Chapter 11

1811 Words
Buloy's point of view Habang naghihimay ako ng gulay ay may yumakap sa akin walang iba kundi si Tetay. "Buloy, dito ako matutulog." Sabi niya na humawak sa aking tiyan kaya mabilis kong inihampas ang sitaw sa kanyang ulo para kumalas siya sa akin. "Aray naman." Reklamo niya pero alam ko naman na hindi siya nasaktan. "Bakit ka dito matutulog may bahay naman kayo?" "Aalis na ako bukas eh." "Akala ko ba next week pa?" "Tinawagan ako ni Sir Luke dahil kailangan ni Sir Duke ang kasama sa bahay ng girlfriend niyang namatay." "Ganun ba, sabihin mo salamat sa pag bibigay ng allowance at pag-papaaral sa akin." "Oo sasabihin ko pero dito ako matutulog." Pilit niya parin kaya wala na akong magawa pa. Mami miss ko din ang kakulitan nito kahit itinuturing niya akong lalaki ang lakas talaga ng kanyang amats. "Dito ka ba kakain?" "Oo dito na ako kakain." "Ikaw nalang ang mag luto kung ganun." Sabi ko dahil masarap ang luto niya. Mula nanlabo ang mga mata ni Lola ay ako na ang nagluluto. Habang naghihimay kami ng mga gulay ay napag-usapan namin ang kursong kukunin niya sa Manila. Sinabi ko na mas maganda ang nurse dahil kailangan dito sa sitio pero mas gusto niyang maging guro. "Ikaw Buloy anong kukunin mo na kurso? Tatlong taon nalang ay susunod kana sa akin." "Hindi ko pa alam at hindi ako sigurado kung mag-aaral ako sa Manila dahil hindi ko kayang iwan si Lola na mag-isa lalo na at lagi na siyang nagkakasakit." "Si Itay na ang bahala kay Lola." "Itay mo? Kung ako saiyo Tetay bago ka umalis ay kausapin mo ng masinsinan si Tatay Gido. Nawiwili na siya masyado sa sugal baka mas lalong lalala pa kung wala ka na." "Kinausap ko na, ang sabi niya pampalipas oras lang para makalimutan niya si Inay." "Palusot naman ng Tatay mo, hindi ba iniwan kayo ng nanay mo dahil sa pagsusugal niya?" "Hayaan mo na mabait naman si Itay." Sagot niya at hindi na ako umimik pa dahil matigas din ang ulo nito. Pagkatapos niyang nagluto ay tinawag ko na si Lola sa kanyang kwarto, mahina na rin ang pandinig nito kaya kailangan na pasukin ko pa talaga siya. "Lola kain na." Sabi ko na may kasamang senyas ng aking kamay. "Sige apo." Sagot niya. Tinulungan ko na siyang bumangon sa kanyang katre at pati paglakad ay inalalayan ko na din dahil kalalabas lang din niya sa hospital. Mahal na mahal ko si Lola dahil mula bata ako ay siya na ang aking naging Ina at ama. Noong malakas siya ay inalagaan niya ako ng mabuti at napaka sipag niya kaya kahit paano ay tatlong beses sa isang araw parin kaming kumakain. "Pinatingin mo na ba ang mga mata ni Lola?" Tanong ni Tetay habang kumakain kami. "Oo, kailangan daw ng operasyon dahil may katarata ang isa niyang mata." "Kailangan ma oopera si Lola?" "Mag-iipon na muna ako. Makakaipon naman na ako siguro dahil kada hapon ko na nang kliyente si Mayora." "Ano, pumayag ka? Ang laki ng katawan nun. Sigurado pag katapos mong masahiin ay katawan mo naman ang masakit." "Sanay na ako Tetay." "Apo, ayokong mag paopera ng mata. Matanda na ako, ilang taon nalang ay babalik na ako sa lupa." "Lola kung anong pinagsasabi ninyo." Sabat ni Tetay. "Totoo naman, ipunin mo nalang ang pera mo apo para sa biglaan na pangangailangan natin." "Lola, paano kung babalik si Itay? paano mo siya makikita? Ang sabi ng doctor kung hindi maopera agad ang inyong mga mata ay may posibilidad na tuluyan na kayong mabubulag." "O sige apo, pag ipunan mo." Agad na sagot ni Lola. "Pakipot pa kayo lola." Sabi ni Tetay. "Ang anak ko kaya ang makikita ko." "Nasaan ba si Itay inay?" "Hindi ko alam anak, sabi nila patay na daw ito pero hindi ako naniniwala hanggang sa hindi ko nakita ang kanyang bangkay." Napahinga ako ng malalim dahil mula iniwan ako ng aking ama kay Lola ay hindi na siya bumalik pa. Natapos kaming kumain at si Tetay na rin ang naghugas. Ito ang gusto ko sa kanya dahil sa totoo lang ay paghuhugas ng pinggan ang pinaka ayaw ko. Hindi bale nang araw-araw ko siyang ipag-igib. Pumasok na ako sa aking kwarto at kumuha ng pamalit. Hindi ako sanay na hindi malinis ang aking katawan bago matulog. "Buloy sabay tayo." "Ayoko, mauna ka o mauna ako." Sagot ko dahil nakakailang ang titig niya sa katawan ko kung naliligo kaming sabay. Tomboy ata ang tetay na ito. "Promise hindi ako titingin saiyo." "Ayoko." Sagot ko na iniwan ko na siya na nakasimangot. Mabilis lang akong nag shower dahil maiksi naman ang aking buhok. Si Lola parin ang nanggugupit sa aking buhok. Hindi man maganda pero okay lang dahil lagi naman akong naka Sombrero at sa paaralan ay sanay naman na silang makita ang buhok na hindi maganda ang pagkagupit. Sayang din kasi ang bente pesos na pambayad dahil hahaba din ito. Pagkatapos kong naligo ay naligo na rin si Tetay. Hindi ko na siya hinintay pa. Humiga na ako sa aking katre dahil pagod na pagod ako ngayon. Ilang katao ang nagpamasahe at nagpahilot tapos ay pinuntahan ko pa si Mayora sa bahay nila. Kung ano lang kasi ang binigay sa akin, minsan ay may magbigay pa ng limang piso. Okay lang sa akin lalo na kung may edad at kilala ko. Ang pinakamalaki naman ay isang daan. Sa isang araw ay nakaka apat na daan ako kaya kahit paano ay malaking tulong sa amin ni Lola. Si Mayor ay nag bibigay ng mga bigay at gulay kaya okay na sa akin dahil kung bibilhin ko pa ang mga ito ay aabot ng dalawang daan kahit na alam kong mga relief goods sana ang mga iyon na hindi niya ipinamigay. Mahirap magsalita lalo na at matagal na siyang mayor sa bayan. Habang nakapikit ang aking mga mata ay tumabi na sa akin si Tetay at yumakap agad. "Tetay ang init." Reklamo ko. "Aalis na ako bukas, ma mi miss kita mahal." "G*ga tumatayo ang mga balahibo ko saiyo. Huwag mo nga akong tatawagin na mahal." "Mahal na mahal naman kita talaga, pa kiss nga." Bulaslas niya at doon ko na siya tinadyakan kaya nahulog siya sa katre. "Aray naman Buloy!" "Mayakis ka kasi ka babae mong tao." Naiinis na sabi ko pero bumangon na rin ako sa aking kama para tulungan siyang bumangon. Mababa lang naman ang katre ko at sa lupa siya nahulog. Pinagpag niya ang kanyang damit at humiga kami ulit. "Buloy hindi mo ba ako mahal?" "Mahal pero bilang Ate, hindi ako lalaki tetay kaya huwag kang tanga diyan." Inis na sabi ko at tumalikod na sa kanya pero yumakap parin ang malikot na babae kaya hinayaan ko nalang dahil lunes bukas at may pasok na ako. Kinabukasan, wala na sa tabi ko si Tetay. Bumangon na ako at amoy ko na ang sinangag at tuyo na kanyang niluto. Kahit paano ay bawas na sa aking gagawin. Naligo na ako ulit at nauna na akong kumain. Ang pagkain ni Lola ay inilagay ko na sa kanyang kwarto. Pumunta na muna ako kina Tetay at wala na daw siya. Sigurado ako na ang unang biyahe ang kanyang sinakyan. Kaya lumakad na rin ako papunta sa aming paaralan. Mabuti at ang sitio namin ang pinakamalapit sa lahat ng sitio sa aming paaralan kaya kaya kong lakarin. Marami na rin akong mga kasabay, hindi uso ang uniporme sa amin dahil ibili nalang namin ng pagkain ang pambili ng umiporme. Mabilis akong maglakad dahil mahaba ang aking mga biyas. Dinig ko ang mga studyante na kinikilig sa aking likuran. Ma lalake o babae ay kursunada ako. Kung hindi lang nag graduate si Tetay ay sa kanya nakatuon ang mga lalaki. Maganda si Tetay at maputi kaya pati ang anak ng Mayora namin ay patay na patay sa kanya. Pagdating ko sa paaralan ay tumulong na muna akong naglinis. Ganito lagi ang una naming ginagawa, nagtutulungan kaming mga mag-aaral na linisan ang aming paaralan pagkatapos ay flag ceremony na. Masasabi ko na matalino ako dahil kahit hindi ako nag-aaral sa bahay at nakikinig lang ako sa paaralan ay matataas ang aking marka. Kung hindi lang na marami akong libang sa aming klase ay mas mataas pa sana ang aking marka. Kung nasa hospital kasi ni Lola ay kailangan kong lumiban sa klase. Pagkatapos ng aming klase ay umuwi na muna ako para matignan si Lola. Pagdating ko ay nagluluto na siya ng aming pananghalian patakbo ko siyang nilapitan dahil asukal na ang hawak niya na ilalagay sa niluluto niyang munggo. "Lola, asukal po yan hindi po asin." Sabit ko na kinuha sa kanyang mga kamay ang asukal. "Apo pasensiya na, nakalimutan kong tikman. Mabuti at dumating ka agad." "Lola, hindi ba sinabi ko na uuwi ako at ako na ang magluto ng pananghalian natin." "Oo, apo natatandaan ko hindi pa ako ulyanin pero pagod ka nang naglakad apo. Gusto ko pag-uwi mo ay kakain ka nalang at magpahinga kahit saglit lang dahil pagbalik mo sa paaralan ay lalakad ka ulit ang ang init sa daan." "Okay lang po ako Lola, sanay na po akong naiinitan." Sagot ko at napangiti nalang. Hindi naman kasi pwede na magbaon din ako ng aking pananghalian dahil sigurado na lagi ko lang iisipin si Lola kung okay lang siya sa bahay. Pagkatapos kong kumain ay nagpahinga lang ako saglit at bumalik sa paaralan na maglakad. Tagaktak ang aking pawis at ang tsinelas na suot ko ay manipis na kaya ramdam ko ang init ng lupa. Marami mang puno pero halos walang hangin kaya sobrang init parin. Mahirap namin kasing magkalakad sa lilim ng mga punong kahoy dahil madamo ito at baka makagat pa ako ng ahas. Kahit ganun ay hindi ko ramdam ang pagod. Nakarating ako sa paaralan na saktong mag-umpisa na ang klase. Maliit na tuwalya na ang pinampunas ko sa aking mukha at likod. Bigay pa ni Tetay dahil kapag umuuwi siya galing manila ay marami siyang mga dalang pasalubong na hindi na ginagamit ng kanyang mga amo. Mabilis na natapos ang klase namin at nakita ko na may bulaklak sa aking bag. Lumingon ako sa aking likuran at ngumiti ng sabay ang lalaki at babae na ka klase ko. Napailing nalang ako at isinawalang bahala ko na ito. Hindi ko na pinag aksayahan pa na ibalik dahil kailangan na pumunta na ako sa bahay nina Mayora para masahiin siya. May natira pa naman na ulam para sa hapunan namin ni Lola pero kailangan ko pa rin maagang umuwi para ilagay ang aming mga alagang manok sa kulungan kundi ay uubusin lang sila ng mga ahas o mga kapitbahay na walang pang-ulam. Papalabas na ako at nakita ko na ang sasakyan ni Mayora. Mabuti at sinusundo ako ng isa niyang tauhan dahil hindi ko kakayanin na mamasahe pa papunta sa bayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD