Chapter 2: Munting Tahanan

2228 Words
The Soldier & I Book 2 AiTenshi June 11, 2018   Chapter 2: Munting Tahanan   "So hanggang kailan ka dito? Ang akala ko ay gusto mo nalang mag tayo ng  parlor at mag kulot mag hapon?" ang tanong ko kay Ed habang kumakain kami ng pananghalian.   "Ang sabi sa akin ay mag tutungo ang Special Force dito para imeet ang ating mga sundalo. Para makipag join forces. Alam mo na, mas marami mas masaya. Yeah You know, and all that." maarte niyang tugon   "Pupunta si Francis dito? Kamusta naman ang top 13 Special Forces?" ang tanong ko   "Hello, top 7 nalang kami. Diba nga resign kana? Tapos yung iba ay namatay doon sa pag laban namin sa zombie outbreak, actually hindi naman zombie outbreak iyon parang kumalat lang na germs tapos naloka loka sila hanggang sa mag kagulo. At dahil nga na tsugi yung ibang member ay pupunta sila para imeet ang ating mga soldier at kumuha ng kapalit nila." ang paliwanag niya   "Bakit ba kasi hindi ka pa nag resign? Bakit ayaw mong ilagay sa tahimik ang buhay mo?" seryoso kong tanong   Naging seryoso rin ang kanyang mukha at napatigtig sa akin "bakit? Dahil sa pag ibig na patuloy kong hinahabol kahit alam kong nag kaka sugat sugat na ang paa ko sa pag takbo patungo sa kanya. Nang dahil sa pag ibig natutong mag tiis, nang dahil sa pag ibig naging sunod sunuran ako, nang dahil sa pag ibig umiiyak ngayon ang puso ko." ang sagot niya dahilan para mapa kunot ako ng noo "Kanta iyan e. Ayusin mo na kasi." pag mamaktol ko   "Totoo naman, habol ako ng habol kay Francis Smith noh, ininvite niya ako sa Cambodia, akala ko ay mag papakasal na kami doon! Pero hindi pala! Sa halip na marriage contract namin ang pinirmahan ko, ay SF unit contract pala iyon kaya heto extended ako ng dalawang taon paaa!" ang pag mamaktol dito.   "Ang sabi mo sa akin ay mag jowa na kayo? Diba tinawagan mo ako dati, ang sabi mo ay kaka s*x nyo lang?" ang tanong ko   Bumakas nanaman ang lungkot sa mukha ni Ed dahilan para mapa kunot nanaman ako ng noo. "Ang lahat ng iyon ay imbento ko lang, gusto ko lang maging proud ka sa akin dahil nag ka love life ako, naka bingwit ako ng machong papa. Nakaka lungkot talaga frend. Sana ay hindi mo na inungkat ang mga bagay na iyan. Lalo lang ako nasasad. Nasasad na talaga ako. Sad na sad." ang wika nito na mala Kris Aquino.   Habang nasa ganoong pag uusap kami ni Ed ay biglang may tumamang damit sa aking mukha kaya agad ko itong kinuha. Isa pala itong brief at mukhang marumi pa. "Hoy, bilisan mong kumain diyan. Mag lalaba pa tayo. Yung mga gamit ng anak mo ay naka kalat pa doon sa labas." ang wika ni Bryan habang hawak ang isang malaking lalagyan ng mga labahin.   "Bakit sakin mo binabalibag ang brief mo?! Salahula kaaa!" ang galit kong sigaw   "Ay brief niya iyan, patingin nga mabango ba." ang wika ni Ed sabay agaw sa akin   "Loko! Wag ka nga!" ang sagot ko naman habang itinatago ang mabuting brief ni Bryan.   "Ang damot mo talaga frend." pag mamaktol nito   "Kaya kita pinapunta dito ay para alagaan muna yung inaanak mo. Day off ng mga katulong ngayon kaya't kami muna ni Bryan ang bahala sa gawaing bahay. Sige na, wag kana matakot." ang wika ko naman.   "Eh kasi frend iba yung anak nyo e. Alam mo iyon, puro laruang baril at pampasabog ang laruan. Ang saklap ay ginagawa niyang target ang beauty ko."   "Hayaan mo na, wala ka namang beauty." ang wika ko sabay tulak sa kanya sa silid silid ng aking anak.   "Hello baby Angelo, namiss mo ba si Ninong Ed?" ang bungad ko.   "Opo. Yey may kalaro na ako!" ang masayang wika ng bata sabay labas ng kanyang laruang armalite.   "Eh friend diba mag 3 years old pa lang iyang anak ni Bryan. Eh bakit armalite na agad ang laruan niya?" pag tataka ni Ed   "Ano ka ba, laruan lang naman iyan. Ang balang lumalabas diyan ay peke lang din." ang wika ko naman   Umiikot ang mata ni Ed "Eh frend. Bakit ganyan yung kwarto ng anak niyo, bakit parang gubat ang style tapos ang daming naka sabit na baril sa ding ding? Dahil ba sa Syria siya pinanganak kaya puro gera na ang nasa utak niya? O talagang manang mana siya sa tatay niya abnormal?" ang tanong ulit niya   "Ano ka ba, syempre puro sundalo tayo dito. I mean kayo pala. Iniidolo kayo ng bata. Lalo na ikaw. Oh mag laro na kayo." ang wika ko naman sabay tulak sa kanya   "Eh frend, sabihin mo naman sa anak mo huwag na niya akong idolohin. Iba nalang please." ang natatakot na wika nito.   "Ano ka ba, baka umiyak iyan. Laro na kayo ha. Tutulungan ko lang si Bryan doon sa kusina." ang naka ngiti kong sagot sabay sarado sa pinto.   "Frend wag, wag mo isara ang pinto. Waaggg!" ang sigaw ni Ed   "Wagggg!!"   BRATATATTATATATTTT..   KABLAG!!!   BRATATATATATATATTTT...   BLAAAGGG!!!   "Ano yun?" ang tanong Bryan habang nag lalaba kami.   "Ah si Ed yun, baka nag kakasiyahan sila dalawa ni Angelo doon sa silid." ang wika ko naman.   Natawa si Bryan. "Eh tayo kelan mag kakasiyahan? Ilang araw na akong nabuburo sayo ha. Pa scorin mo naman ako mamaya. Sabay tayo maligo." ang wika ni Bryan habang naka ngisi   KABLAGGG!!   "Waaaaggggg!!" sigaw ni Ed   "Ayos lang ba si Ed doon?" tanong niya   "Oo naman, baka nag hahabulan lang sila." ang tugon ko sabay lingkis ng aking kamay sa kanyang bewang.   "Lambing mo yata ngayon. Miss mo na ko?" ang tanong niya sabay halik sa akin.   Tumango ako at niyakap siya ng mahigpit..   "Miss kana rin nito." naka ngisi niyang bulong at doon ay ibinukas niya ang kanyang short sabay pakita ng kanyang ari na naninigas.   "Loko." ang wika ko bagamat tila nag init nga ako sa aking nakita.   Habang nasa ganoong posisyon kami ay laking gulat namin noong may makitang taong papasok sa aming kinalalagyan. Sira sira ang damit nito, parang pinausukan sa tambucho ng sasakyan ang mukha, gulo gulo ang buhok at iika ika na animo zombie kung kumilos.   Agad ring kumilos si Bryan at kinuha ang isang kawali. Ako naman ay kinuha ko ang sandok bilang pamproteksyon.   "Frend, hindi ako kalaban. Ako ito si Ed, pwede na ba akong umuwi? Gusto ko nang makita si mommy." ang wika nito   Umiyak na si Ed. "Mo-mommyy!! Uuwi na akooo!"   "Ed, ikaw pala iyan. Ano bang nangyari sa iyo? Bakit ganyan ang itsura mo?" ang tanong ko   "Sabi ko naman sayo frend, terorista yung anak mo. Ang bata bata pa ay miyembro ang isis." ang umiiyak na wika nito.   "Papa, ayaw na makipag play sakin ni Ninong." ang wika ni Angelo noong makita kami nito, nakahaba ang nguso at may hawak na teddy bear.   "Ayan nanaman siya, gusto ko na bumalik sa Cambodia at makipag digmaan sa Syria. Ayoko na dito." ang iyak ni Ed   "Papa bakit umiiyak si Ninong?" tanong bata.   Kinarga ito ni Bryan at hinagkan..   "Hindi naman umiiyak si Ninong Ed. Masaya siya dahil nag play kayo. Diba Ed?" ang tanong ko naman.   "Oo happy ako." ang sagot ni Ed habang pinipilit ngumiti. "Hindi nyo naman sinabi sa akin na marami palang patibong doon sa kwarto ng batang iyan."   "Ah iyon ba, tinuruan ko kasi siyang gumawa ng mga patibong. Wala naman akong ideya na genius pala itong anak ko sa ganyang bagay." natatawang wika ni Bryan.   "Parehong abnormal." bulong ni Ed sa akin. Dito nga ay naalala ko kung paano ako nabiktima ng patibong ni Turalba noong bago palang kaming pag kakilala.   FLASH BACK Alas 2 ng madaling araw noong naisipan kong isigawa ang aking makasaysayang plano. Marahan akong bumangon sa aking higaan at agad na nag tungo sa katabing silid kung saan natutulog si Turalba. Kailangan kong malaman ang itinatagong baho ng sundalong itong. "Pwes kung bayani siya sa Combodia o kahit saan pa mang planeta. Sa akin ay hindi!!" sigaw ko sa aking sarili sabay pihit sa doorknob ng kanyang pintuan. Tahimik.. "click" ang mahinang tunog sa pag kakalis ng lock.. Buong ingat akong pumasok sa pinto ng biglang may tumamang bola ng basketball sa aking mukha. "Arekuppp.. shiit!! Na deform yata ang mukha ko." bulong ko sa aking sarili habang hinihimas ang aking ilong. Matalino talaga tong si Turalba dahil nag set up siya ng bitag dito sa pintuan. Ngunit kung inaakala niyang susuko ako ay nag kakamali siya. Ipinag patuloy ko pa rin ang aking mapangahas na gawain. Marahan akong gumapang patungo sa loob ng kanyang kama. Medyo madilim ang buong paligid bagamat kitang kita kong mahimbing na natutulog ang bayani ng taon na tila isang mantika. Maingat at walang kaluskos ang aking ginawang pag gapang patungo sa baul ng kanyang kagamitan ng biglang may umipit sa bagay sa aking kamay. "Putaaaa araayyyy!!!!" ang mangiyak ngiyak kong daing habang inaalis ang mouse trap na nakaipit sa aking daliri. "Hayupp ka Turalba!!" ang galit kong sigaw sa aking sarili. Tuloy lang ako sa aking ginagawang pag gapang ngunit tila yata naging mapait sa akin ang kapalaran dahil samut saring patibong ang nakalagay sa sahig ni Turalba. Nandyan yung nadikit ako sa super glue, naipit sa katakot takot na mouse trap at kung ano ano pa. Ngunit hindi ito naging dahilan ng aking pag suko. Buo ang aking determinasyon na patalsikin ang sundalong ito sa kanyang serbisyo kaya naman buong lakas kong binuksan ang baul ng kamayanan ni Turalba. "Lagot ka ngayon" ang bulong ko sa aking sarili habang humahanap ng bagay na ikasisira nito. Inisa isa ko ang mga gamit sa loob nito habang sa makita ko ang isang larawang naka ipit isang note book. Dalawang lalaki itong mag kahalikan at tiyak akong si Turalba ang isang iyon. Hala sabi na nga ba ay may tinatagong baho itong mokong na ito. "Paktay ka sa aking ngayon, tiyak na isang malaking kahihiyan kung malaman ni papa na beklush ang kanyang pinaka mamahal na sundalo." wika ko sa aking sarili sabay bulsa ng naturang larawan. Marahan kong isinara ang baul at agad akong gumapang palabas ng kanyang silid. Galak na galak ako sa aking ginawa bagamat pakiramdam ko ay bugbog sarado ang aking katawan dahil sa katakot takot na bitag na kanyang ipinain sa sahig at sa pintuan. Ngunit okay lang iyon, atleast ay sulit naman ang aking makasaysayang misyon. "Huwag kang mag alala Adel, malapit ka nang makawala sa sumpang dulot ng tadhana." bulong ko sa aking sarili habang patuloy na gumagapang palabas ng pintuan ng biglang may kung anong bagay ang nakaharang sa aking ginagapangan. "Ano naman to?" ang bulong ko sa aking sarili habang kinakapa ko ang bagay sa aking harapan. "Tuod ba to? Manikin?" ang dagdag ko pang tanong at patuloy kong hinihimas ito paitaas. "Uyy malambot, na medyo matigas." ang bulong ko pa at doon ay dinakot ko ang bagay na aking nakapa. Tahimik.. Patuloy ako sa aking ginagawa pag dakot hanggang sa biglang bumukas ang ilaw sa silid. Doon ay tila suspended animation ang eksena noong matagpuan ko si Turalba na nakatayo sa aking harapan. Wala itong damit maliban sa puting brief, iyon nga lang ay halos sumabog ako gulat noong makita ko ang aking kamay naka dakot sa kanyang pag kalalaki. "Dakot na dakot at tila bola ang baseball akong nakahawak dito." "s**t!!" sigaw ko sa aking sarili na tila hihimatayin sa labis na kahihiyan. "Ano bang ginawa mo dito sa loob ng kwarto ko?" nakapamewang na tanong nito sabay tingin sa kanyang pag kalalaki na dakot dakot ko pa rin. "Baka mabaog ako sa higpit ng pag kakadakot mo. Maaari mo na iyang binatawan kung iyong gugustuhin." kaswal niyang salita kaya naman agad akong bumitiw sa pag kakahawak sa kanya at nag isip ng dahilan kung bakit ako nandito. "Ahh eh hihiram sana ako ng libro sa history, yung lesson kanina. May quiz daw kasi bukas eh." wika ko habang pinag papawisan ng malamig. "Ganoon ba, sana ay kanina mo pa hiniram para naka pag review ka ng mas maaga." wika nito sabay kuha ng kanyang note book at inabot sa akin. (Scene from The Soldier And I Book 1 Part 3)   "Bakit natahimik ka? Siguro nag flash back ka hano? Flinash back mo kung paano ka nabiktima ng patibong ni Sarge noon." ang pag basag ni Ed   Natawa ako. "Hindi no. Ang mabuti pa ay mag luluto ako ng masarap na pag kain. Dito kana mag dinner. Pero bago iyon laruin mo muna si Angelo. Kawawa naman siya oh." ang wika ko at doon ay ipinakita ng bata kung gaano siya nalulungkot.   "Oo tama, mag laro kayo ni Angelo, mayroon akong mga pekeng bomba doon at mga malalaking armalite. Baril barilan kayo." ang natutuwang hirit ni Turalba.   Napaatras si Ed sa kanyang kinatatayuan. "Frend, maawa naman kayo sa akin. Mukha na akong nasabugan ng bulkang pinatubo. Kamukha ko na si Kirara. Tama naa." ang umiiyak na sagot nito.   Tawanan kami..   Halos ganito lagi ang eksena sa aming munting tahanan. Ang bawat sulok nito ay punong puno ng pag mamahalan. At ang bawat haligi naman ay pinupuno namin ng magagandang ala-ala. Matapos mag sundalo ay naging simple na lamang ang aming buhay. Si Bryan nag ttrabaho bilang isang security personel sa isang malaking kompanya. At ako naman ay bilang teller sa isang bangko.   Simple lamang ang aming mga buhay, ngunit malayo naman sa disgrasya. Bagamat may sapat kaming ipon ay kailangan pa rin naming kumayod para sa pag aaral ni Angelo sa mga susunod na taon. At saka ma pride din itong si Bryan dahil ayaw niyang humingi ng tulong kay papa o kay mama. Gusto raw niya ay siya ang bubuhay sa akin at sa aming anak. Mga bagay na nag bibigay ng kilig at inspirasyon sa akin sa araw araw.   Itutuloy..      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD