Nakailang kuha na ako ng picture mula sa itaas ng bundok. Madilim na ang paligid at tanging ilaw mula sa flashlight na dala ko at ilaw mula sa buwan ang nagsisilbing liwanag sa lugar. Swerte at hindi maulan ngayon, maraming bituin sa kalangitan kaya perfect sa picture.
“Kakain na, kanina ka pa kumukuha ng picture” nilingon ko si Jenny at ngumiti sa kaniya.
“Remembrance” maikling sabi ko sabay tutok ko ng camera sa kaniya, nag smile si Jenny sabay abot ng kamay niya sa akin. Hinawakan ko yun sabay picture sa kaniya.
Click!
Binitawan ko yung kamay ni Jenny sabay kuha ng film, hinintay ko yun matuyo.
“Maganda pagkakakuha mo” nilingon ko si Jenny na nasa tabi ko na pala habang nakatingin siya hawak kong picture niya.
“Sus! Kamo maganda ka kaya maganda yung pagkakakuha” biro ko dito sabay tawa ng mahina. Naiiling na natatawa si Jenny.
“Ako naman, I’ll take a photo of you” nice idea. Inabot ko kay Jenny yung camera at nag isip ng pose.
“Anong pose maganda?” imbes na sagutin ako ay inabot ni Jenny ang kamay niya sa akin. Good idea ulit.
Inabot ko yung kamay ni Jenny sabay ngiti sa camera, inayos ko yung ngiti ko para hindi naman masyadong sisingkit yung mata ko.
Click!
Mabilis kong binitawan yung kamay niya at lapit sa kaniya para makita yung photo. Hinintay naming matuyo yung film.
“Nice! Ang ganda ng pagkakakuha” papuri ko, hindi ako mukhang bata sa picture na madalas na mangyari dahil sa singkit kong mata kapag ngumingiti.
“Sus! Kamo gwapo ka kaya maganda ang pagkakakuha” agad kong nilingon si Jenny na nagpipigil ng tawa.
“Ikaw ah!” tinuro ko siya habang natatawa, gaya gaya siya.
“Hunter” natigil yung tawa ko pero nakangiti ko pa din siyang tiningnan. Para alam niya na nakikinig ako.
“The Moon is beautiful, isn’t it?” natigilan ako sabay tingin sa buwan.
“Right. Maganda nga, swerte natin hindi makulimlim” tumatangong tangong sabi ko kay Jenny, nilingon ko ulit siya.
“Naka ilang picture na din ako sa buwan, gusto mo ba makita?” alok ko kay Jenny sabay kuha ko ng mga film sa bulsa ng hoodie ko.
Umiling si Jenny habang natatawa.
“Hindi ko alam if maiinis ako dahil inosente ka or matutuwa ako” natigilan ako at nag isip. Anong ibig niyang sabihin doon?
“Let’s go, hinihintay na nila tayo” naunang naglakad si Jenny, tiningnan ko po yung buwan bago sumunod sa kaniya.
After naming kumain ay hinanda ko na yung tulugan naming ni Jenny, sabi niya may dala siyang kumot na pwedeng pang sapin para hindi masyadong matigas yung hihigaan naming. Kung dati Doraemon siya ngayon si Dora na.
Tinupi ko yung kumot ng ilang beses sabay sapin nun sa likod naming. May dala din siyang maliit na unan, pareho kami na may dalang unan. Walang flashlight sa loob ng tent namin kasi yung flashlight ko nasa labas para naiilawan yung dalawang tent.
Pumasok si Jenny na nakasuot ng pangtulog. Tinapik ko yung unan niya.
“Tulog na tayo, inaantok na ako” humikab ako dahil talagang inaantok na din talaga ako. Nakakapagod din kayang umakyat ng bundok. Nauna akong humiga habang si Jenny ay may kung anong hinahanap sa bag niya.
“Hunter” dinilat ko ang mata ko pero napapikit din dahil sa flash ng cellphone niya.
“Okay. Good night” sabay higa patalikod ni Jenny sa akin. Kumurap kurap ako. Luh! Stolen pic!
“Huy, Jenny. Burahin mo yan, ang panget ko sa picture” kinalabit ko ang balikat ni Jenny pero nagtulug tulugan lang siya.
“Huy! Yung picture, delete mo” biglang humarap si Jenny sa akin sabay dilat ng mata niya.
“Remembrance” napahawak ako sa tungki ng ilong ko dahil agad din siyang pumikit after magsabi ng 1 word. Psh! Pag talagang pinost niya yan, FO na kami.
Tinitigan ko si Jenny, mukhang matutulog na talaga siya. Pumikit ako para makatulog na din, maaga pa kami bababa ng bundok bukas.
“Hunter! Jenny! Gising” inaantok pa ako. Dumapa ako at pilit na hindi pinakinggan ang ingay.
“Hoy! Gising na, malapit na mag sun rise. Perfect for picture” pupungas pungas akong bumangon, inaantok pa talaga ako pero mas gusto kong makita yung view kaysa matulog. Nilingon ko si Jenny na nagliligpit na ng higaan.
Nag ayos ako ng pinaghigaan ko sabay labas sa tent.
May kadiliman pa pero malapit na mag sun rise. Naglagay na din ako ng bagong film sa camera ko.
“Picture tayo bilis!” At dahil wala namang timer sa camera ko ay bahagya akong lumayo sa tatlo at tinapat yung camera sa aming apat.
“1, 2, 3, smile” ngumiti ako sabay peace sign sa camera. Hinintay kong matuyo yung film at binigay sa apat para makita nila yung picture. Napupuno na yung album ko ng mga film dahil sa lagi kaming nagpipicture magkakaibigan. Hindi naman ako nagrereklamo pero ang mahal kasi ng film ng camera tapos ang bilis maubos. Halos kalahati ng sinasahod ko napupunta sa pagbili ng film.
Dumating ang sunset at nagpicture ulit kaming apat, after nun ay napagdesisyonan naming bumaba na ng bundok. Hindi naman namin gustong abutin ng tanghali dahil mainit kapag ganun. After namin dumaan sa isang fast food para kumain ay isa-isa na kaming hinatid ni Tyler pauwi.
Nakaupo ako sa kama habang pinipicturean yung mga film sa cellphone ko. Pinost ko yun sabay tag sa tatlo.
Sinend ko din yung picture sa gc namin after. Hindi sila online kaya nahiga ako at balak matulog ulit.
Ding!
Kumunot ang noo ko pagkacheck sa notification.
“MIA Khalif reacted to your photo” siya na naman? Chineck ko yung mga reaction niya at kita ko ang mga heart react niya pero may angry react din siya. Sino ba toh? Wala naman akong naalalang friends na MIA Khalif ang pangalan. Dapat talaga ay hindi ako basta basta nag aaccept ng mga friend request. Bad idea talaga, biglang mag rereact ng angry na parang may ginawa kaming masama. Psh!
Nagmute ako sabay pikit, matutulog na lang ulit ako kaysa isipin kung sino yung MIA na yun.
After namin magperform sa bar ay bumalik kami sa table namin. Hindi din tuloy tuloy yung pagkanta namin at salitan kami ng performance ng DJ. Oo DJ, dati naman ay walang DJ sa Moonlight Bar. May mga music na pang party na tumutugtog sa mga speaker pero walang DJ. More on formal yung bar at hindi masyadong maraming customer dahil mahigpit din sila dito.
Madalas sa mga costumer na pumupunta dito yung mga gustong magrelax at magparty na mafefeel nila na kahit matulog sila sa bar, safe sila. Ngayon ganun pa din naman pero more on mas lively yung bar kaysa dati na focus sila sa drinks.
“By the way, bukas na yung birthday ni Jenny. Ano balak?” nilingon ko si Jenny pero wala siya sa table. Hindi ko ata siya napansin na umalis.
“Jenny wants simple birthday party katulad last year. Friends and family lang” sabi ni Tyler.
“Sounds boring, dapat may pasurprise tayo.”
“Diba ayaw niya ng ganun. Last year nagsurpise party tayo sa kaniya pero sabi ‘Please make it simple and no surprises.”
“Please make it simple and no surprises” sabay na sabi ng dalawa. Magkaklase nung senior high silang tatlo tapos naging magkaibigan kaming apat pagkacollege, kaya naman ngayon ko lang nalaman na ayaw niya ng surprise party.
Hinawakan ni Emman ang baba niya habang nakatingin sa akin. Tiningnan ko siya ng nagtataka.
“I have an idea” may masama akong pakiramdam sa idea ni Emman.
“Bakit hindi na lang yayain ni Hunter sa isang date si Jenny while we prepare her birthday sa bahay niya” kumunot ang noo ko.
“Diba sabi mo ayaw niya ng surprise?”
“Oo nga, pero kahit ganun mas maganda na kami yung magdedesign sa bahay niya para sa birthday party ni Jenny and you” sabay turo sa akin ni Emman. “will distract her by dating her sa isang restaurant. Kaming bahala ni Tyler sa reservation”
“Huh? Pero—”
“Shhhh” senyas ni Emman, napalingon ako kay Jenny na umupo sa tabi ko.
“Aray!” masama kong tiningnan si Emman, sinipa ba naman ako. Sumenyas siya gamit ang mata niya.
“Okay ka lang? What happened?” nilingon ko si Jenny sabay sabi ng totoo.
“Sinipa ako ni Emman, ang likot ng paa niya naninipa” nilingon ni Jenny si Emman.
“Aray! Hoy! Grabe.” Tumingin sa akin si Jenny.
“Ayan ginanti na kita” natawa ako sa sinabi niya. Ayos kapag nang asar si Emman sasabihin ko kay Jenny para may kakampi ako tapos si Tyler automatic na yan na aasarin din si Emman.
“Ah Jenny” naalala ko yung sinabi ni Emman, deserve niyang bigyan ng magandang birthday party at sila Emman ang bahala doon habang ididistract ko siya.
“Hmmm” hinawakan ko yung tungki ng ilong ko.
“Gusto mo….” Paano ko ba sasabihin? Never pa akong nag ayang makipag date eh.
“Gusto kong?” kumurap kurap ako. Bahala na.
“Gusto mo bang idate ako?” Shoot! Mali ata yung tanong ko. Nilingon ko si Emman na napatampal ng noo at si Tyler na nailing. Oo na, mali talaga yung tanong ko. Mahinan natawa si Jenny. I screwed up.
“Mali ano kas—”
“Okay” natigilan ako.
“Ha?”
“Sabi ko okay” kumurap kurap ako.
“Okay, gusto kitang idate” nag smile si Jenny at mukha siyang masaya. Napangiti ako at tumango, hindi naman mali yung tanong ko.
“Sige. Idate mo ako”