Chapter 19

1663 Words
Ring! Ring! Ring! Kinapa ko yung bedside table para patayin yung alarm clock ko. Inaantok pa ako, pero kailangang bumangon. Kinuha ko yung phone ko at natigilan ng makita yung wallpaper ko. It’s me and Moore sa photo booth. Nakalimutan kong magpalit ng wallpaper. Mamaya na lang siguro pagkukuha ako ng picture kasama yung apat. It’s 4:03 a.m. natapos na yung final exam namin last week. 2 weeks na din ng matapos yung sa amin ni Moore, medyo nakakapanibago kasi dati yung kaharutan niya yung gumisgising sa akin pero ngayon yung cellphone ko na. Mabilis akong nagligpit ng higaan at sabay ligo. Balak namin maghiking nina Tyler ngayon, nanghiram pa ako ng tent sa pinsan ko kasi sayang naman if bibili ako ng bago eh isang beses lang naman yung hiking namin. After kong maligo at mag ayos ay sinukbit ko yung bag ko sa balikat. Ready na kagabi pa lang yung mga gamit ko pati yung tent, para hindi ako narurush ngayon. Dala dala yung bag at cellphone ay lumabas ako ng dorm. Madilim pa sa labas at nakapatay yung mga ilaw sa hallway, tama nga si Moore before mukhang may multo kapag ganitong madilim at nakapatay yung ilaw ng dorm. Natawa ako—Mabilis akong umiling, hindi ko na dapat siya iniisip. Ano ba naman Hunter? My boyfriend na yung tao, umaayos ka nga. Bumuntong hininga ako. Tap! Natigilan ako, guni guni ko lang ata yun. Tap! Mabilis akong tumakbo palabas ng dorm, malas naman. Malungkot na nga ako nananakot pa, wala man lang consideration! Agad kong nakita yung sasakyan ni Tyler, nasal abas yung tatlo balak ata akong puntahan sa dorm. “Hunter! Anong nangyari sayo? Excited lang?” natatawang bungad ni Emman, humihingal akong dumating sa harap nila. Ang aga aga pinagpawisan na ako agad. “Tubig” agad kung kinuha yung inabot ni Jenny sabay inom. Hay! Ang bait talaga ni Jenny, hindi katulad ng isa diyan na tinawanan lang ako. “Salamat Jenny” sabay balik ko ng tumbler niya, agad akong tumingin kay Emman. “May narinig kasi akong naglalakad, eh ang dilim dilim ng hallway kaya mabilis akong tumakbo” paliwanag ko kay Emman. “Hala! Sino kaya yun? Bali balita na dating sementeryo yang dorm mo eh” napailing ako, madalas na linyahan yan ni Emman eh. Kung dati yung school yung dating sementeryo ngayon dorm naman. “Mga dorm mates ko lang yun, kabado kasi ako” honest na paliwanag ko. “Psh! Dapat sumabay ka na lang pare, mamaya aakyat tayo sa bundok maraming mga kwento kwento doon” napailing ako. Hindi talaga siya titigil na manakot, hilig niya yan eh pwede na siyang screen writer sa isang horror film. “Tara na nga! Ang daldal talaga.” Nailing na wika ni Tyler na kinatawa namin ni Jenny samantalang si Emman ay nakasimangot. “Psh! Wag kang yayakap sa akin sa pagtulog Tyler, baka itulak kita palabas ng tent.” Banta pa nito. Hindi namin pinansin si Emman at sumakay kami ng sasakyan. Si Tyler yung driver, tapos katabi niya si Emman sa harap then kami ni Jenny ang nasa likod. “Here, kumain ka” sabay abot ni Jenny sa akin ng sandwich. Siya talaga si Doraemon na nag anyong babae, kumpleto at ready siya sa lahat ng bagay. “Kaya mahal kita Jenny eh” papuri ko sabay kuha ng inabot niyang sandwich. Pagkagat ko pa lang ay mas lalo akong natuwa. Grilled cheese, my favorite! “Ahem! Naiinitan ka ba Jenny” napalingon ako kay Jenny dahil sa sinabi ni Emman at kita ko na bahagyang namumula yung tenga niya. Luh? Anong nangyari? Dumikit ako kay Jenny at tumapat sa aircon na nasa tapat niya. Malamig naman. Muli akong tumingin kay Jenny sabay lapat ng kamay ko sa noo niya, hindi naman nilalagnat. “Anong nangyari? Ang pula ng tenga mo, look oh pati cheeks mo namumula. May problema ba?” concern na tanong ko habang nakatingin sa kaniya. Masama akong tiningnan ni Jenny. Huh? Concern lang naman ako. “Ang init kasi Hunter, ang lapit mo” nagsusungit na sabi niya, napahawak ako sa tip ng ilong ko. Pasensya naman, concern lang eh. Umusog ako palayo kay Jenny sabay ngiti dito. “Ang sarap ng grilled cheese mo Jenny. The best!” pag iiba ko ng usapan. Kita ko na napangiti siya sabay abot sa loob ng bag niya. “Ito pa” isang sandwich ulit ang inabot ni Jenny sa akin, masaya kong tinanggap yun. Sino bang aayaw sa libreng pagkain? Favorite ko pa. “Oh para sa inyo” inabutan din ni Jenny ng sandwich si Tyler at Emman. “Wow! Akala ko nakalimutan mo na kami eh, hehehe. Kaya ka mahal ni Hunter eh” malakas na sabi ni Emman habang hawak hawak yung sandwich. Napatingin sa akin si Jenny kaya nagsmile ako at tumango tango. Habang nasa biyahe ay nagpatugtog ng music si Emman habang kumakanta siya. Kaya hindi boring yung biyahe, sa sobrang ingay ba naman niya. Napatingin ako sa labas ng sasakyan at napatigil ng makita yung isang malaking billboard, isang advertisement ng isang gaming company. Binasa ko yung nasa billboard. ‘Game with us and enter a new world with Archambea—’ mabilis akong tumingin sa harap. Seryoso, Hunter? Hanggang dito ba naman. Napabuntong hininga ako, kalimutan mo na kasi. Alam ko naman kung ano yung pinasok ko, at akala ko hindi pa ako ganun ka attach sa kaniya. Na nasanay lang ako for the past 3 months na kasama siya pero mukhang mali ata ako. Bakit ba naman kasi ang bilis kong ma attach sa isang tao? Tama nga yung pinsan ko, pang fast burn nga talaga ako. “Inaantok ka pa ba?” nilingon ko si Jenny na may hawak hawak na travel pillow. Dahil sa sinabi niya ay humikab ako at nakaramdam ng antok. Inaantok pa nga ako, anong oras na din natapos yung pagkanta namin sa bar kagabi tapos ang aga ko pa gumising para sa hiking namin. “Here” sinuot sa akin ni Jenny yung travel pillow. Napatingin ako sa minnie mouse travel pillow na nasa leeg ni Jenny sabay tingin sa travel pillow na binigay niya sa akin. “Naks! Couple tayo” pagbibiro ko sa kaniya. Tumaas ang isang kilay niya. “Ayaw mo? Akin na” akmang babawiin ni Jenny yung travel pillow ng mabilis akong umiling. “Wala naman akong sinabi” lungkot lungkutang sabi ko sa kaniya. Nagagamit din talaga yung course namin sa mga ganitong sitwasyon. “Salamat, Jenny” ngumiti ako sa kaniya sabay sandal at pikit. Hindi pa nagtatagal yung pagpikit ko ay nagsalita ulit siya. “Ito pa” nagmulat ako at bumungad sa akin yung eye cover. Grabe, kumpleto talagasi Jenny. “Salamat” sinuot ko yung eye cover at natulog. “Shhhh! Wag kang maingay” rinig ko sa isang mahinang boses. Istorbo, natutulog yung tao eh. “Hindi naman ako maingay ah!” “Yung shutter sound ng phone mo maingay. Nagising nga ako.” “Hindi ko kasi mapigilan, tinag nga kita eh pati si Hunter” pagkarinig ko ng pangalan ko ay agad kong tinanggal yung eye cover. Medyo malabo pa yung paningin ko pero alam kong si Emman yung nagsalita. Boses pa lang, kilala ko na. “Pinagchichismisan niyo po ata ako” agad na sabi ko habang kinukusot ang mata ko. “Hindi ah!” mabilis na tanggi ni Emman, guilty toh halata. “By the way, picture tayo guys!” pag iiba ni Emman sa usapan. Sabay ready ng camera niya, kahit magulo pa yung buhok ko ay ngumiti ako sa camera. “Isa pa” sabi ni Emman pagkatapos kumuha ng picture. “Akbayan mo naman si Jenny, Hunter” at dahil masunurin ako ay inakbayan ko si Jenny sabay smile sa camera. Naka ilang take kami ng picture bago lumabas ng sasakyan. Tumulong ako sa pagkuha ng mga gamit sa likod ng kotse. “Wait” napatigil ako at tumingin kay Tyler. “Isa lang yung tent natin?” napatingin ako sa tinuro ni Tyler. “Huh? Diba kay Jenny yan? Wala kang dinala Tyler?” tanong ni Emman kay Tyler. “Akala ko ikaw ang magdadala ng tent?” balik na tanong ni Tyler. Napakamot si Emman ng ulo niya. “Ang akala ko ikaw yung magdadala, kaya hindi ako nagdala” kumunot yung noo ni Tyler. “Doraemon may extra tent ka ba?” sumama yung tingin ni Jenny kay Emman. Lakas din talaga niya, ako ng sa isip ko lang sinasabi yun. “Bakit hindi na lang kaya kayo matulog sa labas tutal tent ko yan” masungit na sabi ni Jenny, ayan nan ga sinasabi ko eh. “May dala akong isang tent” pag singit ko para di na sila mag away. “Bakit hindi mo agad sinabi pare? Nag away pa tuloy kami” Ako pa sinisi? “Dalawa yung tent natin kasama yung kay Hunter” problemadong sabi ni Tyler. “Bakit hindi ba kasya?” tanong ko. “Tatlo tayo sa isang tent tapos solo ni Jenny yung isa” suggestion ko. Sana magkasya kaming tatlo sa isang tent. “Malaki ba yung tent mo, Hunter?” umiling ako sa tanong ni Tyler. “Pang dalawahan lang, pwede kay Jenny” “Pang dalawahan lang din yung tent ko” biglang sabi ni Jenny. Napakamot ako ng ulo ko, dapat pala yung malaking tent yung hiniram ko. Mali. “Ganito na lang” nilingon namin si Emman “Kami ni Tyler sa tent ni Hunter tapos kayong dalawa ni Jenny sa tent niya” tinuro ko yung sarili ko. Ako at si Jenny sa isang tent? “Ayos lang sa akin” mabilis akong lumingon kay Jenny, nakatingin siya sa akin na nagtatanong. Hinawakan ko yung tungki ng ilong ko. No choice na din. “Sige, sama na lang kami ni Jenny sa tent niya”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD