Chapter 20

1578 Words
Nakailang punas na ako habang paakyat kami ng Mt. Arayat, hindi pa kami nangangalahati ay bumibigat na yung paa ko. Siguro dahil sa pressure lalo na pag paakyat ng bundok. “Water” umiling ako kay Jenny at pinakita yung tumbler ko sa gilid ng bag. “Bad idea talaga na magdala ng cooler sa bundok. Ang sakit na ng paa ko ang bigat pa neto” reklamo ni Emman, pinagtulungan naming dalawa na buhatin yung cooler box. Hindi naman siya ganun kalakihan pero dagdag bigat din paakyat ng bundok. “Pahinga muna tayo” sabi ni Tyler habang may hawak hawak na mapa. Mukha siyang treasure hunter dahil sa map na dala niya tapos yung sumbrerong suot niya na madalas makitasa mga treasure hunter. “Dapat lang! Pagod na pagod na ako, dapat palit tayo” reklamo ni Emman sabay upo sa itaas ng cooler box. “Huwag mo ngang upuan yan, baka masira” pagpapaalis ni Jenny kay Emman. Agad naman na umalis sa ibabaw si Emman sabay lagok ng tubig sa tumbler niya. Hinila ako ni Jenny at pinaupo sa cooler box sabay punas ng mukha ko. Akala ko na bawal? “Ano yan? Pinaalis mo ako para umupo si Hunter?! Tanggap ko na may favoritism ka Jenny pero harap harapan talaga!” masamang tiningnan ni Jenny si Emman, lagi talagang napapa away itong si Emman kay Jenny kung hindi naman kay Jenny, si Tyler naman. “Kanino yung cooler box?” “Sayo. Sige dahil sayo yan ikaw magbuhat” naaasar na sabi ni Emman. “Sige, pero huwag kang iinom ng softdrinks mamaya” natigilan si Emman. “May coke?” tumango si Jenny na may poker face pa din. “Joke lang. Kayang kaya ko yang buhatin kahit habang nakaupo si Hunter” napangiti ako, ang daming alam ni Emman pagdating sa Coke. Sa sobrang hilig niya dun kahit may acid siya iinom pa din. “Hindi ako naniniwala, dapat gawin mo mamaya” singit ni Tyler kaya naman sinamaan siya ng tingin ni Emman. “Eh kung ipasok kaya kita sa cooler, Tyler!” natawa kaming tatlo habang naiinis pa din si Emman. Kinuha ko yung cellphone ko habang nagpapahinga kami sabay bukas ng data. “Ang lakas pala ng signal ng data dito?” tanong ko habang full bar yung signal ng data ko at naka LTE sa taas. Akala ko walang signal sa bundok. “Malakas talaga lalo na kapag nasa itaas na tayo, pwede ngang maglaro ng online games eh tapos pag namatay sabihin mo lag” natawa ako, mga gawain talaga ni Emman. Binuksan ko yung camera sabay video. Para may remembrance. “Guys say Hi!” naka on yung video at nakatutok kay Emman. “Hello, I’m Emman and welcome to my vlog.” “Video toh at hindi ako vlogger” naiiling na sabi ko, sabay tutok ng camera kay Tyler. “Tyler!” umarko yung kilay ni Tyler ng makita yung cellphone ko, pasimpleng nagpose sa camera si Tyler. Yung kanang kamay niya nakalagay sa baba niya na parang nagiisip. Naks, model. “Jenny” tinutok ko yung camera kay Jenny, buti pa toh ang dali kausap. Agad na ngumiti si Jenny sa camera sabay kaway. “Hey!” simpleng bati niya, mula sa back camera ay nagpalit ako sa front cam tapos sabay ngiti ko sa camera at ikot ng phone. “Yung pawis mo Hunter” lumapit si Jenny sa akin sabay punas ulit sa mukha ko at leeg. Ang init nga, 8 palang ng umaga pero tirik na yung araw. Kaya tuloy puro pawis ulit ako kahit kakapunas ko lang. “Salamat” ngiting pasasalamat ko kay Jenny sabay tingin ulit sa phone ko at patay ng video. Hinanap ko yung gc namin sa telegram at sinend doon. “Tara na guys, malayo pa aakyatin natin” tumango kami sa sinabi ni Tyler at binuhat ulit naminni Emmanyung cooler box. Ilang oras din naming inakyat yung bundok. Hindi naman ito yung first time na umakat kami ng bundok, every time na natatapos yung major exam namin ay umaakyat kaming apat. Pero ngayon hanggang twin peak lang ng Mt. Arayat yung aakyatin namin, mas masukal kasi sa ibang part at mas mahirap lalo na at may dala pa kaming cooler box. Mas mahihirapan kami, ang target lang naman talaga namin makapagpapicture at magcamping. Almost 4 hours din namin inakyat yung twin peak, paano ba naman madalas yung pahinga namin lalo na at may kabigatan din yung dala namin. “Habang patagal ng patagal, pabigat ng pabigat itong cooler. Ilang softdrinks ba nandito, Jenny?” tanong ulit ni Emman, habang naglilinis kami sa pwestong pagcacamp namin. “Sakto para magka UTI ka” pabalang na sagot ni Jenny. Mahina akong natawa kaya naman sinamaan ako ng tingin ni Emman, umiwas ako ng tingin at patuloy na naglinis sa paligid. “Pwede na toh, itayona natin yung mga tent” sumang ayon kami kay Tyler at nag start ng itayo ang tent. Hindi naman kami natagalan dahil madalas naman kamingmag camp. Pagkatapos namin itayo yung tent at ayusin yung mga gamit namin ay nagsimula kaming umakyat sa may pinakatuktok. “Ganda dito, pero mas maganda mamaya” tumango ako, aabangan ko mamaya ang pagbaba ng araw para mapicturan. Kinuha ko yung phone sa bulsa ko at kumuha ng ilang litrato ng lugar. Nagvideo din ako habang pinapakita yung view mula sa itaas ng bundok. Matapos ay agad kong binuksan yung socialmedia ko para ipost yung video, pero agad kong nakita yung post ni Emman. Ang bilis din magpost ni Emman, pinindot ko yung notif at kita ko yung picture namin. Yung pic namin apat sa labas at loob ng van, bahagya pa akong natawa dahil pati yung picture namin ni Jenny na natutulog ay kinunan niya ng litrato, nakapatong pa yung ulo ni Jenny sa balikat ko. Mabuti na lamang ay magaan siya kaya hindi ko masyadong ramdam sa balikat yung bigat niya. May isa pang picture kung saan nagising si Jenny at masamang nakatingin sa camera, madalas kasi magpicture itong si Emman with shutter sound. Buti hindi ako nagising, tama nga si Moo—never mind. Luh? Bakit may angry react sa pinost ni Emman? Pinindot ko yung mga nagreact. “MIA Khalif” sino toh? Walang profile pic pero naka angry react sa picture namin. Nag scroll up ako at sa ibang picture ay naka heartreact ito pero sa ibang picture ay naka angry. Problema neto? Umiling ako hindi pinansin kung sino ba yun. Agad kong pinost yung picture ko atvideo na kinuha,. Ding! Kumunot yung noo ko dahil may agad na nagreact, kaka post ko lang ah. “MIA Khalif reacted to your photo” Sino toh? Ang bilis naman ata, kakapost ko lang eh. “Hunter let’s go. Ihanda pa natin yung kakainin natin” lumingon ako kay Tyler, agad kong binulsa yung phone ko at sumunod sa kaniya. Naghanap kami ng mga bato at kahoy para makapag luto ng pagkain. Nilinis din namin yung paglulutuan namin para hindi kumalat yung apoy sa mga tuyong dahon sa paligid. “Coke—Aray!” ayan excited kasi, hindi pa man kami kumakain. Napalo tuloy ni Jenny. “Tulungan na kita Jenny” alok ko dito ng kunin niya yung hotdog at marshmallow sa cooler. Naglatag ako ng mauupuan namin ni Jenny sabay tusok namin sa hotdog at marshmallow sa stick. Agad kong nilingon si Emman na may hawak na cellphone at nakatapat sa amin. Magpipicture na nga lang ng palihim may tunog pa. “Bagay!” tumatangong sabi pa ni Emman habng tinitingnan yung phone niya. Sabay inom niya sa tumbler. “React kayo sa ipopost ko ha” speaking of ipopost. “Emman may kilala ka bang Mia Khalif?” “AHEM! Ahem!” natatawang tiningnan ako ni Emman habang umuubo, si Tyler naman ay nakakunot noong nakatingin sa akin. Pagtingin ko kay Jenny ay magkasalubong ang kilay niyang nakatingin sa akin. “Saan mo nalaman yan?” Ha? Masama ba yung name? Ang sama kasi ng reaction ni Jenny. “Sa post ni Emman, may nag angry react kasi sa picture na pinost tapos yun yung name” paliwanag ko. “Hindi mo kilala si Mia Kha—” “Emman!” “Hoy!” “Jeez!” nagtaas ng dalawang kamay si Emman ng pagalitan siya ni Jenny at Tyler. “Grabe, wala naman akong maling ginagawa ah. Hindi namana ko yung Mia ah” depensa niya, nilingon ako ni Jenny. “Don’t mind that person, baka bitter lang yung nag react” tumango ako sa sinabi ni Jenny. Nacurious lang naman ako. After namin magluto at kumain ay muli kaming umakyat sa pinakatuktok to look at the sunset. Nakailang kuha din ako ng picture sabay tingin sa sunset. Ang ganda ng view! “Sunset means end” napatingin ako kay Jenny ng bigla itong nagsalita. Tumingin siya sa mata ko. “If there’s an end, there will be beginning.” Napangiti ako sa sinabi niya habang nakatingin pa din siya sa mata ko. Ngumiti si Jenny. “Nice shot pare!” sabay kaming lumingon ni Jenny kila Emman, hawak hawak ni Tyler yung camera niya habang nakatutok sa amin ni Jenny yun. “Kanina pa talaga kayo” naiinis na sabi ni Jenny sabay takbo sa dalawa. Mabilis na tumakbo palayo si Tyler at Emman. Natawa ako at hinabol yung dalawa para tulungan si Jenny.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD