“Dito na lang Moore” sabi ko rito matapos ako nitong ihatid sa school, hinarap ko ito at muling ngumiti.
“Salamat sa paghatid kahit ako yung driver mo” natatawang sabi ko, pagkahawak ko sa pintuan ng sasakyan ay hindi ito mabuksan. Takang tumingin ako doon.
“Ahem” nilingon ko si Moore na ngayo’y pilyang nakangiti sa akin.’
“Bakit ayaw mabuksan?”
“Well, I need a p*****t. Perhaps a kiss” Kiss na naman? Nakailang kiss na kami ngayong araw. Pero dahil masunurin ako ay lumapit ako sa kaniya at hinalikan ang pisnge niya at dahil siya si Moore na pinaglihi ata sa kaharutan ay lumingon ito sa direksiyon ko kaya nahalikan ko ang labi niya. Bibitaw na sana ako ng kinabig niya ang leeg ko at mas lalong pinailalim ang halikan namin.
Matapos ang ilang minuto ay bumitaw siya sa paghalik sa akin.
“Happy ka na po?” kita ko ang pagtawa nito ng mahina.
“Sobra baby” halata ngang masaya siya, iba din aura niya ngayong araw eh. Dati naman mukha siyang fresh pero ngayon parang extra fresh datingan niya.
“Una na ako, ingat ka po sa pagdadrive” muli ko siyang nginitian at lumabas na ng sasakyan niya. Kumaway pa ako bago tumakbo papuntang campus.
“Hunter!” kaway ng kaibigan ko na si Tyler, kasama nito si Emman at si Jenny. Umupo ako sa tabi nila.
“Good morning!” bati ko dito sabay upo ko, katabi ko si Tyler tapos si Jenny at Emman ay nasa likod namin.
“Wait!” akmang lilingun ako sa dalawa upang bumati ay hinawakan nila ang batok ko. Napadiretso ako.
“Bakit?”
“Hala! Sinong diniligan mo kagabi?” may kalakasang sabi ni Emman, rinig iyon sa buong classroom kaya napatingin sa amin ang iba.
“Ay pasensya na, hindi po nakainom ng gamot si Emman” mahinang binatukan ni Tyler si Emman, nilingon ko ito pero tulalang nakatitig lang siya sa akin. Ganun din si Jenny.
“Anong diniligan? Wala namang halaman sa dorm ko, paano ako magdidilig?” takang tanong ko dito.
“Sino yan? Yan ba yung boss mong babae? Siya naglagay ng hickey sa batok mo?” sunod sunod na tanong ni Jenny habang nagsalubong ang kilay, nagulat ako.
Hickey?! Diba tinakpan na ni Moore yun ng concelear.
“Anong hickey? Wala naman eh” kunwaring walang alam na sabi ko, sabay takip ng batok ko.
“Anong wala, kitang kita namin ni Jenny ang ebidensya. Sinong boss yan? Triple M ba yan?” sunod sunod na tanong ni Emman, umiling ako. Kahit kelan hindi ako aamin, nakakahiya.
Biglang hinablot ni Tyler yung kwelyo ng damit ko sabay check niya sa batok ko. Rinig ko ang mahina nitong pagsinghap.
“Hindi lang yan hickey. Hickeys na, dalawa pa oh” agad na binitawan ni Tyler ang kwelyo ko, inayos ko yun habang tikom pa din ang bibig. Hindi lang dalawa yan may pito pang natakpan ng concelear. Pero hindi ako magsasalita. Bahala sila diyan.
“MILF ba yan?” mahinang tanong ni Emman, nilingon ko siya habang nakahawak sa batok ko.
“Kanina Triple M ngayon MILF, ano ba yung meaning nun?” ngumisi si Emman sa akin. Mukhang hindi maganda meaning nun base sa mukha niya.
“Emman!” warning ni Jenny sa kaniya, tinaas ni Emman ang dalawa niyang kamay.
“Easy, nagtatanong eh dapat sagutin ang mga naghahanap ng kaalaman” bait baitang sabi nito.
“Shut up! Don’t taint Hunter’s innocence” agad na binuksan ni Jenny yung bag niya at inabot sa akin ang isang harry potter scarf. Sabi na talaga siya si Doraemon na nag anyong babae.
“Anong don’t taint. Gumawa yan ng kababalaghan kahapon kaya may hickey, meaning hindi na yan inosente” agad na lumingon si Emman sa akin.
“Sino yan pre? Pakilala mo naman ako, gipit eh” umiling ako dito at hindi siya pinansin nang dumating ang prof namin.
Habang naglulunch kami ay kinukulit pa din niya ako.
“Is it your boss? Pinilit ka ba niya?” tanong ni Jenny, napatigil sa pagsasalita si Emman sa narinig at kumunot ang noo.
“Oo nga, did she force you? Sabihin mo lang may tropa akong Crim Prof. irereklamo natin yan” umiling ako sa dalawa, samantala si Tyler ay titig na titig sa akin. Bumuntong hininga ako.
“Hindi ako pinilit, ginusto ko lahat ng nangyari kagabi”
“So may nangyari?”
“May nangyari kagabi?” sabay na sabi ni Emman at Tyler habang si Jenny ay bahagyang naka awang ang labi sa narinig. Tumango ako kahit nahihiya pa din. Napangiti ako matapos maalala yung kagabi, first time ko yun pero feeling ko naman nagustuhan niya.
“Damn! Inlove ka pre!” mahinang sigaw ni Emman sa akin, kumunot ang noo ko.
“Hindi” iling ko dito, sabi ni Moore no string attach daw kaya hindi ako inlove sa kaniya. Attracted pwede pa.
“Anong hindi? Nakita mo ba yung ngiti mo kanina? Mukhang inlove” muli akong umiling.
“Hindi nga. No strings attach” bumuka ang bibig ni Emman at hindi makapaniwalang tiningnan ako.
“Ha?! Ikaw ba nagsabi niyan?”
“Tingin mo ba kayang sabihin yun ni Hunter, for sure yung babae yung nagsabi” sagot ni Tyler kay Emman, bahagya akong naguilty. Hindi ko ata dapat sinabi yun.
“Pumayag ka?” tumingin ako kay Jenny, seryoso siyang nakatingin sa akin.
“Pumayag ka sa no strings attach?” lumunok ako at hindi sumagot kita ko ang disappointed na tingin ni Jenny kaya nagbaba ako ng tingin. Rinig ko ang mahinang buntong hininga nito. Muli akong nag angat ng tingin.
“Hindi naman talaga ako pumayag sa no string attach niya, kasi mabilis ako ma attach. Tapos sabi niya she doesn’t mind. So….” Alanganing tumingin ako sa tatlo.
“But that doesn’t mean na may feelings involve na. Basically, she’s offering you a FUBU deal. Alam mo ba yung pinapasok mo?” tanong ni Tyler, napalunok ako ng ilang beses. Alam ko naman yung napasok ko, pero kasi kahit ilang araw ko pa lang kilala si Moore mukha namang mabait siya kahit maharot. Hindi naman niya ata ako sasaktan.
“Alam ko yung FUBU deal, inexplain niya na sa akin yun. Don’t worry alam ko ang ginagawa ko” paliwanag ko sa tatlo, pero mukhang hindi sila kumbinsido.
“Kaya mo bang hindi mafall sa kaniya?” tanong ni Tyler, tiningnan ko siya at tumango.
“Knowing Hunter, baka yung babae pa yung mainlove sa kaniya. We have examp— AWW!” biglang sigaw ni Emman.
“Anong nangyari sayo?” kita ko ang pagsulyap niya kay Jenny, tiningnan ko si Jenny na nakatingin lang sa akin. Nagbaba uli ako ng tingin.
“Let me talk to her” nag angat ako ng tingin.
“Ha?” seryoso pa din si Jenny, kapag ganito siya ay bad mood ito.
“I said, I’ll talk to her. Kailan mo siya ulit ipagdadrive?” rinig ko ang isang pagsinghap, kahit hindi ko tingnan kung sino ay alam kong si Emman yun.
“Driver ka tapos pinatulan mo amo mo. Damn! What a fantasy fulfilled.” Hirit nito, binalingan siya ng tingin ni Jenny kaya biglang tumikom yung bibig niya. Pag seryoso talaga si Jenny ay nakakatakot.
“So?” nakataas ang isang kilay ni Jenny.
“Uhm, bukas?” kita ko na hindi siya satisfied sa sagot ko.
“Kasi bukas isasama niya ako sa isang studio shooting, pwede din kayong sumama. Nagpaalam na ako sa kaniya”
“Studio shooting?” tanong ni Tyler, tumango ako.
“Producer daw siya dun kaya pwede manood”
“Sugar mommy ang datingan” hindi ko pinansin si Emman kasi seryoso pa din nakatingin si Jenny sa akin.
“I’ll talk to her tomorrow. And you” napalunok ako.
“You just have to agree sa lahat ng sasabihin ko, understood?” tumango ako.
Gabi na din natapos yung klase namin, nagpractice pa kami sa bagong play na gagawin namin kaya ginabi na. Sa aming apat si Tyler yung may sasakyan kaya siya madalas ang naghahatid sa amin pauwi, lalo na kapag ginabi na kami. Kaya nga nagtataka ako bakit hindi nafafall si Jenny kay Tyler sa sobrang bait nito at gentleman. Pareho pa sila ng ugali na seryoso.
“Pre excited na ako bukas para manood ng shooting, hindi mo ba talaga alam kung anong palabas yung shooting?” kanina pa ako kinukulit ni Emman, kaming apat pareho na hindi pa nakakapanood ng actual shooting kaya hindi ko siya masisisi kung excited siya.
“Hindi eh, wala naman siyang sinabi sa akin” umiling ako.
“Sayang. Pero makikita ko bukas yung mama de azucal mo niyan” kumunot ang noo ko sa narinig.
“Anong mama de az—” napahinto ako ng makita ang isang babae na nakasandal sa labas ng sasakyan niya.
“Moore” mahinang bulong ko, tila nariig niya iyon at nag angat ito ng tingin.
“Anong more? More sugar mommy?” hindi ko pinansin si Emman at mabilis na naglakad sa harap ni Moore na ngayo’y nakangiti sa akin. Ngumiti ako nung nasa harap ko na siya.
“Good evening” ngiting bati ko dito.
“Good evening baby” mas lalo akong napangiti sa narinig. Hinaplos nito ang pisnge ko sabay pisil.
“Ahem” nilingon ko si Emman ng umubo ito. Wala namang ubo ito kanina eh, siguro dahil ang daldal niya kaya ayan.
“Moore mga friends ko nga pala. Si Emman yung may ubo, tapos si Tyler at si Jenny” tiningnan ni Moore yung tatlo at ngumiti. Isa isa niyang kinamayan ang tatlo.
“Hello. I’m Moore” pakilala niya, tulalang kinamayan ni Emman si Moore, si Tyler naman ay nakangiting kinamayan ito. Tumingin pa siya sa gawi ko at si Jenny naman ay seryosong tiningnan si Moore habang kinamayan ito.
“I’m Jenny. Can I talk to you alone” napatigil ako sa sinabi ni Jenny, tiningnan ko siya at seryoso pa din ito. Sinulyapan ako ni Moore at ngumiti sa akin.
“Wait here, baby” sinundan ko sila ng tingin habang papalayo sa amin. Ano namang gustong sabihin ni Jenny?
“Don’t worry alam ni Jenny kung saan siya lulugar” tiningnan ko si Tyler habang nagtataka sa sinabi niya.