Chapter 17

1272 Words
Sarado pa yung moonlight bar pero maaga kaming pumasok ng mga kaibigan ko, may isang maliit na stage ang nakalagay sa harap ng bar. Dati naman ay wala iyon pero dahil naisipan ni Eclipse na magkaroon ng banda na kakanta sa loob ng bar ay nagpalagay siya ng stage. Isa isa naming kinabit yung mga instruments na gagamitin namin mamaya, nagcheck mic din kami at nagpractice ng kaunti. Si Emman ang vocalist, Tyler sa guitar, Jenny sa drum and ako sa electric piano. Nagulat nga ako na marunong palang mag drum si Jenny, ang cool niya lang habang nagdadrum. Pagdating ng 7 p.m ay nagstart na silang magpapasok ng mga customer, hinanap ng mata ko si Moore pero wala siya. Baka nag overtime sa trabaho. “Sigurado ako sa mga old customers ng bar nagtataka dahil may stage ngayon dito sa bar” panimula ni Emman, siya na din ang Emcee total bagay naman sa kaniya. “Linawin ko lang po, alam ko namang gwapo kami maliban sa isa dito pero hindi kami macho dancer” malakas na nag boo yung mga old customer ng bar, kilala nila si Emman dahil madalas din siyang mag part time bilang waiter dito. “Easy! Alam ko naman na crush niyo ako—” napaatras ako ng may kaunting tubig ang tumapon sa stage. “Hoy Celion! Alam kong gusto mo akong basahin para makita yung abs ko pero hinay hinay lang, masyadong kang fast!” natatawang pagbibiro ni Emman. “Booo! Ang kapal!” rinig kong sagot ni Celion, college students din yan pero old customers na ng bar. “Hinay hinay, bata pa ako kuya—Aray—” natawa ako ng binatukan ni Tyler si Emman, kung ano ano kasing sinasabi. “Pagpasensyahan niyo na, alam niyo man itong si Emman madalas sumpungin ng sakit” “Hoy, Tyler! Baka maniwala naman yung mga new customers natin. By the way, sa mga new and old na makunat na customers” malakas na naghiyawan ang mga tao sa bar. “Magpeperform kami bilang banda, I’m you handsome and hot vocalist na si Emman” “Sintunado kamo!” “Vocalist lang walang handsome and hot!” “Boooo!” napa iling ako sa mga tao, ibang klase din maging emcee itong si Emman. Dalang dala yung mga customer. “I’m Tyler, the guitarist” maraming mga babaeng naghiyawan, pagkarinig kay Tyler. “Jenny, drummer” pakilala ni Jenny. “I love you, Jenny!” sigaw ng isang customer. “Hoy, Ricardo! Alam kong ikaw yan, lakas ng loob nito,” pag singit ni Emman, maraming natawa sa banter niya. “I’m Hunter the pianist” pakilala ko tapos ngiti. “I love you, baby!” nilingon ko yung sumigaw at ngumiti dito. Akala ko si Moore, madalas kasi ako tawaging baby nun. Speaking of Moore ay wala pa din siya sa bar, or maybe hindi ko lang siya nakita. Pero impossible naman yun dahil sobrang standout kaya ng blonde hair niya. “So first song natin tungkol sa toxic relationship, sino na yung nakaranas ng toxic relationship dito?” maraming mga customer ang nag sitaasan ng kamay. “Sorry, can’t relate” biglang banat ni Emman. Natawa ako ng muli siyang sinabuyan ng tubig, ayan tuloy. “Grabe naman kayo, kung magtatapon kayo sa stage pwedem namang pera tubig talaga?” “Kumanta ka na lang!” malakas na sigaw ng isang customer natahimik lahat, pero tumawa din ang lahat. “Fine, fine. Pero walang sisihan pag nainlove kayo” pahabol ni Emman. Sumenyas si Emman kaya naman nagsimula na kaming tumugtog. First song namin ay Guess That’s Love by Ryan Mack. You f**k me up, I hate your guts. But you’re still stuck in my head You broke me down, but I come’ round And I crawl back in your bed Habang kumakanta si Emman ay pumapalakpak siya kasabay ng beat, kaya naman pati mga customer ay ginaya siya. All of my friends say I could do better ‘Cause we’re no good when we’re together, no I tried my best, but I guess that’s love if it f***s you up. Ni ready ko yung sarili ko na kantahin yung verse 1 and pre chorus. I breath hard then started to sing. I kinda wish I never met you Then I wouldn’t have a shitty matching tattoo Ang I should probably get it covered up soon Cause every time I see it, It reminds me of you And It makes it too hard to forget When you’re still live rent free in my head So I tell myself, oh, I don’t need your shit And I deserve better than this My head knows I should quit, Yeah But my heart can’t help it. Tinuloy ni Emman yung pagkanta sa chorus part, kita ko na nakikisabay yung mga customer at mukhang nag eenjoy sila sa performance namin. Sunod sunod ang naging performance namin, mga 3 songs bago namin maisipan na kumanta by the customers song request. Nagbigay ng maliit na paper yung mga waiter tas pinasulat sa mga customer yung song request nila. “Pare pareho naman tayong nasa 2024 so I guess walang old song dito ah, bago lang po kami kaya hindi lahat ng songs kaya namin kantahin” sabi ni Emman habang bumubunot sa isang glassbowl. “Let’s see. Sila by Sud at ang kakanta ay si Hunter” tinuro ko yung sarili ko, seryoso? Ako yung kakanta, eh hindi ko nga alam if nagustuhan ba nila yung ginawa kong pagkanta kanina. Akala ko pa naman si Tyler or si Jenny yung pipiliin, kung sinuswerte ka nga naman. “Kaya mo yan baby!” pahabol na pang aasar ni Emman sa matinis na boses. At dahil hindi ako marunong mag guitar ay ginamit ko yung electric piano. Ngumiti ako at nagstart. Habang tinutogtog ko yung kanta sa electric piano ko ay may iilang kamay akong nakitang nakataas at nagsway sa hangin. Matagal tagal din nawalan ng gana Pinagmamasdan ang dumadaan Lagi na lang matigas ang loob Sabik na may maramdaman Tumingin ako kila Emman na ngayo’y nakangiti sa ibaba ng stage at nag thumbs up pa. Dika man bago sa paningin Palihim kang nasa yakap ko’t lambing Sa bawat pag tago Di mapigilan ang bigkas ng damdamin Nilibot ko yung tingin ko sa mga customer at napangiti ako ng malawak ng makita yung favorite blonde person ko. Eye catching talaga siya sa blonde hair niya at black and red dress. Nakita niyang nakatingin ako sa kaniya kaya naman ngumiti siya. ‘Moore is here’ Walang sagot sa tanong Kung bakit ka mahalaga Walang papantay sa’yo Walang sagot sa tanong Kung bakit ka mahalaga Walang papantay sa’yo Habang kumakanta ay nakatingin lang ako sa direksiyon ni Moore, masaya ako kasi nakarating siya. Kung may darating man na umaga Gusto kita sana muling marinig Ngiti mo lang ang nakikita ko Tauhin man ang silid Walang papantay sa’yo Maging sino man sila Ikaw ang araw sa tag-ulan At sa maulap kong umaga Walang sagot sa tanong Kung bakit ka mahalaga Walang papantay sa’yo Nagpatuloy ako sa pagkanta habang nakangiti sa direksiyon ni Moore, after matapos yung song ay nilibot ko yung paningin ko sa mga customer sa bar. Natuwa ako ng magpalakpakan silang lahat, nilingon ko sina Emman na grabe kong makapalakpak, sumisipolpa siya. Pambihira! Umakyat ng stage yung tatlo at muling naging emcee si Emman, tumingin ulit ako sa pwesto ni Moore at agad nawala yung ngiti ko ng hindi ko siya makita doon. Nilibot ko yung paningin ko sa buomg bar pero hindi ko siya makita. ‘Baka nagbanyo lang’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD