Chapter 6: Hugis Bilog

2056 Words
The Soldier & I Book 2 AiTenshi June 21, 2018   At habang nasa ganoong pag mamadali kami ay isang malakas na pag sabog ring ang umalingawngaw sa parke kung saan naka tambay kanina.   Halos man laki ang aming mga mata dahil kung hindi kami nakalipat ng pwesto malamang ay abo na kami ngayon. Habang tumatagal ay palala ng palala ng sitwasyon dito sa siyudad at ang nakapag tataka ay walang ideya ang mga alagad ng batas kung saan nag mumula ang mga ito.   Panibagong hamon ba ito sa amin na dapat harapin o dapat takasan na lamang at mabuhay ng normal?   Chapter 6: Hugis Bilog   REPORTER: Isang malagim na pang yayari umano ang naganap sa lugar ng Camp Guron 51 kung saan mag kakasunod na pag sabog ang naganap kaninang alas 3 ng hapon. Tinatayang nasa 87 sundalo ang nasagutan, 8 ang kritikal at 3 ang nasawi. Kasama sa mga nasugatan ay sina Commander Dela Rosa at ang kanyang mga kasamahan sa opisina. Sa ngayon ay dinala sila sa Holy Angel Private Hospital upang suriin.   Samantalang mas lalo pang tumaas ang tensyon sa buong bansa matapos bumagsak ang seguridad sa mga pambulikong lugar. Kasabay ng pag papasabog sa kampo ay sumabog rin ang lumang parke sa bayan at gayon rin ang ilang gusali sa iba't ibang lugar dahilan upang balutin ng kakaibang takot ang mga publiko. Umpisa na nga ba ito ng pag bagsak ng ekonimiya ng Pilipinas o ito ba ay kaparusahan mula sa mga kalabang hindi pa nakikila?   At iyan ang mga nag babagang balita sa hapong ito. Ako po si Daisy Mae Lawit!   End of Report.   "Kamusta si Papa?" tanong ko sa mga kasamahan niyang sundalo noong maka pasok sa loob ng silid.   "Sir, nasa emergency room pa po si Commander. Matinding ang pinsalang natamo niya." sagot ng mga ito.   Isang malalim na buntong hininga ang aking napinakawalan, wala akong nagawa kundi ang maupo sa isang sulok at hintaying maging maayos ang lahat. Napako ang aking tingin sa sahig habang walang eksaktong direksyon ang iniisip. Hanggang ngayon ay nag titimbang pa rin ako ng sitwasyon, pakiwari ko ba na ang buhay ko ay parang isang malaking hugis bilog at tumatakbo ako sa loob nito, paikot ikot at paulit ulit lamang.   Hindi ko alam kung ilang sandali akong tumagal sa ganoong pag upo, hindi ko rin namalayan na ako ay nakatulog..   Tahimik ulit..   "Anak" ang boses ni mama habang kinakalabit ako. "Gising na ang papa mo." ang naka ngiting wika nito.   Agad akong tumayo at sumunod sa kanya patungo sa silid kung saan naroon sina Bryan, Ed at si Angelo. Naroon rin si Commander Palma na abala sa panonood ng telebisyon. "Kamusta ang lagay ni papa?" tanong ko   "Nag tamo siya ng mga sunog sa binti at braso dulot ng pag sabog. Ngayon paunti unti na siyang nakaka recover. Mabuti na lamang at hindi siya napurohan." wika ni Bryan.   Nilapitan ko si papa at tiningnan ang kanyang lagay. Tumingin siya sa akin at hinawakan ang aking braso dahilan para mas lalo ang balutin ng kakaibang lungkot.   "Walang magagawa ang isang ordinaryong sibilyan sa usaping ito. Dalawa lamang ang maaari ninyong gawin. Una ay tumunganga at maupo sa isang tabi habang pinapanood na maraming inosenteng masasaktan o Ikalawa ay bumalik kayo sa pag susundalo at tumulong na wakasan ang kaguluhang ito. Huwag niyo na hintayin na muli nanamang mapamahak ang mga mahal ninyo sa buhay. Hindi natin alam, baka maya maya ay ang ospital nang ito ang sumabog at lahat tayo ay maging abo." ang wika ni Commander Palma.   Napatingin ako kay papa at mama. "Kailan ang training upang maging SF unit?" ang tanong ko dahilan para mapatingin sa akin si Bryan.   "Sa isang linggo." sagot ng commander.   "Ako lamang ang pupunta. Si Bryan ay maiiwan." ang tugon ko sabay labas sa silid.   Lumakad ako patungo sa balkunahe ng ospital upang makalanghap ng sariwang hangin. Ang desisyon na iyon ay upang may magawa ako para kina papa at mama. Ayoko naman dumating sa punto na hindi ko man lang sila maipag tanggol dahil ako ay isang ordinaryong sibilyan lamang. Ang mga mata ni papa kanina ay nakiki usap, may lungkot na tila nawawalan ng pag asa. Hindi na ganoon ang kinang sa kanyang mata katulad ng dati na punong puno ng tapang at pag pupursige. Marahil ay talagang pangarap niyang maging isang alagad ako ng batas  at namatay ang apoy na iyon noong ako ay mag quit at manahimik sa loob ng halos dalawang taon.   Masaya kami ni Bryan noon kami ay nag sisimula pa lamang, halos nakalimutan na namin ang pag susundalo dahil na rin sa pag mamahal namin sa isa't isa. Sabay naming inikot ang buong mundo, nag tungo rin kami sa iba't ibang lugar dito sa bansa upang mag bakasyon at mag pakasaya. Solo namin ang daigdig, walang ibang maaaring pumasok dito kundi kami lamang dalawa. Umaapaw na pag mamahalan at kaligayahan, nakalimutan na namin ang ibang tao sa aming paligid. Nakalimutan ko si papa at ang kanyang pag nanais na maging katulad niya ako.   Tahimik ulit..   Ipinikit ko ang aking mata at huminga ng malalim habang umiihip ang malamig na hangin.   "Bakit gumawa ng desisyon sa sarili mo lang? At talaga iiwan mo pa ako?" ang galit na boses ni Bryan noon sumulpot ito sa aking likuran.   "Ayoko lang maulit yung dati, ayokong mapahamak ka ulit. Ako nalang ang pupunta sa training." ang tugon sabay layo sa kanya   Hinabol niya ako at hinablot ang aking braso. "Kalahati ng buhay ko ngayon ay inialay ko sa pag susundalo Adel. Mas marami akong karanasan sa iyo, ako ang pupunta. Maiwan ka dito" ang wika niya   Tumingin ako sa kanyang ng tuwid "hindi na mababago ang desisyon ko Bryan. Paki usap unawain mo nalang."   "So ikaw lang ang may karapatang mag desisyon para sa ating dalawa? Asawa mo ko, ako ang mas may otoridad sa relasyon na ito. Kapag nag tatalik tayong dalawa ay nasa ilalim ka at ako ang nasa ibabaw, nag papaubaya ka sa akin at nag papasakop. Huwag mo akong maliitin dahil sa nangyaring aksidente noon. Kung pupunta ka ay pupunta rin ako, tapos ang usap Adel. Huwag kang mag desisyon para sa akin dahil niyuyurakan mo ang pag kalalaki ko." ang seryosong salita ni Bryan sabay lakad palayo sa akin.   Wala akong nagawa kundi ang mapa buntong hininga nalang habang nakapako sa aking kinatatayuan. Madalang kami mag karoon ng hindi pag kakaunawaan ni Bryan, may saltik siya at paminsan minsan ay parang abnormal pero siya ang pinaka mabait na lalaking nakilala ko, maunawain, maasikaso, malambing at responsable. Mukhang ngayon lamang kami hindi mag kakasundo sa isang bagay.   "Oh bakit parang mainit ang ulo ni Bry?" tanong ni mama noong makita akong naka upo sa hallway ng ospital.   "Dahil sa desisyon ko ma, ayaw niya akong sang ayunan."   Natawa si mama. "Ayaw ka lamang niyang sumabak sa isang sitwasyon nang mag isa. Kung naalala mo, nag simula si Bryan bilang taga protekta mo noon, kinuha siya ng papa mo para alagaan at bantayan ka, siguraduhing ligtas sa lahat ng oras at pag kakataon. At hanggang ngayon ay iyon pa rin ang tungkulin niya bilang kabiyak mo. Kung ako man iyon ay talagang magagalit ako o maiinis. Dating sundalo si Bry, mahusay siyang alagad ng batas at ilang taon rin siyang nag silbi sa bansa. Huwag mong alisin sa kanya ang "tatak" bilang isang mandirigma." ang wika ni mama.   "Eh anong gagawin ko ma? Natatakot ako na baka maulit nanaman ang dati. Ayoko nang maramdaman ulit yung kaparehong sakit na naramdaman ko noong nawala siya."   "Sa tingin ko ay masyado ka lamang nilalamon at nag papadaig sa iyong takot. Kung dati ay nakaya mong sumuong sa pag subok upang hanapin si Bry, tiyak kong makakaya mo ulit ito ngayon. Lakasan mo lamang ang iyon loob at gawing positibo ang iyong pag iisip. Mag tiwala ka sa kakayahan ni Bryan at sa iyong kakayahan. Hindi mo kailangan matakot dahil hindi ka nag iisa."   Natahimik ako at panandaliang napatitig sa sahig. "Masyado ko lamang siyang mahal, sa punto na takot na akong mawalan ulit. Pero sa tingin ko ay ito nga ang tadhana para sa akin. Parang unti unti ko nang tinatanggap na ang kapalaran ay isang malaking hugis bilog, paikot ikot ka lamang hanggang sa dumating sa punto na wala ka nang sulok na maaaring kapitan. Tatakbo ka sa isang malaking bilog na iyon hanggang sa makasanayan mong lumaban at humarap sa pag subok ng hindi huminhito o nag tatago." ang tugon ko naman.   Natawa si mama at niyakap ako ng mahigpit. "Proud ako sa iyo, sa inyong dalawa ni Bryan. Masakit para sa akin na makita kayong isinusugal ang iyong buhay para sa kapakanan ng iba. Ngunit dito sa puso ko ay hindi nawawala ang apoy ng pag titiwala na ang lahat ng bagay na haharapin niyo ay madali ninyong malalagpasan. Malaki ang pananalig ko sa inyong kakayahan."   "Salamat ma." ang bulong ko habang nakayakap sa kanya.   Alas 6 ng hapon noong maka uwi ako sa bahay. Wala pa si Bryan kaya naman naisipan kong ipag luto siya ng masarap na hapunan bilang peace offering. Alam ko naman ang likaw ng bituka ng asawa ko, kaunting suyo lamang ay magiging maayos na pakiramdam nito.   Bukod rito ay inayos ko rin ang lamesa, nilagyan ko ito ng magandang mantel at kasangkapan. Ang simple hapunan ay naisipan kong gawing dinner date para makabawi sa kanya.   Alas 8 noong dumating ang sasakyan ni Bryan agad akong nag ayos ng aking sarili. Tumayo ako sa gilid ng lamesa kung saan nakahanda ang espesyal na hapunan na aming pag sasaluhan. Pag pasok palang niya mang hihingi na agad ako ng tawad dahil nangyari kanina, ganoon naman talaga sa relasyon kailangan ay may pag mag pakumbaba at walang pataasan ng pride.   Pag pasok ni Bryan sa sala agad siyang nag hubad ng jacket at isinabit ito sa pinto. Naupo siya sa sofa at nag alis ng sapatos. "Anong mayroon?" tanong niya na parang nag tatampo pa rin.   Lumapit ako at niyakap ito. "Sorry na. Bati na tayo." ang naka ngiti kong sagot.   Hindi siya kumibo bagkus ginawaran niya ako ng halik sa labi. At sabay kaming nag tungo sa lamesa para kumain. "Teka nasaan si Angelo?" tanong ko   "Nandun kay mama ayaw humiwalay." sagot niya sabay kuha ng pag kain. "Ano to peace offering?"   "Uu" ang nag papacute kong sagot.   Natawa siya at may dinukot sa kanyang bulsa. "Para sa iyo. Sorry at nasigawan kita kanina." ang wika niya sabay abot ng isang paper bag na pula sa aking kamay.   Excited akong binuksan ito. Isang kahon na may ribbon pa sa tutok. "Ano ito?"   Natawa siya at tumayo. Kinuha niya ang kahon at binuksan ito. "Bomba" ang wika niya dahilan para mapanguso ako na kunwari ay nag tatampo.   Mula sa kahon ay inilabas niya ang isang silver gold na kwintas na mayroong pendant na dogtag. Naka ukit dito ang pangalan naming dalawa at sa likod naman ay ang date kung kailangan ito inilagay. "Wow" ang namamangha kong tugon.   "Ingatan mo ito." ang wika niya at isinuot iyon sa aking leeg.   Ibayong saya ang aking naramdaman kaya naman isang matamis na halik muli ang aking iginawad sa kanyang labi.   Maya maya muli siya dumukot sa kanyang bulsa at iniabot sa akin ang isang sobreng may kakapalan. "Bayaran mo yung tubig, kuryente at ibang bill natin dito sa bahay. Kumuha lang ako ng pang gas at pang kain" wika niya.   Natawa ako at ibinalik ito sa kanya "Sa iyo na iyan. Bayad na kahapon pa. Yaman kaya natin." ang biro ko dahilan para matawa siya. "Ganoon talaga ang mga mister, ibinibigay ang sweldo nila sa mga misis nila." wika niya sabay yakap sa akin.   Tawanan..   Sabay naming pinag saluhan ang hapunan, at dito ay kapwa rin namin napag usapan ang tungkol sa aming mga desisyon sa pag kakataong ito ay mas mahinahon ang usapan, walang tensyon at punong puno ng suporta sa isa't isa.   "Huwag kana mag isip ng masama. Mainam na rin na nandoon ako, protektahan natin ang isa't isa. Nakaya mo nga ng wala ako diba? Ano pa kaya ngayon na kasama mo na ako." ang naka ngiting wika ni Bryan.   Ito ang desisyon naming dalawa, pareho kaming pupunta sa training ng SF unit at muling magiging bahagi nito. Nais naming ibalik ang kinang sa mga mata ni papa bilang pag papasalamat sa pag tanggap nila sa aming relasyon, at para patunayan na rin sa lahat na sa kabila ng kaliwat kanang salita na pinapasaring sa amin dahil pareho kaming lalaki na nag sama sa isang bubong ay may magagawa pa rin kami para sa mga tao sa aming paligid at para narin sa aming mga sarili.   Itutuloy.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD