The Soldier And I
Book 2
AiTenshi
June 11, 2018
Mahangin ang buong paligid, alam kong nanaginip lamang ako dahil natagpuan ko ang aking sarili na lumulutang sa alapaap patungo kung saan. Tumawid ako sa karagatan at nakarating sa isang isla, kakaiba ang anyo nito, kulay abo at napupuno ng kakaibang usok ang paligid.
Tila natuwa ako sa aking nakita kaya lumapit pa ako sa naturang isla, dito ko napag tanto na kaya pala kulay abo ang anyo nito sa malayo ay dahil ang lupang ito ay balot ng metal. Isang islang yari sa metal..
Lalapit pa sana ako upang suriin ang naturang lugar ngunit laking gulat ko noong biglang sumabog ang buong paligid at dito ay nag liparan ang lahat ng piraso ng mga metal, umiwas ako upang hindi matamaan. Tumakbo palayo ngunit sa kabila ng aking bilis ay natamaan pa rin ako ng matulis na bagay at tumagos ito sa aking dibdib..
Unti unti akong bumagsak sa tubig, ramdam na ramdam ko ang sakit at kirot dulot ng pag tuhog ng bakal sa aking katawan. Kasabay nito ang pag balikwas ko ng bangon sa aking higaan.
Chapter 3: SF Unit
REPORTER: Ngayon ay nagaganap ang espesyal na araw kung saan sasalubungin ng ating pinaka mamahal na pangulo ang mga miyembro ng ating mga bayani o ang mga Special Force na nang galing pa sa bansang Cambodia.
Ano nga ba ang pag kakaiba ng SF unit sa mga sundalo? Ang SF unit ay isang organisasyon na binubuo ng 10 hanggang 13 miyembro. Ang bawat kasapi ng SF unit ay may kakaibang talento o espesyal na kakayahan na angat sa isang ordinaryong sundalo o pulis. Sila dumaraan sa masusing pag sasanay mapa mental man o pisikal. Ang kanilang mga lakas ay extraordinaryo at hindi basta basta naitutumba ng kahit na sino. Sila ay nabibilang sa mga "Elite" na mandirigma, sila ay may kakayahan ipag tanggol at wakasan ang terorismo sa loob at labas ng bansa.
At ngayon mga kaibigan, nasasaksihan natin ang pag lapag ng eroplanong lulan ang mga miyembro ng elite forces. Nasasaksihan rin natin ang pag hahanda sa buong ground ng mga opisyal ng ating bansa at kabilang na nga rito ang Pop Star Princess na si Sarah Geronimo upang mag alay ng isang makabuluhang awitin para sa SF unit.
Music Playing
Magkaisa
Sarah Geronimo
Ngayon ganap ang hirap sa mundo
Unawa ang kailangan ng tao
Ang pagmamahal sa kapwa'y ilaan
Isa lang ang ugat na ating pinagmulan
Tayong lahat ay magkakalahi
Sa unos at agos ay huwag padadala
Panahon na (may pag-asa kang matatanaw)
Ng pagkakaisa (bagong umaga, bagong araw)
Kahit ito (sa atin Siya'y nagmamahal)
Ay hirap at dusa
Magkaisa (may pag-asa kang matatanaw)
At magsama (bagong umaga, bagong araw)
Kapit-kamay (sa atin Siya'y nagmamahal)
Sa bagong pag-asa
Ngayon may pag-asang natatanaw
May bagong araw, bagong umaga
Pagmamahal ng Diyos, isipin mo tuwina
Panahon na (may pag-asa kang matatanaw)
Ng pagkakaisa (bagong umaga, bagong araw)
Kahit ito (sa atin Siya'y nagmamahal)
Ay hirap at dusa
Magkaisa (may pag-asa kang matatanaw)
At magsama (bagong umaga, bagong araw)
Kapit-kamay (sa atin Siya'y nagmamahal)
Sa bagong pag-asa
Abangan natin ang mga susunod na kaganapan maya maya lamang. Tumutok lang po kayo sa SF Unit Special Coverage. Ako po si Daisy Mae Lawit.
end of report.
"Kayong dalawa ba ay walang balak na mag tungo doon upang salubungin ang Special Forces? Lalo kana Adel, mga kaibigan mo pa naman sila." ang wika ni mama
"Nandoon naman si Papa e, saka isa pa ay walang mag babantay dito kay Angelo, naka duty si Bryan." ang tugon ko habang nanonood ng tv.
"Sana ay iniwan mo muna sa akin, kayang kaya ko namang alagaan ang aking apo." ang tugon ni mama sabay kuha sa bata.
Nag patuloy ako sa panonood ng TV, dito ay nakita ko na nga si Ed na sinasalubong ang kanilang mga kasamahan. Unang bumaba si Francis, sinundan ito nina Derrick, Manong Henz at ng iba pa. Mukhang anim na nga lang silang natitirang miyembro ng special Unit.
Matapos salubungin at sabitan ng bulaklak ang mga miyembro SF unit ay nag simula namang bumaba ang mga sundalo na kanilang kasama mula sa loob ng eroplano.
Tuloy pa rin ang musika at pag bibigay pugay sa kanilang pag dating. Sinalubong rin ni papa ang mga ito at kinamayan. Lahat sila ay nag harap harap at saka tumayo ng matuwid, sumaludo sa bawat isa bilang pag bibigay respeto.
Masaya ang lahat..
Habang nasa ganoong posisyon ang lahat ay bigla na lamang umusok ang eroplano sa kanilang likuran at walang ano ano ay sumabog ito!
Binalot ng makapal na usok ang buong ground at kasabay nito ang pag kakagulo ng mga tao sa buong paligid. Halos ang ilan sa kanila ay nag kandarapa sa pag takbo upang maka alis at makaligtas. Ang pag sabog na iyon ay sinundan pa ng ilang mag kakasunod na putok dahilan para mas lalong balutin ng takot ang lahat. Ibayong pag aalala naman ang aking naramdaman para kay papa, Ed at sa iba pa.
REPORTER: Isang trahedya nanaman mga kaibigan ang naganap dito sa International Airport ng bansa kung saan pinasabog umano ang eroplanong sinasakyang SF unit. Anim na sundalo ang naiulat na nasawi, 35 ang sugatan kabilang na rito sina Commander Dela Rosa, Henz, Francis ng SF Unit at ibang miyembro ng Elite.
Samantalang milagrong naka ligtas naman ang ating mahal na pangulo at ang Popstar Princess na dinumog ng fans para mag pa picture at mag pa autograph habang nag kakagulo sa naturang airport.
Sa ngayon ay hindi pa maayos ang kalagay dito sa naturang lugar ng pinangyarihan. Dahil dito ay mas lalo pang nabahala ang buong bansa dahil sa lumalang problema sa terorismo. Sino ang dapat sisihin? Kulang nga ba ang seguridad ng bansa o sadyang matinik lamang ang mga kalaban sa dilim? Ako po si Daisy Mae Lawit ang inyong super fresh na taga pag balita. Magandang araw.
End of report
"Kamusta si papa? Kamusta ang iba pa?" ang tanong ko noong makarating ako sa ospital. Dito ay naabutan ko si Ed na umiiyak habang naka nga nga.
Tumingin siya sa akin kaya naman isinara ko ang kanyang bibig. "Ano na? Kamusta si papa?" ang tanong ko.
"Mabuti nalang sinara mo frend. Nag hikab kasi ako tapos bigla akong nag lack jaw. Maayos naman si Tito nag tamo lamang siya ng kaunting gasgas dulot ng mga nag liparang parte ng eroplano katulad ng elesi, gulong at pakpak nito."
"Sina manong Henz? Sila Francis? Kamusta sila?" ang tanong ko
"Si manong Henz ay napinsala ang binti. Si Papa Franz naman ay gwapo pa rin, mas lalong lumaki ang katawan, ang dibdib ay putok na putok at ang bango bango pa rin niya. Walang kataba taba ang tiyan at malago pa rin buhok sa kili kili. Ang sarap yakapin at halikan." ang malanding sagot nito.
Napailing nalang ako "Eh ikaw kamusta ka naman?" ang tanong ko kay Ed
"Okay naman frend. Kaso parang may kumikirot sa likot ko. Ewan ko ba." ang wika niya habang inaabot ang kanyang likuran.
"Patingin nga, baka nag pasa o pilay." ang wika ko sabay sulyap sa kanyang likuran. "Kaya naman pala sumasakit ang likod mo ay dahil may kutsilyong naka saksak dito. Maliit lang naman, kaya hindi delikado."
"All this time? Kanina pa ko dito sa ospital wala man lang pumansin ng kutsilyong naka saksak sa likod ko. Anong klaseng mga nurse sila!" ang galit na wika nito
"Puro kalandian ka kasi, halika ako na ang mag aalis." ang tugon ko sabay hugot ng patalim sa kanyang likuran. "Siguro ay gamit ito doon sa kusina ng eroplano, lumipad at tumusok sa likuran mo."
"Sa akin talaga? Daan daan ang tao doon sa airport bakit ako pa?" pag mamaktol nito.
Nag kakataon talaga iyon, isipin mo nalang na sa bilyong taong nanirahan sa mundo ay isa lamang ang tinamaan ng kidlat at ikaw iyon. Halika na doon sa clinic para magamot ang likod mo."
Maayos naman ang kalagayan ng lahat noong bisitahin ko sila sa kanya kanyang silid. Si papa ay tinamaan lamang sa ulo at nag tamo ito gasgas. Ang ibang member ng SF unit ay galos lamang rin ang tinamo maliban kay Manong Henz na nag injury ang binti dahil sa ginawang pag ligtas sa mga sibilyan at empleyado sa loob ng airport.
Gusto kong mag kita kita kami ng aking mga dating kasamahan ngunit hindi ko naman pinangarap na makita sila sa ganitong kalagayan.
"Recruitment, iyan ang dahilan kung bakit nandito kami. Hindi na sapat ang pwersa ng SF unit para makalaban. Kaya balak naming mag masagawa ng malawakang training para mga sundalo rito sa inyong bansa upang masala sila ayon sa kanilang kakayahan. Ang maka kitaan ng mahusay na talento ay mag kakaroon ng tiyansang mapasok sa elite." ang wika ni Francis
"Kung gayon ay dapat simulan na natin ang pag sasanay sa mga sundalo sa lalo't madaling panahon." ang wika ni papa.
"Ikaw Adel, siguro ka ba sa desisyon mong tumalikod sa SF unit? Ang isang mahusay na sniper na katulad mo ay isang malaking sayang." ang wika ni Francis
Natawa ako "dalawang taon na akong nakapahinga, marahil ay kinalawang na ang aking kakayahan. Isa pa ay desisyon namin ni Bryan ang lumagay sa tahimik."
"Ayan! Isa pa iyang si Bryan Turalba. Top Soldier sa Cambodia at paboritong sundalo ni Commander. Isang malaking sayang rin iyan eh!" ang wika ni Ed
Napatingin sa akin si papa at napa buntong hininga. Ako naman ay natahimik at napayuko. Mukhang ramdam kong nais nila kaming pabilikin sa serbisyo. Ngunit hindi na maalis sa akin ang takot. Lalo minsan nang nanganib ang buhay ni Bryan. Hanggang ngayon ay naalala ko pa rin kung paano ako nakipag sapalaran sa ibang lugar upang hanapin siya at maibalik sa akin. Halos sariwa pa rin sa aking alala noong makita ko siyang nakatayo sa aking harapan at walang ala-ala.
FLASH BACK
"Akyat na.. magulo sa lugar na ito." ang wika ko kay Bryan noong makita ko itong nakatayo sa aking harapan.
"Pero paano ka? Delikado rito." ang wika nito na may halong pag alala.
"Huwag kang mag alala dahil ayos lang ako." ang wika ko sabay ngiti. "Ingatan mo sarili mo at mahalin mo ang iyong magiging anak. Masaya ako para sa iyo."
"Napaka buting tao mo.. Napaka swerte ko pala noon dahil nandyan ka." ang wika nito habang nakatingin sa aking mga mata.
Tumayo ako ng matuwid at sumaludo sa kanya. Buong lakas kong sinabi ang mga katagang "AKO SI SERGEANT ALANDEL DELA ROSA, NAG MULA AKO SA BANSANG CAMBODIA AT NAPARITO PARA SA ISANG MAHALAGANG MISYON. Mag ingat ka Bryan.." ang wika ko habang namumuo ang luha sa aking mga mata. Ganito ang eksena noong unang beses na nag kita kami, halos isigaw niya ang kanyang pangalan sa aking harapan kaya't ngayon ay ganoon din ang ginawa ko. Ang kaibahan nga lang ay ang sakin ay huling beses na..
Mabilis na umakyat si Bryan sa truck at kasabay nito ang pag tuluyang pag tulo ng luha sa aking mga mata. "Ingatan mo ang sarili mo Bryan.. Sana ay mag kita pa tayong muli." ang bulong ko sa aking sarili habang kumakaway.
End of flash back (Scene from Soldier and I Book 1)
Angelo ang pangalan niya noon at dito namin ipinangalan ang kanyang anak. At ngayong tahimik na ang aming buhay ay tila ba napaka hirap na pumasok ulit sa isang sitwasyon na walang kasiguraduhan.
Itutuloy..