at kasama pa ang hepe ng malapit na Police station sa hospital. Mabuti at maaga din na dumating ang mga tatlong doctor na huhuliin.
Nagwala ang tatlong doctor ng basahin nila ang kanilang warrant of arrest kasunod ang pagsabi ng Miranda Doctrine. Wala naman na silang nagawa dahil hawak na nina Ninong ang lahat ng mga ebidensya. Nag tapat pa ang ilang mga nurses na nagbigay sila ng malaking halaga sa kanila para lang makapagtrabho lang sa hospital.
Ngayon ay hiring ang hospital ng ilang doctor. Apat nalang kaming natira at mahihirapan kami dahil malaki ang hospital at maraming mga pasyente. Umabot ng isang buwan at kompleto na ulit ang mga doctors ng hospital ni Ninong. Maayos na rin ang lahat ng policies ng hospital.
Ang hirap lang dahil ramdam ko sa mga dalagang nagsisilbi sa hospital ang mainit na titig nila sa akin. Ang fitted skirt na uniporme nila ay umiksi na. May mga love letters pa akong nakikita sa aking mesa. They want to get my personal phone number pero hindi ko ibinigay. Some putting snacks as well, kinakain ko naman dahil ayaw kong magtapon ng pagkain lalo na at hindi ko naman alam kung kanino ko isasauli.
Tinawagan ko si Ninong Caleb para magpa-alam na ako sa kanya.
Ninong: Yes anak napatawag ka?
Me: Ninong
Sabi ko lang at hirap akong magpa-alam dahil isang buwan lang ako sa kanyang hospital.
Ninong: May problema ba?
Me: Wala naman Ninong, Hmmm Ninong, I want to study again.
Ninong: That's great anak, anong kukunin mo?
Me: Gusto kong maging Neurologist Ninong and I want to study abroad.
Ninong: Why abroad anak, pwede ka naman sa Ventura Colleges.
Me: I want to explore as well Ninong, you know pag malapit ako kay Daddy ay puro babae ang tinatanong sa akin.
Pag-aamin ko at natawa si Ninong.
Ninong: Okay then anak pero pagbalik mo ba ay maasahan kong babalik ka sa Hospital?
Me: Yes, Ninong of course.
Agad na sagot ko. Mga bata pa lang kasi ang mga anak na quintuplets ni Ninong lalo na ang kanyang bunso. Siya kasi ang pinaka huling nag-asawa sa kanilang magkakaibigan. Nauna si Daddy at sumunod sina Ninong Natan at Ninong Harry. I want to build that kind of friendship also sana sa mga anak nilang panganay but Sander is different at tatlong babae ang kanyang mga kambal na hindi mahilig sa pagkain kaya hindi din sila masyadong naging close kay Jo. Lalo na at may kanya-kanya din silang personality. Sina Lovely at Sander lang ang naging close at nagkaroon sila ng anim na anak.
Nagpa-alam na ako kay Ninong na may ngiti sa aking mga labi. Ang mga magulang ko na lang ang aking kakausapin. I hope maging smooth ang lahat. Dumating ako sa bahay at dumeretso sa aking kwarto. Naligo na ako ng mabilisan at na ng damit pambahay. Nadatnan kong nasa sala sina Mommy at Daddy na naglalambingan. Tumikhim ako para tumigil na muna sila dahil nasa sala sila.
Tinulak ni Mommy si Daddy kaya medyo natawa ako sa naging reaction ni Daddy na pulang-pula ang mukha at libog na libog.
"Dad." Naiiling na sambit ko.
"Baby, sabi ko naman kasi sa iyo sa kwarto tayo." Sabi ni Daddy na kinuha ang maliit na unan at inilagay sa kanyang kandungan.
"Malapit na ang dinner." Sagot naman ni Mommy at umupo na ako sa tabi niya.
"Mom, Dad. Gusto kong mag-aral ulit at sa ibang bansa." Deretsahang sabi ko at napatingin si Mommy sa akin na parang naiiyak na.
"Mommy."
"Anak, bakit sa ibang bansa naman? Pwede naman dito sa Pilipinas at isa pa isa ka nang Doctor at nagtratrabaho kana kahit ang bata mo pa."
"Mom, gusto kong maging magaling na Neurologist please Mom." Sambit ko na hinahaplos ang kanyang likuran.
"Anak, hindi ko kayang malayo ka sa amin."
"Baby, pwede naman natin bisitahin ang ating anak. Kahit every month pa kung gusto mo. Malay natin doon niya makikilala ang maging kasintahan niya."
"Kailan ang alis mo?" Tanong na ni Mommy na parang nagustuhan ang sinabi ni Daddy.
"Bukas Mom."
"What!" Bulaslas ni Mommy.
"Anak, bakit biglaan?"
"No Mom, matagal nang naka process ang aking mga papel. Last week, I received the confirmation na natanggap ako sa University."
"Son, bakit naman hindi mo sinabi ng mas maaga." Sabat ni Daddy na mukhang nagulat din.
"I am sorry Mom, Dad." Sabi ko na lang at yumakap ulit ang mommy ko sa akin. Pababa na rin ang aking kambal at si Jasper.
My parents told them na aalis na ako bukas at umiyak ang aking kambal na kararating lang din galing sa ibang bansa. Malungkot siya dahil hindi na rin ako maka attend pa sa kanyang graduation.
"Ikaw ah ginagantihan mo ako, porke wala ako sa graduation mo ay hindi ka na din dadalo sa graduation ko."
"No, it's not like that. Nagkataon lang."
"Pwede mo naman i cancel ang flight mo ah dahil sa makalawa na ang graduation ko."
"Jo, hindi pwede dahil hahabulin ko ang unang araw ng aming klase and I have many stuff na aayusin."
"Ate, nakapag desisyon na si Kuya. Don't worry nandun naman ako pero wala akong regalo." Sabat ni Jasper.
"Bakit wala kang regalo?"
"Nasa iyo na ang lahat, ano pa ang ireregalo ko."
"Pwede namang flowers ah." Sagot ng aking kambal.
Napangiti ako dahil kahit kailan ay magaling mang-agaw ng atensiyon ang aking kapatid na bunso. Kumain na kami at pagkatapos ay halos ayaw lumabas nina Mommy at Jo sa aking kwarto lalo na nang makita nila ang mga maleta ko na handa na para bukas. Mag-alas onse na ng gabi ng napilit ni Daddy si Mommy na lumipat na sa kanilang kwarto habang ang aking kambal ay nakatulog na sa aking higaan.
Pwede na akong umalis, I know she is old enough to take of her self. Noon pa gusto kong mag-aral ng pagka medisina sa ibang bansa pero hindi ko maiwan ang aking kambal dahil ang aga niyang na inlove kay Kuya Rowan. Kapag naaalala ko ang mga nakaraan ay napapailing nalang ako dahil dalawang babae ang inalagaan ko na nagmahal ng mas matanda sa kanila.
Tinuring kong parang totoong kapatid na si Kim habang si Daddy ay pinipilit na ligawan ko ito. Pero hindi nangyari dahil kahit maganda at mabait si Kim ay kapatid lang talaga ang turing ko sa kanya. Lalo na kung magkasama kaming tatlo. Para kaming triplets dahil pareho silang chubby noon ni Jo lalo na at halos umabot na sila sa aking taas.