“Bakit kasi hindi mo na lang tawagan kaysa lagi mong tinitingnan yang phone mo” umiling ako.
“Ano namang sasabihin ko sa kaniya? Atsaka baka busy yun”
“Sus! Busy? Eh diba ikaw na nagsabi na laging nagtetext yun or tumatawag sayo, bakit hindi mo na lang puntahan sa bahay niya?” muli akong umiling sa tanong ni Emman, pinatay ko yung phone at muling binalik sa bulsa.
“Nakakahiya. Hindi naman ako pinapapunta sa bahay niya tapos pupunta ako doon”
“Baka tapos na yung sa inyo, based sa nabasa ko 3 months lang nagtatagal yung FUBU then tapos na” sabi ni Tyler, umiling ulit ako.
“Kung tapos na yung sa amin, bakit hindi niya sinabi? Pwede namang sabihin niya or itext sa akin, hindi yung wala siyang paramdam for 1 week” malungkot na sabi ko. After kong kumanta sa bar 1 week ago ay hindi ko na nakita si Moore, tinext ko siya that time pero hindi naman nagrereply. Tumawag din ako pero hindi sinasagot, nalungkot ako kasi hindi ko naman alam if may nagawa ba akong mali para bigla siyang maglaho na lang. Oo, alam kong FUBU kami pero sana man lang nagsabi siya na tapos na kami.
“Hunter, remember FUBU lang kayo. Wala siyang responsibility na ipaalam sayo na tapos na, ayaw niya na. Ganun naman talaga, wala kayong label aside sa pagiging FUBU. Kaya naman if gusto niyang maglaho na lang at wag magparamdam, justified naman yun.” Sabi ni Tyler sa akin, kumunot ang noo ko at nag isip.
May point siya, siguro nga tapos na yung sa amin. Siguro masyado akong na attach kay Moore at nakalimutan na, Oo nga pala FUBU lang kami. Yun lang yun. Oo, sweet siya, maharot at malambing pero wala akong karapatan na magdemand sa kaniya kung bakit hindi siya nagpaalam. Alam ko kung anong pinasok ko, expected ko na dapat.
“Alam mo naman kung anong pinasok mo diba?” concern na tanong ni Tyler, ngumiti ako.
“Oo naman, don’t worry hindi ko na iisipin yun” tumingin ako kay Jenny na kanina pa tahimik habang nakakunot yung noon sa cellphone niya.
“Huy! Okay ka lang?” tanong ni Emmansa katabi niya, umiling iling si Jenny.
“Tingnan mo toh” binigay ni Jenny yung phone niya kay Emman, yung nakangiting mukha ni Emman biglang nawala at nagsalubong ang kilay niya.
“Shuta!” nagtaka ako.
“Ano ba ya—”
Ring…..
Ring…..
Agad kong kinuha yung phone ko sa bulsa at napangiti ng makita yung caller. Si Moore.
“Hunte—” sumenyas ako kay Emman ng wait at masayang sinagot yung tawag.
“Hello, Moore!”
“Hunter can you go to my house right now and pack your things” kumunot ang noo ko, bakit parang may kakaiba? “Marami kang naiwang damit dito, also paki iwan na lang din yung susi ng bahay sa lamesa” agad na pinatay ni Moore yung tawag bago ako makapag salita. Ang weird niya, pero since pinapapunta niya ako sa bahay niya ay mabilis kong niligpit yung gamit ko.
May 2 hour break time kami kaya naman makakahabol ako sa klase mamaya.
“Si Moore tumawag, pinapapunta ako sa bahay niya. Una na ako ha, balik ako mamaya before class” nakangiting paalam ko sa tatlo, rinig ko pang pinigilan ako ni Jenny pero mabilis akong tumakbo palabas ng University.
Pagkasakay ko ng taxi ay agad akong nagtext kay Moore na on the way na ako. At masayang binalik yung phone sa bulsa. Nasa bahay kaya siya? Biruin mo isang linggo siyang nawala, pero namiss ko siya. Delikado, na aattach na ako sa kaniya.
Napailing ako, pero sabi niya she doesn’t mind naman if ma attach ako. Nang isipin yun ay napangiti ako at niyakap yung bag ko. Ang bagal naman ni manong driver, gusto ko ng makita si Moore.
After a few minutes ay huminto yung driver, binaba ko yung salamin sa back seat kung saan ako nakaupo at sumilip doon.
“Kuya, hello!” masayang bati ko sa guard, kumunot ang noo nito at napakamot ng batok.
‘Anong problema ni Kuya guard?’
Tumingin ako sa harap at hindi pa din nakataas yung harang. Hindi pwede magpapasok?
Bumaba ako ng taxi at nagbayad.
“Kuya, pupunta ako sa bahay ni Moore” masayang paalam ko. Muling nagkamot ng ulo yung guard.
“Ano kasi—Uhm---” hindi ko magets si Kuya Guard, may problema kaya siya?
“Ano yun kuya?” kit akong bumuntong hininga yung guard.
“Pinatanggal ka kasi sa list ng mga guest ni Ma’am Moore” natigilan ako. Pinatanggal? Pero pinapunta niya ako dito. Ngumiti ulit ako.
“Sinong nagtanggal kuya?” kinamot ni Kuya Guard yung pisnge niya.
“Pinatanggal nung authorized person” mahinang sabi ni Kuya Guard, ngumiti ako ng pilit. Pinatanggal ni Moore.
“Ganun po ba, pero kuya tumawag kasi siya kanina. Pinapapunta ako, pwede mo kayang tawagan” pakiusap ko habang nakayakap ako sa bag ko.
“Ganun ba? Sige sige, wait ka lang diyan” pumasok sa guard house si Kuya Guard habang naiwan ako sa labas. Tirik na tirik ang araw kaya nakailang punas ako gamit ang panyo ko.
Ilang minuto pa ay bumalik si Kuya Guard.
“Sige, pasok ka na” ngumiti ako kay Kuya Guard at nagpasalamat.
Medyo malayo layo yung bahay ni Moore kaya kinuha ko yung payong ko sa bag. Pagkabukas sa bag ay hinanap ko yun at naalalang hiniram pala ni Jenny yung payong.
‘Hindi ka talaga nag iisip, Hunter. Ang init init’ nilagay ko yung bag ko sa ulo ko para kahit papaano may pang harang ako. Mabilis akong tumakbo pupunta sa bahay ni Moore.
Napasimangot ako ng makarating sa bahay ni Moore, puno ako ng pawis. Ang baho ko na tuloy.
Pero agad akong napangiti ng nasa tapat na ako ng bahay niya. Nag doorbell pa ako pero ilang minuto na ay walang lumalabas. Gamit ang susi ay binuksan ko yung pinto.
“Moore?” tawag ko, pero mukhang walang tao. Hinubad ko yung sapatos ko at agad na umakyat sa kwarto niya.
Sabi niya kunin ko daw yung mga gamit ko. Ilang damit lang naman yung naiwan ko sa bahay niya.
Nakita kong nakatupi na yung mga damit ko sa bedside table niya. Kaya agad kong kinuha yun at nilagay sa bag ko. Sa pagkakatanda ko ay yun lang naman yung mga naiwan ko.
Iniwan ko na din yung susi ng bahay sa bedside table niya. Pagkalabas ng kwarto ay nilibot ko yung paningin ko, akala ko pa naman makikita ko siya ngayon. Napabuntong hininga ako at nag suot ulit ng sapatos. Pagkalabas ng bahay ni Moore ay napatigil ako.
Isang magarang sasakyan ang nagpark sa labas ng bahay ni Moore, hindi naman yun ang kotse ni Moore. Ilang sandali pa ay napangiti ako ng makitang bumaba si Moore sa passengers’ seat, lalapitan ko na sana siya ng makitang isang lalaki ang bumaba mula sa driver’s seat. Kita ko pang nginitian ni Moore yung lalaki at hawak kamay na lumakad ang dalawa. Tiningnan ko si Moore ng nakangiti pero wala akong mabasang ekspresyon sa mukha niya. Ang weird niya ngayon.
“Who are you?” kunot noong tanong nung lalaki sa akin, magkasing tangkad kami pero mas malaki katawan niya kaysa sa akin.
“He’s my scholar” napatingin ako kay Moore na malamig na nakatingin sa akin ngayon. Lumunok ako at pilit na ngumiti.
‘Scholar’
Dati naman ay pinapakilala niya akong scholar, pero bakit magkaiba yung feeling nun ngayon.
“Hello po, I’m Hunter. Scholar po ni Ms. Moore” inabot nung lalaki yung kamay ko at nakapag shake hand.
“I’m Andrei, Moore’s boyfriend” mula sa lalaki ay lumipat ang tigin ko kay Moore na malamig pa ding nakatingin sa akin.
“Nice to meet you po” nakangiting sabi ko, ngumiti din yung lalaki.
“If you are here for the money, ipapadala ko na lang sa secretary ko” gulat kong tiningnan si Moore.
‘Anong pera?’
Kahit medyo naoffend ako sa sinabi niya ay pinilit kong wag magpakita ng kahit na emosyon. Ngumiti ako at tumango.
“Una na po ako, Sir at Ma’am” nakangiting tumango si Sir Andrei habang si Moore ay ganun pa din. Parang hindi kami naging close. Gets ko naman, may boyfriend na siya.
Nakangiting tumakbo ako paalis sa harap nila. Nang makalayo ay nawala yung ngiti ko. May boyfriend na siya, expected ko naman yun kasi FUBU lang naman kami. In the end, magkakaroon din siya ng kasintahan.
Ding!
Agad kong kinuha yung cellphone ko ng tumunog ito.
The No Name Band
Golden Voice: Hunter asan ka?
Golden Voice: Nakita mo na ba toh?
Golden Voice send a photo
Binuksan ko yung photo, screenshot yun ng isang online news, tungkol kay Moore at kay Andrei. Nasa balita at usap usapan na sila na. Ngumiti ako ng pilit pagkakita ng photo. Kaya pala. Kaya ang weird ni Jenny at Emman, pati yung guard at yung tawag ni Moore. Nag mamake sense na lahat.
Kinapa ko yung sarili ko, hindi naman masakit. Parang kagat lang ng langgam, yung hantik.
Napabuntong hininga ako at muling nagpunas ng pawis.
So tapos na talaga. Yung sa amin ni Moore tapos na.