Buloy's POV continues
Pagdating ko sa bahay nina Mayora ay pinapasok ako agad kasama ng isa niyang bodyguard. Kumatok na muna ako sa kanyang kwarto at ang kasama ko na mismo ang nagbukas ng pintuan. Nakahiga na siya sa kama at halatang walang saplot. Huminga ako ng malalim at pumasok na. Ang kasama ko ay naiwan lang sa labas.
"Mayora." Sambit ko.
"Likod ko na muna Buloy." Agad na utos niya.
Uminom na muna ako ng tubig na baon ko at pagkatapos ay kinuha ko na ang lotion ni Mayora. Sabado at linggo lang na hindi ako pumupunta sa kanya.
Nagsimula ko nang masahiin ang malapad niyang likod at napa ungol siya.
"Buloy nabalitaan ko na kailangan maoperahan ang lola mo. Kung gusto mo ako ang bahala basta, kada hapon kang pumunta dito at dagdagan natin ng 30 minuto ang pagmamasahe mo sa akin."
"Ipahahatid po parin ba ninyo ako sa bahay?"
"Oo pero wala nang mga bigas at delata ka nang iuuwi."
"Mga ilang taon naman po ang pagmamasahe ko sa inyo?"
"Isang taon lang okay na, tapos balik tayo sa dati."
Pumayag na ako sa sinabi at mga kondisyon nito. Bukas na bukas daw ay kukunin si Lola sa bahay at sila na daw ang bahala na dalhin ito sa hospital. Kahit paano ay naganahan ako na gawin ang aking trabaho.
Alas syete na ng pasado ng natapos ako at tulog na si Mayora. Minasahe ko din ang aking mga kamay dahil napagod ng todo. Gusto niya ng hard massage at ang laki ng kanyang katawan kaya ramdam ko ang pagod. Nagpa-alam na muna ako na makigamit sa kanilang banyo at pumayag naman ng tauhan ni Mayora.
Habang nasa banyo ako ay dinig ko ang usapan nila sa labas.
"Matutuloy ba ang pagkuha natin doon sa natitipuan ni Bossing sa sitio gatasan?"
"Suyuin niya muna daw ng dalawang araw, kung hindi makuha sa magandang usapan ay dudukutin na natin. Desi otso na daw yun."
"Hindi mo pa ba nakita? ang gandang bata at ang puti."
"Mas maganda ba sa nag mamasahe kay Mayora." Naningkit na ang aking mga mata sa narinig.
"Babaeng-babae yun, yung nagmamasahe kay Mayora ay bata pa at parang lalaki."
"Bakit ilang taon na ba?"
"Nasa high school palang." Dinig ko na sagot ng taga hatid sa akin.
"Pahabain mo lang ang buhok niyan, sigurado na magandang bata. Baka nga pinapahinog din sya ni Boss."
Pagkatapos kong umihi ay lumabas na ako. Tinitigan ako ng taga hatid sa akin at nilabanan ko ang kanyang titig.
"Babae ka ba o lalaki?" Tanong niya na napatingin mula ulo hanggang paa.
Hindi ko siya sinagot pero handa ako kung may gagawin siyang kabulastugan. Mabuti pala at umalis na si Tetay kundi ay mapapahamak sana siya.
Walang akong imik na umupo at inilagay ko ang aking kamay sa loob ng aking bag. Lagi akong may dalang patalim kung huminto siya bigla ay uunahan ko na.
"Alam mo maganda kang bata. Pahabain mo lang yang buhok mo. Ang ganda ng kulay mo, pantay na medyo brown pero ang pula ng iyong labi at matambok. Napakasarap sigurong laplapin niyan. Ang mga mata mo medyo mabilog at ang haba ng iyong pilik mata na naka luhod pa." Sabi niya habang nagmamaneho.
Wala pa din akong imik at nakatingin sa mga dinadaanan namin. Makakapatay na ata ako ng tao sa edad kong ito. Ang nasa isip ko habang kung ano-ano ang kanyang mga sinasabi na kabastusan. Mabuti at deretso lang siya at nakahinga na ako ng maluwag ng malapit na kami sa kanto na kung saan ay lagi niya akong binababa.
Huminto na siya at mabilis akong lumabas sa sasakyan.
"Buloy!" Tawag niya pero hindi ko na pinansin pa. Madilim ang pwesto ko kaya mabilis kong inilabas ang aking patalim at nilaslas ang gulong ng sasakyan.
Pasimple akong lumakad hanggang sa nakarating na ako sa bahay. Pinuntahan ko na muna si Lola sa kanyang kwato at nakahiga lang ito.
"Lola."
"Apo, ginabi ka yata ngayon?"
"Nadagdagan ang oras ko na magmasahe kay Mayora Lola pero tutulungan niya tayo para mapagamot ang iyong mata."
"Ano, apo bakit ka pumayag. Sa pagkaka-alam ko sa mga may edad at mahirap na kagaya ko ay libre na ang pagpapa opera. Kailangan lang ng kanyang rekomendasyon.
"Hayaan mo na Lola, yung mga relief goods nga ay ginagawang pambayad sa akin. Alam ko naman po pero gusto ko talagang maalis na agad ang katarata sa iyong mata. Kumain na ba kayo?"
"Hindi pa apo hinihintay kita."
"Sige po lola, dalhin ko na lang ang mga pagkain dito."
Bumangon naman si Lola at kinuha ang karton, inilapag niya sa kanyang higaan. Ibinaba ko na muna ang aking bag at mabilis na pumunta sa kusina. Kahit paano ay maliwanag na ang aming bahay. Naka kabit kasi kami sa bahay nina Tetay. Sila ang nag babayad at ngayong wala na siya ay kay Itay Gido ko nalang ibibigay ang aking kuntribusyon. Ilaw lang naman sa amin na tatlong bombilya kaya hindi na nagpapabayad si Tetay. Pero ngayon kay Itay Gido ay dapat magbayad ako dahil baka mamaya ay putulan pa kami.
Ang mauling na kaldero at banga na pinaglutuan ng tira namin kaninang tanghali. Hindi na napainit pa, inamoy ko na muna ang mga ito bago dinala sa kwarto ni lola. Mabuti at hindi pa panis , pagkahatid ko ay bumalik ako para kumuha ng aming mga plato at kutsara.
Kumain na kami ni Lolo, puro may sabaw ang aming kinakain dahil wala na rin siyang ngipin. Dahil sa kahirapan hindi ko na siya nadala pa sa dentist sa lalawigan. Wala naman kasing dentista sa aming bayan dahil sigurado akong wala siyang maging pasyente. Inalagaan ko nalang ang aking mga ngipin, malaking tulong ang mga naiuuwi ni Tetay mula sa kanyang mga amo kaya kahit paano ay nalilinis kong mabuti ang ngipin ko.
Maganda na nga rin na walang ngipin si Lola dahil mag mumog lang siya sabay lunikin ay tapos na siya linisan ang kanyang bunganga. Napapailing nalang ako kapag ginagawa niya ito sa aking harapan.
Inubos ko na ang lahat ng ulam dahil sigurado na masisira na ito bukas. Kasama na ang kanin, bukas ay maaga nalang akong gigising para magluto ng lugaw. Pagkatapos naming kumain ay pinahiga ko na si Lola at ako na ang nagligpit sa aming pinagkainan. Sobrang sakit na ng aking katawan kaya kailangan kong maligo sa malamig na tubig.
Mabuti at nakapag-igib ako kaninang umaga. Napahinga ako ng malalim at habang na liligo ay napatingin sa mga bituin.
"Bakit ba ang hirap ng buhay." Sambit ko na sinasabon ang aking katawan. Kailangan ko na din na palitan ang mga takip ng aming paliguan ni Lola dahil konting hangin ay siguradong masisira na ito.