Chapter 9

2016 Words
“Mom why are you here?” tanong ni Moore, hindi lang ako ang nagulat pati din siya. Mukha ring nasa 30’s lang ang mommy niya. Hindi halatang mom niya. “I actually brought you food, Lagi ka na lang kasi nagpapadeliver” sabi nito at muling tumingin sa akin. “You won’t let me in” tumas ang isang kilay ng mommy ni Moore, agad akong ngumiti at binuksan ng maigi yung pinto. Pagkapasok ay nagpalit ito ng tsinelas. Dumiretso ang mommy niya sa kusina at natigilan. Kita ko ang gulat nito ng tiningnan si Moore. “You are cooking? Himala, I thought you don’t know how to cook” mahinang tumawa siMoore. “Ofcourse I know how to cook, tinatamad lang talaga ako minsan, mom” tumango ang mommy ni Moore. Samantalang ako ay nasa likod lang ni Moore, nakakahiya baka tanungin ako ng mommy niya. “Continue your cooking while me and your---” “Scholar. He is my scholar” natigilan ako at tumingin kay Moore, lumingon ito sa akin at ngumiti. Nung una boyfriend tapos FUBU to Friend with benefits then ngayon scholar na. Sinong nagsabing wala kaming label? Ang dami ko ngang label sa kaniya. Sinilip ko yung mommy ni Moore na ngayo’y nakataas ang isang kilay sa narinig at ngumiti. “Me and your SCHOLAR will wait in the dining area” sinulyapan ako nito. “Let’s go” naunang naglakad ang mommy ni Moore, tiningnan ko si Moore. “Don’t worry mabait si mom. I’ll follow later, tapusin ko lang toh” wala akong nagawa kungdi tumango na lang. Nakita ko yung mommy ni Moore na nakaupo sa upuan sa dining table habang nagcecellphone. Napansin niya ata ako kaya nag angat ito ng tingin. “Sit there and feel at home” turo nito sa katapat niyang upuan. “Thank you po” ngiting sabi ko habang mahinang inuusog ang upuan. Nang makaupo ay nagbaba ako ng tingin. Should I talk to her? Ang panget naman kung hindi ako magsasalita parang nakakabastos. “So, you’re her scholar?” nag angat ako ng tingin, hindi po niya ako scholar. Bakit naman kasi sa dami ng dahilan ni Moore, scholar pa talaga naisip niya? “Opo” ngiting sabi ko. Tumango ito. “What school?” ayan na nga ba ang sinasabi ko eh? “UP po” tumaas ang isang kilay nito. “Scholar ka niya sa UP?” tumango ako, scholar niya sa UP?! Eh libre naman talaga tuition sa UP kaya nga binansagang scholar ng bayan yun. Unang meet up palang huli na sa kasinungalingan? Rinig ko ang mahinang tawa ng mommy ni Moore. “Oh gosh! Mana talaga sa akin ang anak ko, her reasons were my reasons when her dad met my parents” nagulat ako sa sinabi niya. Kaya naman pala, may pinagmanahan. “By the way iho, what course are you enrolled?” "Bachelor of Arts po" ngiting sabi ko. Tuwing nababanggit ko yung course ko ay hindi ko maiwasang mapangiti. Masaya kasi talaga ako sa kurso ko. "You want to be a performer" tumatango tangong sabi niya. Ang dami pang tinanong ng mommy ni Moore, akala ko nga ay oofferan niya ako ng trabaho. "You're enjoying too much mom, ito na yung food" biglang litaw ni Moore habang nilalapag yung niluto niyang Beef caldereta. Tumayo ako para tumulong na maglapag ng kanin at mga plato. Habang kumakain ay biglang nagsalita ang mommy ni Moore. "By the way, saan mo nakilala ang anak ko?" napatigil ako sa pagsubo ng pagkain. "Sa bar po, nagtatrabaho po kasi ako doon then pumasok po siya sa personnel only area. Lasing po kasi siya" rinig ko ang mahinang pagtawa ng mommy niya na pinagtaka ko. "Really?" nakataas na kilay na tanong nito habang amuse na tiningnan si More, marahan akong tumango while Moore shrugged her shoulders. "Anong bar ba yan? Para mapuntahan minsan" "Mom! I'll tell that to Dad" sinulyapan ng mommy niya si Moore. "Sabihin mo, sasama pa yun sa akin?" napailing na lang si Moore sa mommy niya. "Oo nga pala iho, ilang taon ka na?" tanong nito at uminom ng tubig. "18 po" "Ahem!" nasamid yung mommy ni Moore, dali dali kong inabutan ito ng tissue. Agad niya yung kinuha at nagpunas ng bibig at ilong. Tumingin ito sa akin habang nagpupunas. "Ilang taon ka ulit?" "18 po ma'am" "18?!" mula sa akin ay tumingin ito kay Moore. "18!" muling ulit nito, tumango si Moore.. "Akala ko nagmana ka lang sa ugali ko pati pala taste namana mo" muli itong tumingin sa akin. "Alam mo naman bang 26 na itong anak ko?" nagulat ako sa narinig at tumingin kay Moore. 26 na pala siya?! Hindi halata? akala ko nasa 23 or 24 pa lang. Pero okay lang 8 years lang naman yun. Parang ate ko lang siya. "Ngayon ko lang po nalaman na 26 si Moore" nakangiting sabi ko sa mommy niya. Tumingin ang mommy ni Moore sa kaniya. "Hindi mo sinabing 26 ka?" nagkibit balikat si More sa narinig. "Ma'am hindi naman po halatang 26 siya, akala ko nga po nasa 23 or 24 lang" kita ko ang pag ngiti ni More sa gilid ng mata ko at hinawakan ang hita ko. Ayan na naman po siya. "Atsaka po akala ko kanina ate ka po niya, mukha po kasing nasa mid 30's lang po kayo" papuri ko na totoo naman. Hindi talaga ako makapaniwala na mommy siya ni Moore. "Oh! Thank you dear, magaling talagang pumili itong anak ko. Cute, pogi at sweet talker ka" hinawakan ko ang tungki ng ilong ko sa narinig. Grabe naman sa sweet talker si ma'am, nagsasabi lang naman ako ng totoo. "May taste talaga ang anak ko, manang mana sa akin. Akala ko nga dati ay hindi ito nagmana sa amin ng Dad niya, napaka conservative, introvert at mahiyain. Me and her Dad is kinda wild, kaya kaduda duda talaga before. But looked at her" tumingin ako kay Moore sa tabi ko na poise kung kumain using her right hand habang yung left hand niya ay nasa hita ko at dahan dahan hinihimas yun. Akala mo walang ginagawang kakaiba sa ilalim ng mesa. Pero speaking of conservative, introvert at mahiyain. Ang hirap maimagine na ganun siya, tingnan mo naman ngayon yung ginagawa niya sa hita ko, hindi iyon ugali sa tatlong nabanggit ng mommy niya. "Free, open minded at wild na siya, katulad ko noong kabataan?"proud na sabi ng mommy niya. Yes, proud! Mabilis kong hinuli yung kamay ni Moore ng malihis ito sa zipper ng pants ko. Walang kahirap hirap na pinagsiklop niya ang daliri namin. Paano ako kakain neto? Masarap pa naman yung caldereta na niluto niya. Gamit ang kaliwang kamay ay sinubukan kung kumain habang nakikinig sa kwento ng mommy niya. Sana hindi nito mahalata kung ano ginagawa ni Moore sa kamay ko. "Moore stop doing some kinky business under the table, hindi na nakakakain ng maayos itong cutie patotie SCHOLAR mo" napatigil ako sa pagsubo at napatingin sa mommy nito na may smirk sa labi, na tila alam na alam kung anong pagdurusa ang nararanasan ko ngayon. Imbes na itago ay proud pa na hinigpitan ni Moore ang pinagsiklop naming kamay at itinaas iyon sa ibabaw ng lamesa. Hindi na yun patago ngayon. "Ang wholesome ko kaya ngayon, it's not kinky mom" napasimangot ako sa narinig, paanong naging wholesome eh hindi ako makakain ng maayos. Gutom pa ako. "Look at him daig pa baldado sa pagkain. Bitawan mo muna yan, after eating pwede mo ng hawakan ang parte na gusto mong hawakan later" hindi ko masyadong pinansin yung sinabi ng mommy ni Moore dahil nakatingin ako sa pagkaing nilapag ni Moore sa plato ko. "Fine" sa wakas ay binitawan ni Moore ang kamay ko. Masaya kong ginamit ang kannag kamay ko sa pagkain. "I'll touch you later, baby" may pag ka flirty na sabi nito automatic na tumango ako habang ngumunguya. Ang sarap