“Duke is someone who lacks manner, it’s true that money can’t buy you human decency” sagot ni Moore, halatang inis siya doon sa Duke.
“Diba money can’t buy class yun?”
“Baby, matagal ng binago yun. Huli ka na sa balita” ang hilig po talaga niyang mag imbento.
“Pero ex mo nga po yung Duke?” curious na tanong ko, umakto siyang nasusuka.
“No! Never kong papatulan yung lalaking may self-built ipo ipo, don’t joke like that baby. Nakakainsulto, may taste naman ako” nagdududa ko siyang tiningnan.
“By the way, saan mo gusto pumunta after this.” Tanong ni Moore, honestly hindi ko din alam. First time ko din makipagdate kaya wala akong idea kung anong pwedeng gawin.
“Hindi ko alam eh, first time ko kasing makipag date kaya wala akong idea” honest na sagot ko, kita ko na napangiti siya.
“So, I’m your first time huh?” pilyang sabi niya, tumango ako. Totoo naman, sa lahat ng mga ginawa ko kasama siya, lahat ng yun first time. Simula sa kiss, yung pag intertwin ng kamay at yung nangyari sa amin pati na din itong date, lahat yun first time. Though wala naman akong pinagsisihan sa lahat. Ilang weeks ko pa lang kilala si Moore pero ang sarap niyang kasama, kahit medyo sumobra siya ng kaharutan ay masaya pa din siyang kasama.
May bigla akong naalala, gusto ko sanang magpapicture kasama siya. Remembrance kungbaga, para if ever na tapusin na niya kung anong meron sa amin may remembrance ako.
“Moore gusto mo ba magpapicture kasama ko?” alanganing tanong ko sa kaniya. Sana pumayag.
“That’s a great idea, baby. Sakto may photo booth dito sa mall.” Natuwa ako sa sagot niya.
After namin kumain ay hinila niya ako sa isang photo booth, sinara namin yung pinto after magbayad doon sa staff.
First time kong mag photo booth kaya siya na yung nag asikaso para makapagpapicture kami.
“Game, baby” umupo ito sa tabi ko at yumakap sa bewang ko, napatingin ako sa screen ng may number na lumitaw. Nagsmile ako sa camera to take our first photo, ganun din si Moore. Sa pangalawang shot ay bigla akong hinalikan ni Moore sa pisnge kaya hindi ko maiwasang tingnan siya. Napangiti ako sa kaharutan niya, bahagya itong natawa.
Agad na kinuha ni Moore yung photo card. Tiningnan ko yun, ang cute namin sa photo at mukhang masaya. Yung unang shot lang kami nakatingin sa camera, sa pangalawa ako lang yung nakatingin pero kitang kita yung gulat ko sa photo. Bigla bigla na lang kasi siyang nanghahalik, sa 3rd photo at last ay nakatingin kami sa isa’t isa habang nakangiti.
Dalawang photo card yung nilabas ng machine so tig isa kami ni Moore. Tinago ko yung photo card sa bag ko, balak kong ipascan tapos gawing wallpaper ng cellphone ko.
After sa photo booth ay hinila ako ni Moore sa isang clothing store.
“Baby, anong gusto mong clothes? Pili ka lang, my treat.” Umiling ako, ayokong tumanggap ng mga material na bagay sa kaniya. Ayokong magmukhang sumasama lang sa kaniya dahil may kailangan ako sa kaniya, para namang bayaran yun. I genuinely admire her, ayokong madumihan yun ng kahit na anong materialistic na bagay. I admire her kung paano siya ka unbothered sa ibang tao, hindi siya nahihiyang iexpress yung sarili niya with kaharutan. Ginoogle ko nga siya eh, she’s billionaire pero hindi halata kasi napakadown to earth at mabait kahit medyo maarte. Hindi ko nga alam before na pwede pala yung down to earth at maarte sa iisang tao.
“Ayoko, tsaka meron naman mga damit. Hindi mo naman ako kailangang bilhan” sincere na sabi ko, natigilan siya at ngumiti.
“Baby, gift ko toh sayo. Sige na, choose everything you want. Minsan lang ako manlibre” umiling ulit ako. Kinukulit pa din niya ako after kong tumanggi, nandoon yung kukuhasiya ng polo tas ipapasukat sa akin. Pero siyempre dahi ayoko ngang ilibre niya ako ay tumanggi ako. Kaya ayan tuloy nakasimangot na naman siya habang naglalakad kami sa mall.
“Moore, galit ka ba?” hindi niya ako inimik at magkasalubong yung kilay niya. Napabuntong hininga ako.
“Sige na pero ako yung pipili ng store at kung ano yung bibilhin” pagsuko ko dito, agad siyang ngumiti at niyakap ang braso ko. Alam ko inuuto na naman niya ako.
Naghanap ako ng store na hindi ganun ka sikat, at bumili ng isang scarf. Oo scarf lang talaga yung binili ko, mas mahal pa yung damit na tinda nila kaysa sa scarf. Kaya kahit nakasimangot pa din si Moore ay yung scarf lang talaga yung binili ko.
“Okay na toh, salamat sa libre mo” masayang sabi ko, hindi naman sa mismong scarf na libre ako nag thank you kungdi sa libreng time na binigay niya para idate ako. Na appreciate ko yun sobra, alam ko naman na kapag FUBU, impossibleng may date. Sa dami ng naging babae ng kuya ko kahit isa sa mga FUBU niya wala siyang dinate. Hindi naman ako ganun ka cluelesssa FUBU.
“Libre nga pero scarf lang binili mo” nagtatampo pa din siya, natawa ako.
“Remembrance sa date natin, okay na toh Moore. Importante naman masaya tayo”
“Speaking of masaya, mas magiging masaya ako if gagawin mo yung sinabi mo sa akin kanina sa sine” pilyang sabi niya, natigilan ako. Naalala pa pala niya yun.
“Sige” kamot ulong sabi ko, ayoko naman kasing magtampo uli siya.
Masaya ako nitong hinila palabas ng mall. Feeling ko mapapagod ako ngayong araw.
Nakangiti akong pumasok sa sasakyan ni Moore, it’s been 3 months sumila ng makilala ko siya. Sa loob ng 3 months na yun, hindi pa din nawala yung kaharutan neto at yung time niya na sunduin ako lagi sa university. Grabe din! Ako yung driver pero siya lagi yung sumusundo sa akin, hindi kona nga tinatanggap yung pasahod niya kaya ngayon may bago akong raket.
“Moore, may bago akong trabaho sa bar. Gusto mong sumama” excited na sabi ko, natigilan ito umarko ang gilid ng labi niya.
“New job? Macho dancer ba yan baby?” nawala yung ngiti ko, kita mo toh. Kung ano ano pumapasok sa isip.
“Hindi ah! Banda yun, ako yung pianists. Kasama ko sina Jenny, Tyler at Emman” maliban sa pagiging dakilang chismoso ni Emman ay magaling siyang singer. Kakagulat nga, nadiscover lang namin yun nung nagpamusical yung prof namin. Biruin mo mukhang professional that time si Emman, kakagulat.
“Ahhh, sayang” pinaningkitan ko siya ng mata.
“Hahahaha” natawa ito ng makita ang tingin ko. Ang ayos ayos ko kausap eh tas tatawanan lang ako.
“Bahala ka nga diyan, iinvite sana kita”
“Joke lang, ikaw naman masyadong seryoso. Pupunta ako baby” napangiti ako, balak ko siyang kantahan bilang regalo. Hanggang ngayon kasi ay wala pa akong nabibigay dito samantalang siya kung ano anong bagay yung binigay sa akin. Nung nakaraan nga ay pinabalik ko yung ref na binigay niya. Oo, ref! Mas malaki pa yung ref kaysa sa space ng kwarto ko. Hindi kaya kasya yun.
Sa loob ng tatlong buwan ay halos doon na ako sa bahay niya matulog. Paano ay lagi akong hinaharot kaya laging may nangyayari sa amin. Expected ko naman yun kasi FUBU, medyo na aattach na nga ako sa kaniya na hindi dapat mangyari.
Sabi ni Tyler hanggang 3 months lang daw yung FUBU dahil ma aattach yung dalawang taong mag FUBU if lumagpas doon. Pero sa amin dalawa ni Moore, parang ako lang yung na aattach. Ganun pa din kasi siya nung una kaming nagmeet, maharot at clingy. Pero yung pagkaclingy niya flirty hindi clingy na naattached.
Mahina akong napabuntong hininga.
“Any problem, baby?” nakangiting sabi niya habang sinilip ako sa gilid ng mata niya. Umiling ako habang nakangiti.
“Wala, punta ka mamayang 7 wait kita doon.”
“Sure, kantahan mo ako ha or pwede naman ako ang kakanta” agad kong hinarang yung bag ko sa lap ko dahil nagawi ang tingin niya dun. Hinaharot na naman po niya ako. Rinig ko ang mahinang pagtawa ni Moore.
After niya akong ipark yung sasakyan sa tapat ng dorm ko ay mabilis akong humalik sa pisnge niya sabay labas ng sasakyan. Kumaway pa ako sa kaniya at mabilis na pumasok sa loob ng dorm.
Excited na akong kantahan siya, ilang araw din akong nagpractice. Sana magustuhan niya.