"Sa tingin niyo ano kaya yung pinag uusapan nila?" sabay naming tiningnan ni Tyler si Emman.
"Alam mo theater performer tayo pero daig mo ba kumukuha ng AB Comm sa pagiging tsimoso, balak mo ata magshift ng course" bara ni Tyler kay Emman, napatango ako sa sinabi niya.
"Tsk! Curious lang naman, baka mamaya magsabunutan yang dalawa" nagtaka ako sa sinabi niya.
"Bakit naman sila magsasabunutan? Ngayon nga lang sila nag meet eh."
"Tsk. Tsk. Tsk. Ang gwapo mo kasi pare" isang mahinang batok ang natanggap ni Emman kay Tyler.
"Nababakla ka na naman" lumaki ng bahagya ang mata nj Emman sa narinig.
"Hoy! Maton toh noh!"
"Maton? Pero daig pa ang babae sa pagiging chismosa at madaldal. Ang ingay pa" prangkang sabi ni Tyler, sa ng ayon ako doon. Dahil sa sinigaw niya kanina ay iba yung tingin ng mga kaklase ko sa akin during class namin.
"Tsk! Tawag diyan extrovert at confidence" proud na sabi ni Emman, napailing ako.
"Tawag diyan makapal ang mukha" napangiti ako ng sumimangot ang mukha ni Emman, kapag talaga si Tyler ang nagsasalita ay laging nababara si Emman.
"Hey!" agad kong nilingon si Moore ng magsalita ito. Tapos na ata silang mag usap ni Jenny. Nginitian ko ito.
"Hatid na kita"
"Witwew!" nilingon ko si Emman ng sumipol ito. Nakita niya na nakatingin kami ni Moore sa kaniya pero ngumiti lang ito.
"May ibon kasi" napailing ako, may ibon eh nasa underground parking kami.
“Okay lang ba? Ibang direction naman po kasi yung bahay mo” alanganing sabi ko rito.
“No, it’s okay. I really came here for you so, sabay ka na sa akin?” tiningnan ko ang mga kaibigan ko.
“Sabay ka na kay Miss Moore pre, okay lang kami” sabi ni Emman
“Ma’am paki ingatan tong bunso namin” saad ni Tyler, tumango si Jenny sa akin at bahagyang ngumiti.
“Text mo ako kapag nasa dorm ka na” tumango ako sa sinabi nito, hinila ni Tyler si Emman pero bago magpahila ay niyakap ako nito. Luh siya,hindi naman nangyayakap itong si Emman eh.
“Viagra pre, sekreto ng mga matikas” mahinang bulong nito at tinapik ang likod atsaka sumunod kay Tyler at Jenny. Kunot noo ko siyang sinunandan ng tingin. Anong Viagra?
“Do you want to try Viagra, baby?” nilingon ko si Moore.
“Ano yun ma’am?” kita ko na ngumiti ito, iyong ngiti na alam kong may binabalak.
“Iniinom yun for cardio” nakasmirk na sabi nito mas lalong kumunot ang noo ko.
“Wala naman akong problema sa cardio ko ma’am” kitako ang pagbaba ng tingin ni Moore pupunta sa pantalon ko, hinarang ko doon ang bag ko.
“Ano na naman pong iniisip niyo?” pilya itong ngumiti sa akin.
“Now, I remember wala ka ngang problema sa cardio. Antukin lang” kumindat ito sa akin. Napailing ako, kung ano ano na namang kapilyuhan ang iniisip niya.
“Come on, uwi na tayo.”
“Ako na po magdadrive” umiling ito.
“Well, I would love to ride you but ako na muna magdadrive”
Wala akong nagawa kungdi pagbuksan ito ng pinto sa driver seat bago ako umikot sa passenger’s seat. Habang nasa biyahe ay nagsalita ako.
“Moore feeling ko sobra yung binabayad mo sa akin bilang driver tapos ikaw madalas nagdadrive” sinulyapan ako nito at ngumiti.
“Ayaw mo nun baby, I’ll drive you then later I’ll ride you.”
“Ha? Ba’t mo naman ako sasakyan eh wala naman akong kotse” hindi ko maiwasang hawakan yung tungki ng ilong ko.
Rinig ko ang mahina nitong pagtawa.
“Later baby, you’ll see how I ride you.” Tumingin ako sa bintana ng sasakyan, dinikit ko yung kamay ko sa bintana ng makitang hindi lumiko yung sasakyan papuntang dorm ko.
“Moore mali ata yung daan natin, ayun yung daan papuntang dorm” sabay turo sa daan na nilagpasan nung sasakyan.
“Baby sabi ko sabay ka sa akin. It means sasabay kang umuwi sa bahay ko” gulat akong lumingon sa kaniya.
“Ha?!” wala naman siyang sinabi sa akin kanina ah. Sabi niya lang sabay na ako sa kany—luh, iba na pala meaning nun ngayon.
“Ano gagawin ko sa bahay mo? May pasok pa ako bukas ng maaga tapos wala naman akong dalang extrang damit” ngumiti si Moore sabay pindot sa phone nito. Dahil kabado ako ay inagaw ko sa kaniya yun.
“Ako na po, sa daan lang po dapat kayo nakatingin”
“Easy baby, safe ako magdrive” mahina akong umiling.
“Hindi po safe yung nagcecellphone habang nagdadrive. Ano po bang gagawin niyo dito?” muli itong sumulyap sa akin.
“Call my assistant, baby” tumango ako. Inislide ko yung lockscreen, agad na bumukas yung home screen. Walang password.
“Ano pong name?”
“Main Assistant” ganda nung pangalan, imposibleng makalimutan.
Nakadalawang ring palang ay sumagot agad yung assistant ni Moore. Pinindot ko yung loud speaker para marinig niya.
“Good evening, ma’am”
“Hello Madi, buy me some male clothes. T-shirt and a pants will do” tiningnan ako ni Moore mula ulo hanggang paa.
“Also a pair of sneaker, size---”
“Anong size mo, baby?” tanong nito sa akin. Automatic akong sumagot kahit nagtataka.
“11”
“Size 11, yung T-shirt large size same with the pants” tuloy tuloy na sabi nito sa call habang nagdadrive.
Matapos mamatay yung tawag ay kinausap ko uli ito.
“Sa bahay mo talaga ako matutulog?” nakagiting tumango ito.
“After what happened last night, baby you got me addicted” napakamot ako ng ulo sa narinig.
“FUBU mo na talaga ako ma’am?” tumaas ang isang kilay nito.
“It’s Moore. And yes, we are FUBU pero pwede naman nating iupgrade depends to your performance” ha? Upgrade? May ganun ba?
“Anong upgrade ng FUBU?” curious na tanong ko.
“Friends with benefit?” hindi siguradong sabi nito. Bigla akong nalungkot sa sinabi niya.
“So, hindi pa tayo friends Moore” akala ko magkaibigan na kami, ilang beses na kaming naghalikan tapos may nangyari sa amin
kagabi then stranger o acquaintance pa din ako sa kaniya.
“Baby, ofcourse we are friends. We actually don’t have to label our relationship, it’s just a label” sinulyapan ako nito.
“Ang importante we enjoy each other’s company” narinig ko na yung line niya. Linyahan ng kuya ko sa mga babae nito. Pero
dahil ayokong mag isip pa ay tumango na lang ako.
“Come, don’t be shy. Feel at home” nilibot ko yung paningin ko sa bahay niya. Last na pumunta ako dito walang guard. Actually, yung mga bahay sa subdivision walang gate. Bahay agad.
“Wala kang kasama dito?” tahimik kasi akala ko ay may katulong siya.
“Wala, ako lang mag isa dito. May naglilinis ng bahay but by schedule, I feel more comfortable when I’m alone in my house” napatango ako. Medyo may kalakihan yung bahay pero hindi sobrang laki katulad ng katapat na bahay niya.
“What do you want to eat for dinner?”
“Magluluto ka?” tumaas ang isang kilay nito habang nakakrus ang dalawang kamay niya sa dibdib.
“Baby don’t underestimate me. I know how to cook.” Lumapit ito sa akin at hinaplos ang dibdib ko gamit ang hintuturo nito.
“Sabi nga nila A way to a man’s pants is through his stomach.”
“Diba A way to a man’s heart yun?” marahan itong umiling at pilyang ngumiti habang pinapadausdus ang hintuturo nito na nasa dibdib ko pababa sa tiyan ko.
“Baby, A way to a man’s pants originates from Moore Iris Archambeau in short me” sabay kindat nito sa akin. Ang dami po talaga niyang alam.
“I cook first, upo ka lang diyan or you can hug me from behind while I cook” ngumti ako at umiling.
“Tulungan na lang kita”
“Okay, wash the vegetables” tumango ako dito at sinimulang hugasan yung mga gulay. Nagpresinta na din akong maghiwa ng mga
gulay habang niluluto niya yung beef. Napatigil ako ng may magdoor bell. Tumingin ako kay Moore na busy sa pagluluto.
“Ako na po magbubukas” agad akong dumiretso sa pinto at isang babae ang nasa labas. Ngumiti ako dito.
“Sino po sila?” tiningnan ako nung babae mula ulo hanggang paa, umaatras pa ito at tiningnan ang buong bahay. Pagkabalik nito ay muli itong tumitig sa mukha ko. May dumi ata ako sa mukha.
“Who are you?” tanong nito sa akin.
“Ako po si Hunter, ma’am” nakangiting sagot ko.
“Baby, bakit ang taga--- mom?!”