talaga ng luto niya, namiss ko yung mga ganitong luto. "Sige" automatic na sagot ko. Rinig ko pa yung mahinang pagtawa ng mommy ni Moore. After naming kumain ay nagpresinta ako na maghugas ng plato, nakakahiya naman kung wala akong gagawin samantalang si Moore na ang nagluto. After kong maghugas ay nadatnan ko pa sila sa sala na naguusap. “Come here, iho” turo nito sa isang single sofa. Umupo ako roon. “You’re 18 so, first year college?” tumango ako. “Opo ma’am” ngumiti ito sa akin. “Don’t call me ma’am. Pwedeng mommy or tita na lang” “Mom!” “What? Dinala mo na nga toh sa bahay mo, isa pa wag mo nang pakawalan itong si Hunter. Mahirap makahanap ng 18 years old na ganito ka cute at pogi” nahiya ako bigla sa sinabi ni Tita. Oo tita, yun sabi niya eh. “So iho Hunter, I assume dito ka matutulog” tumingin ako kay Moore, nakakahiya naman na malaman nito na dito ako matutulog para namang wala akong dorm. “Ano po kasi—” “Dito ka na matulog, gabi na at para masolo niyo ng anak ko ang isa’t isa” straightforward na sabi nito. Hindi pa ako nakakasagot ay isang doorbell ang narinig namin. “Ako na po” dali daliakong tumayo at binuksan ang pinto, isang babae na nakaformal suit ang nasa labas. “Hello po!” nakangiting bati ko, tiningnan ako nito mulaulo hanggang paa tapos ay umatras upang makita ang kabuuan ng bahay. Déjà vu. “Si Ma’am Moore?” tanong nito pagkabalik. “Nasa loob po” tumango ito “I’m her assistant” agad kong niluwagan yung pinto para makapasok siya. “Good evening, Ma’am Moore and Mrs. Archambeau. Ito na po yung damt na pinabili niyo” sabay lapag ng assistant sa tatlong paper bag sa maliit na lamesa. Agad kinuha ni Tita yung paper bag at binuksan ito, kita ko pa na tumaas ang isang kilay niya nang makita ang laman ng paper bag. “So, I’m right. Dito ka nga matutulog iho” napakamot ako ng buhok habang nakatingin kay Moore na ngayo’y nakangiti lang. Ako yung nahihiya. Tumayo si Tita. “Osya, I’ll better be going. Alam mo naman yang Dad mo ayaw na nawawala ako sa paningin niya ng matagal” yumakap ito kay Moore at nakapag beso. Pagkalapit sa akin ay niyakap niya ako. After nun ay lumingon ito kay Moore. “Use protection, okay. Hindi naman natin gugustuhin na maging batang ama itong si Hunter” napa awang ang labi ko sa narinig. Ngayon ko lang naalala, yung nangyari sa amin kagabi baka mabuntis siya. “Mom! Si Hunter talaga ang inalala mo? How about me?” “Iha kung mabuntis ka hindi ka magiging batang ina since you’re already 26. Kaya mo na yan” napailing si Moore sa narinig. After umalis ni Tita ay tumingin ako kay Moore. “Moore dito talaga ako matutulog sa bahay mo?” tanong ko dito at umupo sa sofa, chineck ko na yung paper bag wala namang pantulog doon. “Yes, narinig mo naman si mom. We should use protection, baby” lumapit siya sa akin at kumandong sa lap ko. Automatic kong pinalibot ang braso ko sa bewang niya. “Pero wala naman akong damit pantulog” isang pilyang ngiti sumilay sa labi ni Moore. “Why do you need clothes, when we will be naked later” natigilan ako at nag isip. “Hindi naman ako natutulog ng hubad” mahina itong natawa. “Sinong nagsabing matutulog tayo” seryoso ko siyang tiningnan/ “Pinapunta mo ako sa bahay mo ng gabi na tapos hindi tayo matutulog?” tumawa ulit ito, yung tawa na parang mahinhin kabaliktaran ng ginagawa niya ngayon sa hintuturo niya na nagdadraw ng circle sa dibdib ko. “Baby papupuntahin ba kita sa bahay ko para lang matulog? we will sleep after our exercise” kumunot ang noo ko. “Exercise?” “Yes, exercise in bed” kasabay niyon ay agad ako nitong hinalikan ng mapusok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD