Chapter 8

1105 Words
Jansen Di's point of view Inayos ko ang aking damit ng may kumatok sa aking kwarto. Binuksan ko ito at si Daddy. "Congratulations son. Isa ka nang pinakabatang doctor." Pagbati niya at mahigpit niya akong niyakap. Ngayon ang aking graduation, habang ang aking kambal ay sa susunod naman na buwan. Isa na rin siyang Engineer at Architect dahil pinagsabay niya din itong kinuha. Mabilis din akong nakapagtapos sa medisina dahil sinigurado ko na wala akong vacant period. I even go to school Saturday's at ang mga ka klase ko ay mga higher year. "Thanks Dad." Sagot ko at pumasok na rin si Mommy na mahigpit ding yumakap sa akin. Pagkatapos ay lumabas na kami sa aking kwarto, wala ang aking kambal dahil bukod sa abala sa kanyang pag-aaral ay abala din sa kanyang mga vlogs tungkol sa food trip. Napahinga ako ng malalim dahil ang akala ko ay si Kuya Rowan ang kanyang una at huling kasintahan. Nasa korea siya ngayon at babalik palang sa susunod na linggo. "Dad, Can I drive?" Tanong ng aking bunsong kapatid na desi otso na. "Sure pero kung magasgasan ang sasakyan ko hindi ka na uulit." Sagot ni Daddy. "What, eh di sasakyan nalang ni Mommy ang imamaneho ko. Mommy!" Sabay tawag niya kay Mommy at ngumiti naman si Mommy na pinapayagan si Jasper na ang kanyang sasakyan ang aming gagamitin. Masayang kinuha ni Jasper ang susi kay Mommy. Mula nang wala na sa Politiko sina Daddy at Lolo ay naging simple na ang aming buhay. Ang mga bodyguards ni Mommy ay nasa bahay nalang nagbabantay. Ang mga iba ay binigyan ni Daddy ng malaking pera para sa kanilang separations at maraming benefits. Si Tita Abe naman ay tuluyan nang iniwan ang manila at nanirahan sila sa probinsiya. Sa Racho na sila tumira dahil ang aking mga pinsan ay mas gusto doon kaysa dito sa Manila. Kung may mga okasyon lang kami pumupunta doon lalo na ako at si Jo na busy sa aming pag-aaral. Ilang saglit ay dumatig na rin sina Lolo at Lola. Masaya nila akong binati at niyakap. "Rafael, tignan mo ang pamangkin mo. Isa nang Doctor habang ikaw ay nasa 2nd year college palang." "Dad, mas matanda naman si Ja sa akin." Sagot ni Tito na nakatawa. "Ikaw Rafael, si Jasper mag-aaral na sa kolehiyo kung saan ka nag-aaral. Huwag mo siyang turuan ng mga kaokohan mo." "Lo, paano kung gusto kong magpaturo?" Sabat ng aking kapatid na naki pag apiran pa kay Tito Raf. "Oh my God, I need water." Sabi ni Lolo at nagpakuha ng tubig sa kasambahay habang si Lola ay pangiti-ngiti nalang. Pagkainom ni Lolo ay umalis na kami at sa awa ng diyos ay hindi naman kami bumangga. Na I surprised my parents at gulat na gulat sila nang matawag kong Suma c*m laude. Napatayo pa si Lolo at Lola habang ang kapatid ko at si Tito ay pumipito. Napailing nalang akong tumayo at hinila ang mga kamay ng aking mga magulang na gulat na gulat. Pagkatapos ng aking graduation ay sa restaurant kami ni Ninong Harry pumunta. Nadatnan na namin sina Ninong Natan at Ninang Summer na masayang binati ako. Kasama nila ang kanilang anim na apo na ilang buwan palang. I can feel na naiinggit si Daddy sa mga sanggol na nakikita niya. "Anak, may girlfriend ka na ba o nililigawan?" Mabilis akong umiling at napa lalim ang kanyang paghinga. Maraming nagtangka na mga babaeng lumapit sa akin pero hindi ako interesado sa kanila. Minsan ay hindi ko na rin alam dahil baka frigid nga ako dahil hindi ako nakakaramdam ng anumang libog sa aking katawan. I tried to watch porn kasama ang si Tito Rafael noong mga nasa 17 na ako pero nandiri lang ako habang siya ay nag babati na. Hindi na ulit naulit iyon dahil na caught in the act kami ni Lolo at muntik na niyang masuntok si Tito Raf. "Son, you are a Doctor. Ano sa tingin mo?" Bulong pa ni Daddy. "I am normal Dad wala lang talaga akong magustuhan pa." "Sayang si Kim, ayon may anak na. Akala ko pa man din siya na ang maging manugang ko." "I am still young Dad at bata pa kayo ni Mommy." "Naiinggit ako kay sa mga ninong mong may maraming apo." "Bibigyan ko kayo ng apo, that's for sure." Sabi ko para mapanatag ang kanyang kalooban. "Aasahan ko yan anak ah." Masayang sabi na niya at pinuntahan sina Ninong na nakibuhat sa mga apo nila. Nagsi datingan ang mga anak ni Ninong Natan. Masayang binati nila ako at seryoso akong binati ko sila. Kahit lagi kaming nag kikita ay sobrang bilis nilang magsilaki. Hindi naman pahuhuli si Jasper sa mga apat na sumunod na Quad ni Ninong. Hinanap nila si Jo at sinabi ko na nasa sa ibang bansa. "Kasama ba si Kuya Rowan?" Tanong ni Dark. "Napatingin ako kay Tito Vince." "Hindi pa bumalik ang kanyang ala-ala." Malungkot na sagot nito. "Bakit hindi nalang i untog o ako ang sasagasa para bumalik na ang kanyang ala-ala. Aba ang sexy at ang ganda ng pamangkin ko. " Sabat ni Tito Rafael at napailing si Lola sa suhestiyon ni Tito Raf. Hanggang hapon kami sa restaurant si Ninong Harry, Si Ninong Caleb at Ninang ay nagpadala nalang ng kanilang mga regalo dahil nasa probinsiya sila at abala daw si Ninong sa Hospital. Sinabi niya ako na daw ang mamamahala sa mga hospital nila dito sa Manila. Pumayag naman ako basta isa parin akong resident Doctor para magamit ko agad ang aking pinag-aralan. Gabi na ng umuwi kami at tinawagan ako ng aking kambal ng patulog na. Kahit nakangiti siya ay dama ko parin ang kanyang kalungkutan. Me: Are you okay Jo? Jo: Yes, I am Okay. Anong gusto mong bibilhin ko na pasalubong? Me: Just come home safe. Sagot ko na binuksan ang aking tv ang pinanuod ko ang kanyang vlog sa Korea. My Sister loves to eat, mabuti at pumayat na siya at alam na niya kung paano ma burn ang kanyang kinakain. Napangiti ako dahil ang ganda niya talaga sa TV. She got many features sa aming mommy at Lolo Raf. Ako naman ay kina Daddy. Tinapos ko ang kanyang vlog habang kausap ko din siya sa telepono. I love my twin at isa ako sa nasaktan ng makita ko siyang umiiyak sa kanyang kwarto nang hindi siya pinansin si Kuya Rowan ng bumalik siya dito sa Pilipinas. Pagkatapos naming nag-usap ay pinatay ko na ang aking telepono dahil ay sasabak na agad ako sa trabaho. Ipinikit ko ang aking mga mata at tuluyan ng nakatulog na yakap ang aking mahabang unan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD